Papauwi na ako ng bahay nang makita kong may magarang sasakyan sa labas ng aming bahay.
Agad akong nagtaka kaya't mas binilisan ko pa ang aking lakad patungong bahay. Nang makarating ay agad kong binuksan ang pintuan.
Laking gulat ko nang may isang napaka gwapo at napaka kisig binata na nakaupo sa aming sala. Moreno, matangakd, pinoy na pinoy at tipikal na itsura ng binatang pilipino. Maganda rin ang hubog ng kanyang pangangatawan na humuhubog sa kanyang suot na damit.Nagkatinginan kami at napako ang aming mata sa isat-isa.
Di nagtagal ay biglang lumapit ang aking ate mula sa kusina. May hawak siyang pitsel ng juice at isang platito ng tinapay."Oh Carlo, medyo ang aga ata ng uwi mo ngayon." Sabi ni ate Cynthia habang nilalapag ang meryenda sa lamesa.
"Wala kasi kaming klase sa last subject ate." Sagot ko.
"Oh talaga? Sha nga pala. Bago kong nobyo, Si Brandon." Sabi ni ate habang hinihimas ang balikat ng bisita.
"Brandon, kapatid ko nga pala, si Carlo." Dugtong niya.Nag half smile lang si Brandon sa akin at tumango.
Matipid ko lang siyang ningitian."Oh sige ate, akyat muna ako." Sabi ko sabay lakad paakyat ng kwarto.
Pagbukas ko ng kwarto ay agad kong isinara ang pinto at saka sumandal sa pintuan.
Aaminin kong bigla akong nakaramdam ng libog nang makita ko ang nobyo ni ate. Aware naman akong bawal ko itong maramdaman sapagkat siya ay nobyo ng aking kapatid, ngunit talaga namang napaka lakas ng sex appeal ng kanyang boyfriend kaya't di ko rin ito maiiwasan.
Nakaramdam bigla ako ng inggit kay ate, buti pa siya ay nagkakaroon ng gwapong nobyo, samantalang ako ay hanggang tingin nalang sa mga nagagwapuhang lalake na aking nakikita.Aaminin kong marupok akong bading. Madali lang mahulog ang aking loob sa tuwing nakakakita ako ng mga gwapo at matitipunong mga binata. Isa ito sa mga katangian kong gusto kong bitawan, ang aking pagiging malibog sa mga lalake.
Sa aking malalim na pag-iisip ay biglang nag ring ang aking phone.
Agad kong dinukot ang aking cp mula sa aking purse.
*Agnes is calling
"Hello Agnes? Napatawag ka." Bati ko kay Agnes.
"Hello Carlo! Musta ka na?"
"Okay lang naman, ikaw?" Tanong ko.
"Ah ganun ba. Okay lang rin. Hmm.... Carlo, may papakiusap sana ako."
"Huh? Ano yon?" Sambit ko sabay lipat ko ng telepono sa kabila kong tenga at sabay na inilapag ang aking purse sa katabing lamesa.
"Ganito kasi yon Carlo. Natanggap kasi ako sa trabaho. Jan mismo sa Quezon City naka locate ang company na pinag-applyan ko." Kwento niya.
"Talaga? Uy congrats." Sagot ko.
"So kaya ako tumawag, kasi.. di pa ako makahanap ng boarding house jan sa QC. Biglaan kasi masyado, kaya Carlo pwede bang jan muna ako manuluyan sa kwarto mo? Saglit lang naman, hanggat wala pa akong nahahanap na pwedeng lipatan. Pero I promise na less than a week lang ako jan mag iistay. Yun ay kung pagbibigyan mo ako." Pakiki-usap ni Agnes.
Malapit kong kaibigan si Agnes kaya't di na ako nag alinlangan pang pumayag.
"Oh sige, sure. Pwedeng pwede!" Sagot ko.
"Naku Carlo salamat. Di bale babawi ako sayo sa susunod."
"Okay lang, ikaw pa ba." Nakangiti kong sabi.
"So kailan ka naman dadating dito?""Naku, di pa ako sigurado Carlo. Basta tawagan nalang kita if mabigyan na uli ako ng update." Sagot niya.
"Oh sige sige."
BINABASA MO ANG
Nang Maging Babae ang Bading
FantasyMinsan mo na rin bang pinangarap maging babae? Kung mabibigyan ka ng pagkakataon upang maging isang ganap na babae sa loob ng pitong araw, ano-ano ang mga bagay na gagawin mo upang sulitin ang pagkakataon?