Naggising akong nakahandusay sa sahig. Sobra akong nanghihina at nauuhaw, masakit rin ang aking buong katawan na tila ba parang binugbog.
Dahan-dahang kong minulat ang aking mga mata, at bumungad sa akin ang maliwanag na paligid dala ng sinag ng araw.
Sinubukan kong bumangon kahit na sobrang nanghihina.
"Madam Teresa?" Nanghihina kong panawagan.
Nang makatayo ay agad akong nabigla. Tila parang lumiit ata ang aking height. Mula 5'9 ay naging 5'4 nalang ako. Lumubo din ang aking dibdib, napakalaki ng aking suso at talagang nabigla ako. Tiningnan ko ang aking braso, kamay at paa, naging korteng pambabae na lahat ng aking katawan. Agad ko rin napansin na humaba rin ang aking buhok.
Bigla akong nabuhayan at nalimutan ang panghihina ng aking katawan.
Agad akong tumakbo palabas ng kwarto, nang biglang nakita ko ang aking sarili sa isang full length mirror.
Nabighani ako sa aking nakita sa salamin. Napa-nga nga ako sa sobrang gulat. Nagpalit ang aking anyo bilang isang napaka gandang babae, maputi, makinis, at higit sa lahat ay napaka-sexy ng aking katawan. Napaka-ganda ng hugis ng aking malaking dede, balingkinitan ang hugis ng aking bewang at napaka ganda naman ng aking legs na tila ba parang hinulma ang aking katawan upang akitin lahat ng kalalakihan.
Agad kong binuksan ang aking zipper saka sinilip ang laman nito. Wala na rin akong titi. Tila ba parang panaginip lahat ng nangyayari kaya't sinampal-sampal ko ang aking pisngi ng magkabilaan ngunit kasalukuyan talaga itong nangyayari.
Ipinagpatuloy ko na ang paglalakad sa buong bahay upang hanapin si Madam Teresa.
"Madam Teresa? Madam Teresa!" Pa-ulit ulit kong panawagan sa buong mansyon ngunit walang tao sa paligid ni isa. Kahit ang mga maid at butlers ay wala rin sa paligid.
Hindi ko talaga mahagilap si Madam Teresa kaya't nagpasya nalang akong mag-iwan ng sulat.Madam Teresa, maraming salamat po sa lahat. Itatanaw ko po ito bilang isang malaking utang na loob, pangako po ay babalik ako dito sa mansyon upang personal na makapagpasalamt sa inyo, maraming salamat po.
Muli na akong lumabas ng mansyon, mabuti nalang at bukas ang pintuan at gate. Tumakbo ako palayo at nagmadaling nilisan ang paligid.
* * * * * * * * * *
Nahirapan akong makauwi sapagkat bihira lang ang mga sasakyan na dumadaan sa highway ng lugar, ngunit sa kabutihang palad ay may dumaang bus at agad ako nitong hinintuan.
Pagpasok ay agad na nanlaki ang mga mata ng mga kalalakihan sa akin, ang ilan sa kanila ay nagkakalbitan at hindi maiwasang mapangiti nang ako'y kanilang makita. Tila ba nakakapanibago sapagkat sa buong buhay ko ay hindi ko naranasang mapalingon ang mga kalalakihan, bagkus ay nakasanayan ko pang kutyain ako ng karamihan.Nang hahanap na ako ng mauupuan ay agad akong binigyan ng espasyo ng ibang lalakeng pasahero, na tila ba nag aalok na sa kanila ako tumabi.
"Miss dito ka na, mas maluwag dito." Dinig ko sa aking likuran.
Nagpasya akong tumabi sa isang matandang babae na nakaupo sa kanang bahagi ng bus. Masyado pa akong naninibago sa mga nangyayari kaya't kailangan ko munang kumalma.
Agad na lumapit ang konduktor ng bus sa akin.
"Hi Miss Ganda, san po tayo?" Tanong ng konduktor sa akin habang tinitingnan ako taas-baba.
"Sa QC lang po." Tugon ko habang hinahatak ang aking palda pababa sapagkat nakatingin siya sa aking binti. Sabay kong inabot ang aking bayad sa kanya.
BINABASA MO ANG
Nang Maging Babae ang Bading
FantasyMinsan mo na rin bang pinangarap maging babae? Kung mabibigyan ka ng pagkakataon upang maging isang ganap na babae sa loob ng pitong araw, ano-ano ang mga bagay na gagawin mo upang sulitin ang pagkakataon?