Part 16 (Finale)

4.4K 49 20
                                    

Mahimbing kaming natutulog ni George, habang nakapatong ang aking ulo sa kanyang dibdib, samantalang umaakbay naman ang kanyang braso sa aking balikat.

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata.

Sa pagmulat ko ng aking mga mata ay agad na tumambad sa akin ang orasan na nakasabit sa pader.

Alas otso na ng umaga.

Agad akong napabangon sa sobrang gulat. Paglingon ko sa isang salamin ay laking gulat ko nang nagbalik na ang aking anyo bilang Carlo.

Nanlaki ang aking mga mata at unti-unting nanganga sa aking nakita. Biglang tumagaktak ang aking mga pawis sa noo at di maiwasang manginig ng buo kong katawan.

Maya-maya ay biglang kumilos si George habang natutulog.

"Rose..." Bulong niya habang nakapikit at kinakapa ang kanyang tabi.

Agad akong napatalukbong ng kumot sa gulat at dahan-dahang gumapang paalis sa kama.
Patuloy lang akong gumagapang patungong pinto. Nang biglang napadilat si George nang di niya makapa ang aking katawan sa kanyang tabi.

"Rose?" Nagtataka niyang bulong sabay bangon.

Agad kong binuksan ang pinto at sabay na tumakbo palabas habang nakatalukbong ng kumot.

"Rose!!!" Sigaw ni George nang masilayan niya akong lumabas. Agad siyang nagsuot ng boxers at sabay na tumakbo palabas ng pinto.

Kumaripas ako ng takbo patungong elevator at agad itong pinindot pasara.

"Rose wait!!!!!!" Sigaw ni George habang tumatakbo patungo sa elevator nang agad naman itong sumara.

Di niya naaninag ang aking mukha sapagkat malayo ang distansya namin sa isa't-isa.

Nang sumara ang elevator ay biglang naipit ng pinto ang kumot na nakatalukbong sa aking katawan dahilan para mahatak ang nakarolyong tuwalya sa aking katawan pataas habang bumababa ang elevator na aking sinasakyan.

"Tangina!!!!!!!!" Sigaw ko habang paunti-unting kinakain ng pintuan ang aking kumot.

Tuluyan nang nasimot ng pintuan ang kumot at wala ng tumatakip sa aking hubad na katawan.

Balisang-balisa na ako sa nangyayari at wala akong nagawa kundi takpan nalang ang aking hubad na katawan gamit ang aking sariling kamay at braso.

Unti-unti ng bumababa ng floor ang elevator habang walang tigil naman ang pagtibok ng aking puso.
Nanginginig na rin ang aking buong katawan sa sobrang kaba at lamig.

Agad na nagbell ang elevator nang makarating na ito sa ground floor.

Pinikit ko nalang ang aking mga mata habang unti-unti itong bumubukas.

Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata at pagdilat ko ay walang taong nag-aabang sa sinasakyan kong elevator.

Napahinga ako ng malalim at unti-unting nilabas ang aking ulo sa elevator upang silipin ang lobby.

Laking gulat ko nang makita ang grupo ng mga empleyado sa concierge, abalang naguusap-usap ang mga ito.

Habang nakabaling ang tingin nila sa kanilang mga sarili ay dahan dahan akong lumabas ng elevator. Habang paulit-ulit silang nililingon.

Di lang nila ako napapansin at patuloy lang na nagkekwentuhan.

Sabay na akong lumakad nang mabilis.

Sa di inaasahan ay natalisod ako sa isang maliit na vase na nakaharang sa daan.
Dahilan para matapilok ako kasabay ng maingay na pagbasag ng vase.

Nang Maging Babae ang BadingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon