Nag-iisa akong tulala habang nakahiga sa aking kama, dinadamdam ang nangyari kanina sa court.
"Kung babae lang siguro ako hindi ko mararanasan lahat ng diskriminasyon at pangungutya." Bulong ko sa aking sarili.
Huminga lang ako ng malalim saka pumikit. Pilit ko mang balewalain ngunit nasaktan talaga ako ng sobra. Tila ba napapagod na ako sa mga nangyayari sa akin bilang isang bading.
Bata palang ako ay lagi na akong nakakaranas ng mga ganitong klaseng kaganapan, kung saan ako'y hinuhusgahan at tinatrato ng di maganda dahil sa aking sekswalidad. Naranasan ko na rin masaktan ng pisikal mula sa aking mga bully na classmates noong elementary at highschool, at walang sawa rin nila akong binibitawan ng mga masasakit na salita.Hanggang ngayong college na ako ay dala ko parin ang bigat sa aking dibdib at patuloy lang itong nadadagdagan habang umuusad ang aking kapalaran.
"Sana pinanganak nalang akong babae." Bulong ko saking isipan.
* * * * * * * * *
Alas tres na ng hapon at bumaba ako patungong sala upang uminom ng tubig.
Nadatnan kong tahimik na nagdarasal ng 3'oclock prayer si kuya Adrian sa aming sala. Nakasuot siya ng kanyang criminology uniform habang taimtim na bumubulong ng dasal, marahil ay kakauwi lang niya galing klase.Tahimik lang akong dumiretso ng kusina upang kumuha ng isang pitsel at basong tubig at agad na uminom.
Habang umiinom ay inobserbahan ko si kuya Adrian habang siya'y tahimik na nagdarasal. Sinamantala ko na ang pagkakataon upang siya'y panoorin sapagkat siya'y nakapikit at abalang nananampalataya, tumityempo lang lagi ako ng tingin kay kuya Adrian sapagkat labis akong nahihiya sa kanya.Napaka-kisig talaga ng kanyang katawan, at talagang di nakakasawang tingnan. Required talaga sa mga criminology ang fitted na polo dahilan upang mas humubog pa ang kanyang matipunong pangangatawan sa kanyang suot na polo. Tila naghihimutok ang kanyang sleeve sa laki ng kanyang braso at humuhubog naman ang kanyang matipunong dibdib sa suot niyang uniform. Di ko namalayang napako na ang aking tingin sa kanyang katawan habang hawak ang basong tubig. Agad na nanuyo ang aking lalamunan kaya't pinunan ko uli ang aking basong tubig at sabay ulit na uminom.
Natameme lang akong nakatingin kay kuya Adrian nang bigla siyang dumilat at sabay na luminga sa akin.
Agad akong nagulat nang magtama ang aming mga mata, dahilan upang mabitawan ko ang aking hawak na baso.
Sabay kaming nagulat sa malakas na pag basag ng baso sa sahig."Carlo, ako na jan." Agad na tumayo si kuya Adrian mula sa sofa at mabilis na lumakad patungo sa aking kinatatayuan. Kasabay ng paglapit niya ay ang paglapit din ng kanyang mabangong amoy.
Sabay siyang lumuhod upang pulutin ang mga piraso ng baso na nagkalat sa sahig."Naku kuya Adrian, pasensya na talaga." Natataranta kong sabi habang pumupulot ng mga basag na piraso.
"Ingat ka Carlo baka masugatan ka." Tugon ni kuya Adrian.
"Pasensya ka na kung nabigla kita ha, di ko kasi alam na nandyan ka pala." Dagdag pa niya."Ako nga po dapat humingi ng tawad dahil naabala kita eh." Sagot ko.
"Ouch!" Bigla kong sigaw, di ko namalayan na nahawakan ko nang mahigpit ang matulis na bahagi ng basag na piraso."Tsk.. tsk.. tsk.. ayan nasugatan ka tuloy." Tugon ni kuya Adrian nang makita ang aking sugat.
Agad niya akong nilapitan saka kinuha ang aking sugatang palad. Pinatong niya ang aking kamay sa kanyang kanang binti at agad na dumukot ng panyo.
"Sabi ko kasi sayo ako nalang eh, nasugatan ka tuloy." Sabi niya habang nirorolyo ng panyo ang aking palad.
BINABASA MO ANG
Nang Maging Babae ang Bading
FantasyMinsan mo na rin bang pinangarap maging babae? Kung mabibigyan ka ng pagkakataon upang maging isang ganap na babae sa loob ng pitong araw, ano-ano ang mga bagay na gagawin mo upang sulitin ang pagkakataon?