SPECIAL CHAPTER

42.3K 962 104
                                    

SPECIAL CHAPTER

~~~


Ever heard of 'the heart remembers what the minds forget?' Because that's what I think happened to me when I admitted my feelings for Hunter. Kasal na kami and we're already expecting our first baby pero wala pa rin akong maalala sa nakaraan ko.

Pero hindi na naman importante 'yon kasi masaya ako ngayon at ayaw ko pang mabuhay sa nakaraan. May mga bagay talaga na hindi na dapat sa'yo ipaalala pa para hindi ka masaktan.

"Kailan ka uuwi?" I asked Hunter. Pupunta kasi siya ngayon sa province ng vampire city dahil may aasikasuhin siya.

"Bukas nandito na ako, promise," nakangiti niyang sabi sa akin. He kissed my forehead and caresses my cheeks.

"Malapit ng lumabas ang baby natin kaya dapat nandito ka. Hindi ko ata kakayanin kung wala ka sa tabi ko," I said pouting. Napaka clingy ko sa asawa ko lalo na't buntis ako. Ayaw na ayaw ko siyang nawawala sa paningin ko. Ngayon lang nga siya mawawala ng isang araw, eh.

"Promise. Besides, next week pa naman ang labas ni Wyatt, 'di ba?" he said tapos hinimas ang tiyan ko.

Si Hunter ang nagpangalan sa anak namin. Sabi ng mga doctor ay lalaki raw ang panganay namin. Gusto ko sanang dalawa ang name ng baby but he prefers one name para raw hindi mahirapan ang anak namin sa pagsulat kaya Wyatt Kang ang pangalan ng first born namin. Ganoon kaiksi.

After umalis ni Hunter ay dinalaw pa ako Shelby. Madalas siyang nandito kahit pa nasa province sila dahil doon na nakatira sila Tito Edric at Tita Kyla.

"Alam mo, feeling ko kay Hunter magmamana 'yang anak niyo," nakangusong sabi ni Shelby kaya natawa ako.

"Paano mo naman nasabi?"

"I can read the baby's thought at inip na inip na siya sa tiyan mo," sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

"You can do that?!" namamangha kong sabi.

"Ikaw naman, I can read minds and a baby is not an exemption. Kaya maghanda ka na dahil magkakaroon ka ng little Hunter," she said then laugh. She say it as if ang sama-sama ng ugali ni Hunter.

"Hunter is not that bad," I said.

"Ha! You don't remember anything kaya hindi mo alam. Mabuti na rin 'yon na wala kang naalala," napailing lang ako sakanya.

Nang umalis si Shelby at pumunta akong royal library para isoli 'tong mga libro na binasa ko kanina. Ang tahimik nga rito at sa totoo lang ang boring. Simula kasi noong naging Reyna na ako ay umalis na sila Tita Lorelei at Tito Aric papuntang Italy. Ang dami na ngang nagbago, eh. Pati si Ryder ay humiwalay na rin at laging wala rito.

"Kailangan nating gumawa ng maraming anak para maging maingay dito sa palasyo," ang laging sinasabi sa akin ni Hunter noon. Siguro kasi hindi siya sanay na kami lang ang nandito kasama ng mga tagapag silbi at mga royal guards.

Paglabas ko ng library ay bigla akong napahawak sa tiyan ko. I felt a tight knot on my belly. Sanay na naman ako kasi ganito raw talaga kapag buntis.

Hindi ko na sana papansin ang kakaibang sakit na nararamdaman ko nang maramdaman kong may malamig na umagos sa pagitan ng legs ko. Tiningnan ko 'to and was startled to see blood running between my legs.

"Oh god!" I said panicking. Bakit ngayon pa na wala si Hunter? Sh.t!

"Hala! Queen Serenity!" rinig ko sa likod ko. Nahihirapan na humarap ako sa isa sa tigapagsilbi sa palasyo. Hawak-hawak ko ang ibaba ng tiyan ko dahil pakiramdam ko ano mang oras ay mahuhulog 'to.

Vampire City 3: Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon