Chapter XV: Sobra

40 1 0
                                    


Naisipan nang bumalik ni Rhianne sa cottage at sa front porch ay nakita niya ang duyan. Umupo siya rito habang nakatingin sa dagat. Nakayakap siya sa sariling mga braso saka sa balikat, lumalamig na ang simoy ng hangin at ramdam niya ang bawat halik nito sa kanyang balat.

Maya-maya ay napalingon siya sa may hagdanan nang may maramdamang taong umakyat at lumakas ang pintig ng puso niya nang makita si Alphaeus. Sana di na siya lumingon, sana di na niya pinansin. Kaso nangyari na, nagkatinginan na sila. Napaubo ng pilit si Rhianne sabay balik ng tingin sa dagat. Naglakad na si Alphaeus papasok ng cottage nang huminto ito at tumingin kay Rhianne.

"M-may... may shawl sa loob. Gamitin mo na." Ang nasabi nito. Napapikit ng mata si Rhianne dahil sa kaba hanggang makaipon ng pwersang makapag-salita.

"Hindi na." Tumahimik sila at ang tanging maririnig mo ay ang alon ng dagat sa beach. Saka narinig ni Rhianne ang paggalaw ng mga paa ni Alphaeus. Napahigpit ang yakap niya sa sarili at pilit nakatingin sa dagat.

"I'm sorry..." Nang marinig iyon ay mas lumakas pa ang pintig ng puso ni Rhianne. "Rhianne, I'm sorry. I didn't- I mean, I enjoyed what happened but-" sa nasabing iyon ay napalingon si Rhianne kay Alphaeus.

"So pinlano mo na yun??"

"Hindi... I... huh... Rhianne I was... Rhianne lalaki pa rin ako at-"

"Lalaki??" Napatayo na si Rhianne. "Eh bakla ka, eh! Manyakis na, bakla pa! Ikaw nang may sabi di ba? Na bakla ka!"

"Oo!" Napalakas ang boses ni Alphaeus. "Bakla ako dahil yun ang gusto mong sabihin ko! Dahil yun ang gusto mong marinig! Dahil alam kong magagalit ka pag sinabi kong hindi. Dahil alam kong iiwas ka pag sinabi kong gusto kita." Natigilan si Rhianne.

"Oo, Rhianne, gusto kita, simula pa noong high school, lintik na pusong 'to!"

"An-hindi kita..."

"Oo, hindi mo maiintindihan kasi hindi ka nakikinig. Ang problema sa'yo pag may naisip ka nang theory, yun na ang pinaniniwalaan mo kahit hindi totoo, kasi nga hindi ka nakikinig. I tried to tell you, Rhianne. I tried a hundred times. Pero nakinig ka ba??" Tumahimik na si Rhianne alam niyang totoo ang sinasabi ni Alphaeus. "Hindi. Hindi ka nakinig."

"Ah- hin-"

"Oo na, mahal nga kita! Bakit ka pa kasi kailangang bumalik?? Okay na sa aking matrap sa highschool and college love ko sa'yo, eh, pero lintik, bumalik ka pa!"

"H-hindi ko..."

"Ano? Sa tingin ko naman sa ginawa ko mapagtanto mo nang hindi ako bakla. Dahil hindi naman talaga. Alam mo bang ang sakit sakit pag sinasabihan mo akong bakla? Dahil alam kong hindi totoo at ang problema, nanggaling pa sa'yo!" Di na makasagot ni Rhianne, napatulo ang luha niya saka niya ito pinahiran agad, dahil sa di na umimik si Rhianne ay di na tumuloy sa pag-pasok ng cottage si Alphaeus, bumaba ito pabalik saka naglakad na papalayo.

Ako? Mahal ako ni Alphaeus?? Alphaeus, I didn't know... bakit... bakit di ko narinig... bakit... huh... pa'no na...

*

"Nakahanda na ang pagkain, Rhianne." Kakatapos lang ihanda personally ni Manang Pising ang hapunan nina Rhianne at Alphaeus, nais niyang makitang muli ang magkasintahang nagpapaalala sa kanya ng naudlot niyang pag-ibig noon na kasing tamis ng asukal. (Masyadong OA, I know).

"Salamat po, Manang." Ang naisagot ni Rhianne na nakatingin sa dagat.

"May problema ba kayong magkasintahan?" Napuna ni Manang Pising na hindi sila nagkakasama ngayong araw, kaya nga siya nagpunta ng personal.

MetamorphosisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon