Chapter 20 - Bits of her Memory

39.2K 911 78
                                    

Chapter 20 – Bits of her Memory

Seri’s POV

 

Tinakbo ko ang mahabang pasilyo habang suot ang mahabang traje de boda. Gusto ko tumakas. Gusto kong takasan ang lahat. Kung pwede ko lang maibalik ang lahat ng pangyayari ginawa ko na. Pero huli na ang lahat. Nagkamali ako. At ngayon, may mga nasaktan ako. Hindi lang siya kundi ang buong angkan niya.

Habang tumatakbo ako, naramdaman kong may humawak sa kamay ko at sinasabayan ako sa pagtakbo. Biglang gumaan ang pakiramdam ko. The pain is worth it because of him.

“Thank you for choosing me,” he said. I stared at his face. Walang pagsisisi. Gagawin niya talaga ang lahat makasama lang ako.

“I will always choose you,” huminto kami sa pagtakbo. Humarap siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko. Pinagmasdan niya ako ng puno ng pagmamahal.

“You worth all the risk,” napapikit ako habang dinadama ang kamay niya sa pisngi ko. Nginitian ko lang siya.

Pero habang nakaharap kami sa isa’t-isa, naramdaman kong dahan-dahan kaming lumalayo sa isa’t-isa. Pareho kaming hindi makagalaw. Sumisigaw ako pero pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.

“Seri!”

Naramdaman kong umiiyak ako. Ang sakit sa pakiramdam. Ang sakit sa dibdib. Ayaw kong malayo sakanya.

“Seri! Seri!”

 

“Seri!”

Bigla akong napabalikwas sa sobrang pangit na panaginip. Everything is clear except for the face of the man. Bakit ba lagi ko siyang napapanaginipan.

“Thank god you’re awake!” napatingin ako sa tabi ko. Si Ryder at sobrang nag-aalala. Nandito pala ako sa sala nakatulog. Kanina kasi habang hinihintay ko siyang matapos maligo, hindi ko na namalayan na dito na ako nakatulog.

Bumangon ako at napahawak sa leeg ko. Medyo masakit leeg ko dahil sa armrest ako umunan. H’wag naman sana akong magka stiff neck.

“Ayos ka lang ba, Seri? Pinagpapawisan ka.” Sabi ni Ryder. Napatingin lang ako sakanya.

“Nandito ka pa,” mahina kong sabi pero alam kong narinig niya.

“Yeah. I can’t just leave you sleeping.” He looks concern. “Are you hungry?”

Pinakiramdam ko tyan ko, “Medyo. Anong oras na ba?”

“It’s past 7 AM. You should eat breakfast.”

“You’re right.” Tumayo ako saka ko sinuot ang slippers ko.

“I’ll help you,”

“Naku ‘wag na.” pumunta ako sa kusina at naramdaman ko naman na sumunod siya. Pagdating kong kusina nadatnan ko pa ang pinagkainan ko kahapon na hindi ko nahugasan. Mamaya ko na lang sila huhugasan after I eat breakfast.

“Matamlay ka ata.” Kumento ni Ryder habang nilalagyan ko ng hiwa ang hotdog.

“Wala ‘to.” tipid kong sabi.

“'Yung nangyari kahapon, huwag mo na ‘yon isipin. I will always protect you and no one can hurt you.” Napatingin ako sakanya at kita ko kung gaano siya ka-sincere. I beam at him.

“Thank you,” I said.

Pinanuod lang ako ni Ryder na kumain. Kahit alam kong hindi siya kumakain, still, I offer him my food. It’s kinda weird nga, eh. Sanay na sanay na ako. Siguro kasi kinalakihan ko na rin kela mommy at daddy.

Vampire City 3: Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon