Chapter 33- The power of Deity
Ryder's POV
"NASAAN si Serenity?" napakunot noo ako sa tanong ni Hunter. Matalim ang mga matang tiningnan ko siya. Iniinsulto niya ba ako? Isang taon ng patay si Serenity... ang babaeng mahal ko. Tapos hahanapin niya sa akin?
"Nababaliw ka na," mababa kong sabi. I don't even know why he's talking to me. Because as far as brotherhood is concerned, matagal na niyang pinutol 'yon. Sirang-sira na ang relasyon namin at wala akong ibang sinisisi kundi siya.
Isang taon na rin ang nakalipas pero nandito pa rin ang sakit. Ang sakit na kaya pala akong pagtaksilan ng kapatid ko na sobra kong tinitingala. At ang sakit na wala na ang babaeng naging rason noon.
"Kung sasabihin ko ba sa'yo ang katotohanan, mapapatwad mo ba ako?" seryoso niyang sabi. Pinaningkitan ko siya. Anong ibig niyang sabihin?
"Anong katotohanan?" I asked nonchalantly.
"Na buhay-"
"Hunter! Nandito ka lang pala, eh!" pareho kaming napatingin sa matinis babaeng may matinis na boses. Si Arlyanna-ang ipinalit niya kay Serenity. Now I doubt it kung talagang minahal niya si Serenity. Kasi kung oo, bakit may kapalit agad 'to?
"Arlyanna, not now." Nakita kong napapikit ng mariin si Hunter at halatang iritado siya.
I scoffed, "Your fiancée needs you. I better be going." Nakapamulsa akong lumabas sa butterfly conservatory.
Simula nang mamatay si Serenity ay lagi na akong tumatambay dito. Kung minsan naman, dahil hindi maiiwasan na may ibang pumunta dito kaya pumupunta rin ako sa tree house namin o sa Barn outside the portal. Mga lugar kung saan maalala ko siya.
Kahit larawan lang sana niya masaya na akong makita siyang muli. Pero imposible rin kasi simula nang mamatay si Serenity ay namuhay na sa labas ng portal ang mag-asawang Alcheco.
Pumasok ako sa palasyo at isang katahimikan ang sumalubong sa akin. Napangiti na lang ako ng pait kung bakit biglang naging malungkot ang palasyo ng Vampire City.
Dati rati, sumasalubong sa akin ang masasayang tagapag lingkod. Ramdam na ramdam ko ang saying bumabalot sa kaharian noon. Pero ngayon? Naging kabaliktaran na nang lahat. Pakiramdam ko nga nagkawatak-watak na kaming pamilya, eh.
Sina lolo at lola nasa Italy na. Bihira na silang dumalaw dito dahil na rin sa trabaho nila sa Main. Ang mga magulang ko, halos oras oras nag-aaway. Kaunting bagay na hindi mapagkasunduan halos magpatayan na kapag binabato nila sa isa't-isa ang kapangyarihan nila.
Hindi ganito ang kinalakihan ko. Isang masayang pamilya ang kinasanayan ko kaya nalulungkot talaga akong ganito ang kinahinatnan ng pamilya ko. Hindi ko alam kung babalik pa kami sa dati.
"Prince Ryder..." napalingon ako sa tumawag sa akin.
Napangiti ako ng tipid, "Lady Tauren, kayo po pala."
"Puwede ko po ba kayo makausap, mahal na prinsipe? May sasabihin lang sana akong importante sa'yo." Nakayuko niyang sabi.
"Ano po ba 'yon?" si Lady Tauren kasi ay isa sa mga pinagkakatiwalaan ng palasyo. Siya ang shaman na nakatalaga sa palasyo. Ang alam ko ay mag-isa siya sa buhay kaya halos dito na rin siya manirahan.
Napalinga-linga naman siya sa paligid bago ulit nag-salita.
"Maari po bang huwag dito sa loob ng palasyo? Masyado kasing personal 'tong sasabihin ko, eh. Sa bahay ko po sana."
"Sige po. Pero magbibihis lang sana ako. Makapaghihintay po ba kayo?"
"Hindi!" napahawak siya sa braso ko na ikinagulat ko. "Ang ibig ko pong sabihin ay... hindi po makapaghihintay ang sasabihin ko."
Dahan-dahan siyang bumitaw sa akin. Pakiramdam ko gustong lumabas ng kapangyarihan kong noon ko pa pinipigilan. Napatulala siya nang deretso kong titigan ang mga mata niya. Parang nakapasok ang kaluluwa ko sa mga mata niya at doon ko nakita ang mga bagay na ginawa niya kani-kanina lang.
May kausap si Hunter na babae. Ang babaeng inihatid ko kahapon sa condo unit niya. Matagal silang nag-uusap at hindi nila alam na nasa paligid lang si Lady Tauren. Teka, bakit niya ba binabantayan ang dalawa?
Tumakbo ang babae na ang pagkakatanda ko ay Sari ang pangalan. Parang naging fast forwards ang lahat at nakapunta sila sa isang secret tunnel.
May ritwal siyang isinagawa kasama ang babae.
Halos mamilog ang mga mata ko nang makilala ko ang babae. Hindi ako maaring magkamali. Siya si Serenity. Nawalan ito ng malay at ipinasok nila ito sa isang silid na gawa sa bato. Pinahiga siya sa isang mahabang mesa na gawa rin sa bato at may mga nakaukit na sinaunang salita.
Para naman akong magnet na napahiwalay sa alaalang pinakita ng mga mata ni Lady Tauren. Maski siya ay gulat dahil sa nangyari. Kahit kailan hindi ko pinaalam kung ano ang kapangyarihan ko kahit kay Hunter. Tanging si daddy at mommy lang ang nakakaalam ng totoo.
"P-paano mo 'yon nagawa?" gulat na tanong sa akin ni Lady Tauren.
"Isa kang traydor!" mariin kong bintang.
"Kamahalan-"
"Nasaan si Serenity?! Paano siya nabuhay?!" mahigpit kong hinawakan ang mga braso niya. Hindi siya makagalaw dahil kino-control ko ang kilos niya. Halatang nagulat nanaman siya.
"Mga kawal!!" malakas kong sigaw na halos marinig ng buong kaharian.
"Paano mo nagagamit ang kapangyarihan ng dating Inang Reyna Veruca at kapangyarihan ng dating Hari na si King Hansel?" gulat na gulat niyang tanong.
Nagsidatingan naman ang mga kawal na nasa likuran niya. I smirked at her.
"Ako ang nag-iisang nakakuha ng kapangyarihan ng buong angkan." Matalim na tiningnan ko siya.
"Omnipotence. You have the power of a deity." Gulat niyang sabi. Binitawan ko siya at ibinigay sa mga kawal.
"Ikulong niyo siya!" utos ko.
"Sa wakas napalabas ko na rin ang kapangyarihan mo." Ngumisi siya ng nakakademonyo at sa isang iglap ay nag-bago ang kulay ng mga mata niya.
Napatingin ako sa gilid ko kung saan ang grand stair case at pababa sila mommy at daddy.
"Anong kaguluhan 'to?!" galit na sabi ni daddy.
Napahalaklak naman si Lady Tauren at matalim ang mga matang pinukol niya kay mommy at daddy.
"Ryder has the power of deity, am I right, King Aric?" she said grinning.
"Lady Tauren, ano'ng ibig sabihin nito?!" galit na sambit ni mommy.
"Huwag mo akong matatawag sa pangalan ko! Dahil sa inyo namatay ang asawa ko!" nakita kong napakunot si mommy at daddy at parang walang ideya sa sinasabi ni Lady Tauren.
"Akala ko wala kang pamilya?" sabi ni mommy.
"Mga hangal!" galit niyang sigaw. Napalingon ako nang bumukas ang main door ng palasyo at pumasok si Hunter. Nagmadali siyang nagteleport palapit sa akin at alam kong may ideya siya sa kung ano ang nangyayari.
"Hindi niyo ba naalala, King Aric, Queen Lorelei? Hindi niyo ba naalala kung paano niyo pinatay ang asawa kong si Vance?!"
I heard a distinct voice dahil na rin sa napapaligiran kami ng kawal at mga tagapaglingkod sa loob ng palasyo.
"Sinong Vance?" nakanunot noong tanong ni daddy.
"Malamang hindi niyo na siya kilala dahil sa kagagawan ng panganay niyo." Napatingin siya kay Hunter. "Hindi ba Hunter?" bahagyang napakislot si Hunter nang tingnan siya ni Lady Tauren.
"Hindi namin alam ang sinasabi mo. At paanong may kinalaman ang anak naming si Hunter?" sabi ni mommy.
Tumawa ng mala demonyo si Lady Tauren. Pero naging matalim ulit ang mga tingin niya sa bawat sa amin.
"Let me tell you a story 3 centuries ago."
--
Bumabaha ang ideas sa utak ko kaya update lang ng update. Hahaha baka masundan bukas. Depende sa mood ko. Mejj masipag ako ngayon, eh.
Ate Thy.💋
BINABASA MO ANG
Vampire City 3: Crimson Love
Vampir[Vampire City Series #3] "I am doing this because i can't bear to see them suffer." -Hunter Kang (All rights reserved 2014) by Thyriza