Chapter 46 – The Prophecy
Seri's POV
HAWAK ko ang DTR ko pati ni Amanda. Magkasabay ko 'tong pinunch dahil ang magaling na bruha may pinuntahan na naman kaya inobliga akong i-punch siya kapag mag-a-out na ako. Madaya pero wala naman 'yon sa akin. Huwag lang talagang mahuhuli dahil lagot kami—ako.
"What are you doing?"
"Ay kabayo!" halos mapatalon ako sa biglang nagsalita. Napalingon ako at halos lumuwa ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino 'to.
"P-Prince Hunter?" Naku, lagot na talaga! Malamang nakita niya ang ginawa ko. Isusumbong niya ako at hindi niya ako kukunsintihin dahil isa siyang Prinsepe na kailangan maging role model.
"Did you just punch out your officemate?" he seems asking but I know he was only doing that para sa akin niya mismo marinig ang maling ginawa ko.
"K-kasi po..." nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Sa dinamirami naman kasi ng makakakita sa akin, bakit siya pa? At bakit nga ba siya nandito? Ilang araw ng tapos ang Festival. Hindi ba siya hinahanap sa Palasyo?
"Don't you think it's unfair for other na umuuwi sa tamang oras?" seryoso niyang sabi. Hindi ako makakibo. Bawal talaga ang kalokohan namin ni Amanda. Pero minsan kasi ginagawa niya rin 'yon sa akin lalo na kung male-late ako ng pasok.
"Huwag niyo po akong isusumbong," pagmamakaawa ko. He didn't say anything. Tinitigan niya lang ako at parang iniisip kung susundin niya ba ako o hindi. But who am I kidding? Ni hindi nga kami close para pagtakpan niya ang ginawa ko.
He was about to say something when my co-office mates went inside to puncn in. Nagbigay galang pa sila kasi nakilala nila ang Prinsipeng kaharap ko. Nakita ko pang pumasok din ang boss ko kaya halos mapapikit ako. That's it. This will be my last day of work.
"Prince Hunter. Nandito pala kayo," Mr. Cairus slightly bows his head for respect. Napatingin siya sa akin dahil na rin siguro sa pagtataka kung bakit kami magkaharap ng mahal na Prinsepe.
"Ms. Alcheco, you can go now." Sabi ni Mr. Cairus. Nakahinga ako ng maluwang. Gusto kong magpasalamat at agad na tumalikod. Nagmadali akong lumabas ng Time-in room.
Hinding-hindi ko na ulit 'yon gagawin. Sasabihin ko kay Amanda na hindi ko na muli siya gagawan ng favor tungkol sa bagay na 'yon. Kasi hindi lang naman ako ang mapapahamak kundi pati siya.
"Serenity, wait."
Napatigil ako sa paglalakad. Dahan-dahan ko siyang nilingon.
"B-bakit po?"
Lumapit siya sa akin. 2 feets away. Gusto kong umatras para dagdagan ang agwat namin sa isa't-isa pero para naman akong napako sa kinatatayuan ko. I can't move a muscle.
"You left this," inabot niya sa akin ang bag ko. Nanlaki mga mata ko. Inilapag ko pala sa mesa ang bag ko bago nag punch. Sa sobra kong pagmamadali na makaalis do'n ay naiwan ko na 'to.
"S-salamat po," inabot ko 'yon at dumampi ang daliri ko sa kamay niya. He's cold. "Mauna na po ako," I was about to turn around when he grabs my arm. Para akong nakuryente. Napansin niya ata ang uneasiness ko kaya agad niyang inalis ang kamay niya sa braso ko.
"Why are you so scared of me? Why is it that everytime I'm near you, you seem so far?" his face soften. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Takot naman kasi talaga ako sakanya. He's very intimidating and perilous.
"Huwag niyo po sanang ma-misinterpret ang mga actions ko towards you. Malaki lang ang respeto ko sa'yo. At ang isang katulad kong mortal ay hindi dapat nakikipaglapit sa tagapag mana." Nasabi ko na lang.
BINABASA MO ANG
Vampire City 3: Crimson Love
Vampire[Vampire City Series #3] "I am doing this because i can't bear to see them suffer." -Hunter Kang (All rights reserved 2014) by Thyriza