Chapter 15 – I’ll Miss you, too.
Vampira nga si Hunter pero mas matinik ako sakanya. Wahahahaha! Lagi ko siyang tinatakasan. At tatlong gabi ko na siyang nalulusutan. Naasar kasi ako sakanya. Ikakamatay ko kapag lagi ko siyang kasama.
Hindi pa sinasabi ng prof namin ang dismiss ay agad ko ng hinahanda ang gamit ko para mamaya lalabas na lang ako.
Naramdaman ko naman na kinalabit ako ni Shelby kaya napalingon ako sakanya.
“Tatakasan mo nanaman siya?” alam niya ang ginagawa kong pag-iwas o pag-takas sa pinsan niya at hindi naman niya ako kinokontra.
“Oo,” I beamed at her.
“Seri, hindi naman sa kinakampihan ko si Hunter kasi pinsan ko siya. Pero nakakaawa na eh. Lagi siyang naghihintay sa labas at halos ikutin niya ang buong campus makita ka lang. Kahit nga alam niyang nasa condo mo na ikaw hindi na siya pumupunta kasi baka daw tulog ka na,”
“Hanggang sa hindi siya nagbabago sa ugali niya o sa pakikitungo sa akin, iiwasan at iiwasan ko siya.” Nasabi ko na lang sakanya. Shelby gave me a weak smile saka tumango.
“He’s changed when he met you. And believe it or not, he’s different when he’s with you. Give him a chance.”
Hindi ko na lang pinansin si Shelby. Nang sinabi ni sir na class dismiss ay saka ako tumayo. Kasabay ng mga classmates ko ay matamlay akong lumabas ng room.
Nakita ko si Hunter na naghihintay sa labas ng classroom at ang daming nakatitig sakanya.
Mataman lang siyang nakatingin sa akin. Gusto ko ulit siyang takasan pero parang nakonsensya ako sa sinabi ni Shelby. Nilapitan ko siya kahit alam kong ang daming nakatingin sa amin.
“H-hunter…k-kasi,” nakagat ko pang-ibabang labi ko dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.
“Sorry,” sabi niya dahilan para mapaangat ako ng tingin.
“A-ano—“
“Sorry sa lahat, Serenity.”
“Nagda-drama ka nanaman ba d’yan, Hunter?” mahina kong sabi.
“Hindi ako nag-dadrama.” Hinawakan niya bigla braso ko saka ako hinatak papalayo sa nagkukumpulang vampira.
Hinayaan ko lang siyang hilain ako. Hindi ko nga alam kung saan niya ako dadalhin eh.
Napadpad kami sa pinakadulo ng campus kong saan hindi ko pa napupuntahan. May garden siya at iba’t-ibang bulaklak at alitaptap sa taas nito. Kung umaga lang siguro baka mas na-appreciate ko siya.
Pumasok kami sa isang arc at may nakasulat na ‘Conservatory’. Para siyang green house kasi kita ko agad sa loob na may mga halaman.
Pinapasok ako ni Hunter sa loob at do’n ko lang napagtanto na hindi siya green house lang. Tirahan siya ng mga iba’t-ibang klase ng butterfly. Manghang-mangha ako sa lugar. Kahit kailan kasi hindi pa ako nakapasok sa cage ng butterfly.
Actually napakalaki niyang conservatory. May maliit na fountain at may ilaw sa ilalim ng tubig. May bench sa every corner at ‘yung bushes sa gilid na ginawang topiary. Mas nakakadagdag din ng kagandahan ang mga lumilipag-lipad na alitaptap sa labas ng conservatory.
“Serenity,” tawag niya sa pangalan ko. Halos makalimutan ko nang kasama ko pala si Hunter.
“Ang ganda dito,” I beamed at him.
“Mabuti naman at nagustuhan mo.” Seryoso niyang sabi.
“Bakit mo pala ako dinala dito?” tanong ko.
BINABASA MO ANG
Vampire City 3: Crimson Love
Vampire[Vampire City Series #3] "I am doing this because i can't bear to see them suffer." -Hunter Kang (All rights reserved 2014) by Thyriza