Chapter 10 - Save You

38.9K 1K 42
                                    

Chapter 10 – Save You

Hindi ko alam kung kaninong alaala ang pumapasok sa isipan ko. Pero isa lang ang alam ko, maraming beses ko na ‘yong napanaginipan at hindi ko alam kung ako ‘yung babae dahil blurred ang mukha nila.

Blanko ang ekspresyon niya at mahigpit pa din niya akong nahahawakan. Bakit ba kasi ako nasasaktan? Was it his tight grip or the emotions that’s inside me.

Biglang may pumatak na luha sa mata ko at kita kong nagulat siya. Naramdaman kong lumuwang ang paghawak niya sa akin.

“Y-you’re…you’re crying,” gulat na gulat niyang sambit.

“I-I am.” Marahas kong pinunasan ang pisngi ko saka ko siya tiningnan ng masama. “Wala kang magandang maidudulot sa buhay ko. Kaya kung pwede lang layuan mo na ako! Hayaan mo na akong mamuhay ng tahimik. At kung ikakasaya pa ng ego mo na aminin kong napipikon ako sa magaspang mong ugali—well yes! For the satisfaction of yourself!” tinanggal ko ang mga kamay niyang nakaharang para umalis ako.

Ang naging kasalanan ko lang sakanya ay matapunan siya ng blood wine pero ganito ang kapalit? He’s so cruel!

Bago pa ako makalayo lumingon ulit ako sakanya. Para maputol na ang ugnayan namin, kailangan ko ring sabihin ang totoo para tigilan na niya ako.

“Just so you know, hindi naman talaga kami ng crowned prince. I just invented stories para maintimidate kita. But I guess you’re one of those vampires who have stone heart na hindi matitinag sa kahit na anong bagay.” Nakatulala lang siya sa akin at hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Napakahirap niyang basahin.

“But your condition. You told me to stay beside you, always! Nakakalimutan mo na din ba ‘yon?” seryoso niyang sabi. Napangisi lang ako sakanya.

“Nakapagsinungaling ako sa’yo tungkol sa relasyon ko sa crowned prince. Bakit hindi tungkol do’n? It was a joke to test your patience. Now we’re quits.” Binilisan ko ang paglakad ko para hindi na niya ako habulin.

Somehow nakahinga na ako ng malunwang dahil nasabi ko na sakanya ang totoo. Siguro naman hindi na niya ako guguluhin. Kasi hindi lang isipan ko ang nagugulo kapag nandyan siya—pati ang nararamdaman ko.

Bumalik ako sa crowd at nakita ko si Shelby na masasalubong ko. Nakangiti siya sa akin at mukhang ang saya-saya.

“Oh bakit ka nakabusangot?” agad niyang sabi sa akin. Gano’n ba ako ka-obvious na inis?

“Uuwi na ako, Shelby.” Sabi ko lang sakanya.

“Ha? Bakit? May nangyari na?” nag-aalala niyang sabi. Ngumiti lang ako sakanya saka umiling.

“Wala naman. Medyo inaantok na kasi ako eh.” pagsisinungaling ko.

“The party is not even starting formally. Mamaya ka na umalis, please?” I wanted to say no. Pero ang hirap tanggihan ni Shelby lalo na kung wala naman siyang kasalanan kung bakit nawalan ako ng mood.

I sigh. “Ok,” ngumiti siya sa akin. I was caught off guard when she hugged me.

“Hindi ko alam kung ano ang sinabi niya sa’yo. Pero sana h’wag mong hayaan na maapektuhan ka niya.” Sabi niya. Siguro ‘yung si Haynes ang tinutukoy niya. Tama si Shelby, hindi dapat ako nagpapaapekto sa vampirang ‘yon. He can say anything to me, pero hindi niya ako matitinag. Besides, sisiguraduhin kong ‘yon na ang huli naming pagkikita. Iiwasan ko siya sa abot ng aking makakaya.

I was thankful na nakinig ako kay Shelby. May program pala ang Sinister night. May mga nagperform sa mini stage at performance level bawat performer.

Vampire City 3: Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon