Chapter 28 – Flashbacks (1)
Matagal nang tanggap ng mga taga Vampire City ang pagkakaroon ng ugnayan ng mga vampira sa tao. Tanggap nila na dating tao ang Reynang namumuno sakanila. Pero gayo’n pa man, mahigpit pa rin nilang pinagbabawalan ang mga normal na vampira na makipag-relasyon sa mga tao.
Pero hindi nila ito mapipigilan lalo na si Tom Quin o mas kilala na bilang Nheo Alcheco sa mundo ng tao. Nakapangasawa siya ng isang mortal at ‘di naglaon ay ginawa niya ‘tong kauri niya na walang pahintulot sa Elders dahilan para magkaro’n sila ng hidwaan ng dating Hari na si Hansel.
Matagal na panahon bago ulit sila nagkaayos.
Mas naging masaya ang palasyo nang isilang ni Reyna Lorelei ang pangalawa nitong anak na si Ryder. Lumaki sila ng kuya nitong si Hunter na malapit sa isa’t-isa.
Ryder’s body stops aging at 18 kagaya ng lahat ng vampira. Lumaki siyang masayahin hindi kagaya ng kuya niya na seryoso. Close sila nang kuya niya pero hindi mo maalis dito ang pagiging seryoso sa buhay at pagiging antipatiko na namana nito sa lolo niya.
Kapwa nag-aaral si Hunter at Ryder sa SMA nang bumalik ang mag-asawang Tom at Sandra sa Vampire City. She was 9 months pregnant at pareho nilang napagdesisyunan na sa Vampire City isilang ang anak nila. They’re expecting a baby girl kaya excited ang mga kaibigan ni Tom na sina Erina, Cris, Hansel, Ingrid, Maxhene at Denver dahil sa wakas magkakaro’n na ng anak ang matalik nilang kaibigan.
Sa palasyo nanganak si Sandra dahil ‘yon ang gusto ng dating Hari at Reyna.
Pero laking gulat nila dahil hindi isang vampira ang isinilang ni Sandra. Isang mortal ang isinilang niya na ipinagtaka ng lahat. Hindi rin naman maitatanggi na anak siya ni Tom dahil pareho silang may balat sa likod ng tuhod.
Pinangalan nila itong Serenity dahil hindi umiiyak nang lumabas. Bagay na bagay daw dito ang pangalan niya.
Lumaki si Serenity na parang normal na bata. Tanggap siya ng lahat at kaibigan ang turing sakanya ng mga taga Vampire City. Kahit kailan hindi niya naisip na nakakatakot ang lugar na kinalakihan.
Naging malapit si Serenity sa Royal family lalo na kay Wynnet na anak ni Avia at Wynner at kay Ryder na itinuring niyang matalik na kaibigan. Close siya halos sa lahat maliban sa isa. Kay Hunter. Sa tuwing makikita niya ‘to o makakasalubong ay agad siyang umiiwas. Takot siya sa pagkatao nito, parang lagi siyang aatakehin sa puso kapag nakikita niya itong nakatingin sakanya. Lagi itong matalas kung tumingin na animo’y laging papatay.
“Wynnet, masaya ako at dito ka ulit magbabakasyon. Sobra kitang namiss!” ani ni Serenity sa kaibigang si Wynnet. Napakapit pa siya sa braso nito at sumandal sa balikat nito.
“Ayaw nga sana ni mommy, eh! Kaso spoiled ako kay daddy kaya pinayagan na rin ako. Besides, namiss talaga kita! Mas gusto kitang kasama kaysa sa mga vampirette na nakikipagkaibigan sa akin sa Germany. Sie so langweilig sind.” Nakanguso niyang sabi pero napasimangot naman si Serenity. Ayaw na ayaw niya kapag ibang lengwahe ang sinasalita ni Wynnet kasi hindi naman niya ito maintindihan.
“Ano ‘yung sabi mo?” tanong niya.
“Sabi ko ang boring nilang kausap,” she said kaya napatango lang si Serenity
Umuwi sandali si Serenity para magbihis ng damit dahil may pupuntahan daw sila ni Wynnet. Pero pagkalabas niyang bahay nila, nakita niya si Ryder na naghihintay sa may gate at nakapamulsa ito at ayos na ayos ang kasuotan nito.
Lihim na napangiti si Serenity. Ang gwapo ng kaibigan niya kaya hindi na siya nagtataka na maraming nagkakagusto rito. Kung hindi nga lang niya alam na friendzoned siya rito matagal na siyang nagtapat dito. Pero mas importante ang pagiging magkaibigan nila kaya mas pinili niyang itago ang nararamdaman para sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
Vampire City 3: Crimson Love
Vampire[Vampire City Series #3] "I am doing this because i can't bear to see them suffer." -Hunter Kang (All rights reserved 2014) by Thyriza