Chapter 26 -The Ripple Effect

27.6K 834 33
                                    

Chapter 26 –The Ripple Effect

 

Seri’s POV

 

Papalabas na sana kami ng portal ni Hunter nang mapatigil siya sa pag-drive. Nakita kong napakunot noo siya as if something was wrong.

“Are you okay?” I asked.

“We have to go back,” he said. Napatango lang ako sakanya kahit labag sa loob ko ang gusto niya. Ang sabi niya kasi may pupuntahan kami. Pero makakapaghintay naman siguro ‘yon. Alam kong hindi siya babalik kung hindi importante.

Napahawak ako ng mahigpit sa strap ng seatbelt nang maramdaman kong mas lalong bumilis ang pagpatakbo niya sa sasakyan.

“H-Hunter… Makakabalik naman tayo do’n, eh.” sabi ko pero hindi niya ako pinansin.

Nahihilo ako sa sobrang bilis niyang mag-drive. At natatakot din ako. Hindi ko alam. Pakiramdam ko nalalanghap ko  ang hangin sa labas kahit nakasarado naman ang mga bintana.

Nagmamadaling pinark niya ang sasakyan sa harap ng SMA. Bumaba siya at hindi ko na siya hinintay na ipagbukas ako ng pinto kaya agad din naman akong sumunod sakanya.

“Oh, no!” he said at sa totoo lang hindi ko siya ma-gets.

“Hunter may problema ba?” nag-aalala kong sabi.

Napatingin naman ako sa mga studyante at parang normal naman silang kumikilos. Ano ba ang pinag-aalala niya?

“Hunter! Hunter, thank god you’re here!” napalingon ako sa tumawag sakanya at nakita ko si Wynnet tumatakbo palapit sa akin. Her face looks terrified.

“Wynnet…”

“We have to talk!” she said tapos tumingin sa akin. “Alone!”

“Okay lang kahit—“

“Aalis muna ako, Hunter. Sige na mag-usap muna kayo. Hahanapin ko muna si Shelby.” Nakangiti kong sabi sakanya.

“Huwag kang lalayo, Serenity. Madali lang ‘to,” Hunter told me saka ako tumango at tinalikuran sila. Masyado sigurong importante ang pag-uusapan nila at ayaw ko naman ipilit ang sarili ko na alamin ‘yon.

Wynnet’s POV

DINALA ko si Hunter sa may front garden ng SMA. I secured the place na walang nakakarinig sa amin. Nagpalinga-linga rin ako kung may kaduda-duda sa paligid.

“Naramdaman kong may hindi magandang nangyari kaya agad akong bumalik.” Sabi sa akin ni Hunter. Alam kong naramdaman niya ‘yon.

“Why did you freeze the time?” I asked first before telling him what I have discovered.

“It’s about Great Aunt Erina’s secret. I’ll tell you later.”

“Hunter, when you freezes time. Alam nating dalawa na exception ako, diba?” I said. He nods.

“What are you saying now, Wynnet?”

“Kanina, nang malaman kong pinatigil mo ang oras, agad kitang hinanap. I wanted to help kasi baka may maging aberya atleast nandito ako para itama ang lahat, diba?”

“And then?”

“But what I don’t understand, habang naka-freeze ang time, bukod sa akin, may exception sa power mo. At sa palagay ko, siya ang sagot sa tanong natin kung bakit hindi mo mahanap ang totoong mahal mo. Siya ang dahilan kung bakit nagkagulo-gulo ang plano natin. May sumisira sa balanse ng mundo para sa’yo.” I said. Bahagyang nagulat si Hunter sa sinabi ko pero agad din namang bumalik sa dati ang expression ng mukha niya.

Vampire City 3: Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon