Chapter 34 - Entreaty
Ryder's POV
TAHIMIK lang kaming lahat nang ikuwento ni Hunter ang lahat. Nasa kulungan na si Lady Tauren at nilagay siya sa isang asylum na hindi niya magagamit ang kapangyarihan niya. Alam namin kung ano ang kakayahan niya pero wala kaming ideya na ginagamit pala niya 'to para mabago ang nakaraan.
"Anak, hindi mo dapat 'yon ginawa. So 'yung akala kong mga imahinasyon ko lang noon ay totoo pala?" sabi ni Mommy. Kanina umiiyak siya habang kine-kwento ni Hunter kung paano niya hinayaan na isipin nila Mommy at Daddy na patay na siya para mabago niya ang nakaraan.
Si Lady Tauren ay asawa raw ni Vance na dating kanang kamay nila Grandpa Hansel. Noong mga panahon daw na hindi pa si Daddy ang namumuno ng Vampire City ay nagkaroon ng kaguluhan sa buong Vampire City at halos mawasak ito. Si Hunter ang umayos nito. Binago niya ang nakaraan. Binura niya ang balakid sa pag-iibigan ni Daddy at Mommy.
Pero marami itong naging epekto. Namatay ang Nanay ng pinsan naming si Shelby dahil sa panganganak. Nagbago ang ugali ni Tito Edric at namatay si Seri. Pero kahit sinabi na ni Hunter ang lahat, parang may tinatago pa rin siya sa amin.
Tahimik lamang ako sa gilid. Hindi ako makatingin sakanila. Sabi sa akin ni Mommy noong bata pa ako, pareho kaming makapangyarihan ni Kuya. Pero ang akin daw ang hindi puwedeng ipagsabi kasi maraming Vampira ang naghahanga ng ganitong kapangyarihan.
Lahat ng kapangyarihan ng pamilya ko ay mayroon ako. Ang tawag dito Omnipotence or the Power of Deity. Ang wala lang ako ay ang kapangyarihan ng kapatid ko-ang ibalik at baguhin ang nakaraan. Kung puwede ko lang ayusin ang mga pagkakamali niya gagawin ko. Hindi sana magkakagulo kung hindi niya sa akin inagaw si Seri. Oo nga at sa akin sumama si Seri pero 'yon naman ang naging dahilan para mamatay siya.
Ang nakakainis lang kasi ngayon na alam ko nang buhay si Seri, saka naman siya nawawala. Natuntun namin kanina ang pinagdalhan sakanya ni Lady Tauren pero wala na siya roon. She had an accomplice at hindi ko alam kung sino 'yon. Parang bino-block ang kapangyarihan ko para makita kung sino ang may hawak ngayon kay Seri.
Hunter's POV
"Ano 'to?" tanong ko kay Wynnet nang iabot niya sa akin ang isang punit na pahina ng isang libro.
"Ibalik mo na sa dati, Hunter. Maayos na 'yon, eh. Tahimik na ang buhay natin doon," pakiusap sa akin ni Wynnet. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Ang ibalik sa dati kung saan hindi kami magkaaway ng kapatid ko. Kung saan girlfriend ko si Seri.
"Pero hindi ko 'yon puwedeng gawin hanggang sa hindi natin nahahanap si Serenity. Kasama ko siyang naglakbay sa nakaraan kaya kailangan kasama ko rin siya kung babalik tayo." Sabi ko sakanya. Tiningnan ko ang papel. Isang spell para maibalik ang lahat sa kaayosan.
"Saan mo 'to nahanap?" tanong ko sakanya.
"Sa mga gamit ni Lady Tauren. Ang kailangan nating siguraduhin ay ang hindi makatakas si Lady Tauren para kapag bumalik tayo sa present ay wala nang mang-gugulo sa atin." Wynnet told me. Kaya pala nawala siya no'ng kami ang magkasama ni Serenity kasi ito ang hinahanap niya.
"Hindi ko na dapat hinayaan na lumayo sa akin si Serenity. The last we talked ay galit pa siya sa akin. I told her everything at parang bumalik pa ang feelings niya kay Ryder." Sabi ko dahilan para manlaki ang mga mata ni Wynnet.
"Why did you do that? Hindi mo dapat sinabi!" she scowled.
"I have no choice! Marami na siyang tanong," I retorted.
"Kapag bumalik na tayo sa present time, we have to erase her memory from her past." Sabi niya tapos humalukipkip. I smiled faintly. Wynnet is always the boss of me. Ako ang matanda sakanya pero minsan mas matured pa siyang mag-isip sa akin.
BINABASA MO ANG
Vampire City 3: Crimson Love
Vampire[Vampire City Series #3] "I am doing this because i can't bear to see them suffer." -Hunter Kang (All rights reserved 2014) by Thyriza