Part 1

8.8K 56 4
                                    
Bakla, salot sa lipunan at kasalanan.

Ilan lang yan sa mga masasakit na salita na aking natatanggap bilang isang bading. Simula nang bata pa lamang ako ay batuhan na ako ng tukso mula sa aking mga kalaro at classmates.
Noon pa lang ay pangarap ko nang maging isang ganap na tunay na babae, dahilan kaya barbie ang aking pinaka paboritong laruan sapagkat dito ko lamang nailalahad ang aking pangarap na maging isang babae. Sinusuklayan at dinadamitan ko ito, at inilalaro sa aking isipan na nasa katauhan ko ang aking laruang manika.

Pakiramdam ko ay isa akong babae na nakakulong sa katawan ng isang lalake, babaeng babae ang puso ko at walang kahit anong kalidad ng pagiging lalake ang aking katangian.

Hanggang ngayon na ako ay teenager na ay dala ko parin ang aking sekswalidad. Pakiramdam ko, habang tumatanda ako ay mas nagiging bading ako.
Sa katunayan ay balak ko narin magpapalit ng kasarian at uminom ng pills, ngunit hindi ko pa ito pwedeng gawin sapagkat ako ay menor de edad pa lamang.
Ngunit kahit na malabo, ang pagiging ganap na isang tunay na babae pa rin ang aking pinaka pinapangarap.

Ako si Carlo, 17 years old. At eto ang aking kwento.

 At eto ang aking kwento

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Carlo"

"George"

Nang Maging Babae ang BadingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon