Chapter 40 – Twin Sister
Shelby's POV
PINUNTAHAN namin ni Charity si Connor. Agad niya akong niyakap nang makita ako.
"Ayaw ni Mommy sa relasyon natin. Shelby, magpakalayo-layo na tayo. Ayaw din naman ng Grandma mo sa akin diba?"
Siguro kung hindi ko alam ang totoo baka sumama na talaga ako kay Connor. Pero hindi, eh. Magkapatid kami, kambal for crying out loud!
"Connor, I'm afraid we can't do that." Sabi ko sakanya. Napakunot noo naman siya.
"Why?" he asked. "Akala ko ba mahal mo ako,"
"I love you so much, Connor. Pero hindi puwede ang relasyon natin. This is forbidden."
"What are you saying?"
"I need to tell you something...sa'yo at kay Charity. This is very important," tinawag ko sa labas ng silid si Charity. Nagtatakang tiningnan lang nila ako at naghihintay na magsalita ako.
Sinabi ko sakanila ang lahat. Sa kung paanong ako ang kambal ni Connor at hindi si Charity. Tahimik lang silang nakikinig sa akin. Si Charity ay umiiyak at parang hindi matanggap ang lahat. Si Connor naman hindi ko mabasa ang iniisip. Hindi ko alam kung galit ba siya kasi sinabi ko pa sakanya ang totoo o galit siya kasi magkapatid kami.
"Gusto kong makilala ang Grandma mo, Shelby." Ang tanging narinig ko mula sakanya.
Sa aming tatlo, kay Charity ako naaawa. Kasi hindi niya pala totoong pamilya ang nakasama niya halos buong buhay niya. Pero wala namang magbabago, eh. Hindi ko naman siya aalisan ng karapatan sa kinalikihang pamilya niya. Ang tanging magba-bago lang ay kung ano ang mayro'n kami ni Connor na hindi na namin puwedeng ipagpatuloy.
Nakarating kaming palasyo at sa Royal Library namin nahanap si Grandma. Naabutan namin siyang nakatingin sa family portrait namin at malungkot ang mga mata niya.
"Grandma..." niyakap ko siya. Kahit mali ang ginawa ni Grandma, hindi ko kayang magtanim ng sama ng loob sakanya. I love her too much to hate her.
"Hija, I'm so sorry. Sana mapatawad mo ako," umiiyak niya pa ring sabi.
"We can still correct your mistakes, Grandma. That's why I bring them here," tinuro ko sila Connor at Charity na nagtatago sa isang malaking book shelves. Lumabas silang parehong nakayuko.
"Grandma, this is Connor and Charity," pakilala ko sakanila kahit alam ko namang kilala na niya sila.
Agad na niyakap ni Grandma si Connor. Pumasok naman sa library si Grandpa at natigilan sa eksenang nadatnan. Niyakap din ni Grandpa si Connor. Lumapit ako kay Charity at niyakap siya sa gilid. I knew she felt outcast pero kung kailangang ituring ko rin siyang kapatid gagawin ko. Kahit masakit sa akin, kakalimutan ko ang pagmamahal na mayroon ako kay Connor para sa pagiging magkapatid namin.
"Can you also read mind, hijo?" tanong ni Grandma.
"Hindi po," nakayukong sabi ni Connor. "Isa po akong shape-shifter,"
"Grandma, si Charity po ang marunong magbasa ng isip." Singit ko.
Parehong natigilan si Grandma at Grandpa sa sinabi ko.
"You can read mind, hija?" tanong ni Grandma. "But that power can only be acquired through family..."
"Unless..." halos pabulong na sabi ni Grandpa.
"Connor, hijo. You say you're a shape-shifter? Noong baby ka pa, nagagawa mo na bang mag shift ng kahit anong anyo?" tanong ni Grandma.
"Yes po. Ang sabi ni Mommy noon, minsan daw nakikita niya na lang na ibang sanggol ang nasa tabi niya. Wala pa po akong control sa kapangyarihan ko noon kaya kung ano-anung nagagawa ko sa power ko."
BINABASA MO ANG
Vampire City 3: Crimson Love
Vampire[Vampire City Series #3] "I am doing this because i can't bear to see them suffer." -Hunter Kang (All rights reserved 2014) by Thyriza