Alas sais na ng umaga at di namin namalayan ang napakahabang oras ng aming pagtulog. Nanatili kaming nakayakap kay kuya Adrian nang naka hubo't hubad. Nang maalimpungatan ay laking gulat ko nang makita ang orasan.
Agad akong napabangon sa kama at sabay na ginising si Iris."Iris.. Iris." Bulong ko habang niyuyugyog ang kanyang balikat.
Unti-unting napadilat ang kanyang mga mata.
"Hmmm?" Tanong niya habang dahan-dahang idinidilat ang mga namamaga niyang mata dulot ng napakahabang pagtulog.
"Yung oras mo." Pasigaw kong bulong sa kanya.
"Ha?" Napabangon sa kama si Iris.
"Umalis ka na bago pa matapos ang oras mo." Pasigaw kong bulong.
Agad na napatayo sa kama si Iris at tiningnan ang sarili sa salamin. Saka nagmadaling nagbihis. Nagbihis na rin ako habang si kuya Adrian naman ay mahimbing lang na natutulog.
Agad kaming dumiretso sa aking kwarto at nag ayos ng sarili.
"Rose, salamat ha. Di ko makakalimutan tong experience na to." Taimtim na sabi sa akin ni Iris.
"Walang ano man, maliit na bagay lang yon." Tugon ko.
"Sige, kita nalang tayo ulit." Sabay yakap niya sa akin.
"See you tomorrow, Carlo." Bulong niya sa akin.
Tinapik ko lang ang kanyang balikat sabay na tumawa.
"O sha sige, mag ingat ka. Bye" pagpapaalam ko.
"Bye bes!" Sabay halik niya sa akin.
Umalis na Iris sa bahay at naiwan akong mag-isa sa kwarto.
* * * * * * *
Mayroon na lamang akong 24 hours bilang Rose. Matatapos na ang aking sumpa bukas ng alas sais ng umaga.
At ngayon na ako makikipagkita kay George. Ichachat ko na sana siya upang magpasundo dito sa bahay nang biglang may kumatok ng gate."Tao po? Tao po?" Boses ng babae ang aking nadinig habang paulit-ulit itong kumakatok. Nang silipin sa bintana ay laking gulat ko nang makitang si Agnes ito, dala ang maleta.
Agad akong napatago sa gilid ng bintana at tumindig ang aking balahibo sa sobrang kaba.
Di ko alam ang aking gagawin. Natataranta akong nagtext kay Agnes.
"Agnes, wala ako sa bahay, pakiusap umalis ka muna." Sabay send ko sa kanya.
Di nagsesend ang aking message dahil sa bagal ng signal. Paulit ulit ko siyang tinetext ngunit napakamalas ko sa signal.
Agad akong nainis kaya naibato ko ang aking cellphone sa kama at nagmadaling bumaba at lumabas ng bahay.
Ngunit pagdating ko ng gate ay huli na ang lahat. Nadatnan ko nang patungo sa gate si kuya Adrian upang pagbuksan si Agnes.
Nagtago lang ako sa gilid at pilit na pinapakinggan ang kanilang usapan habang nanginginig sa kaba."Magandang umaga po." Nakangiting bati ni Agnes.
"Magandang umaga rin po, sino ho sila?" Tanong ni kuya Adrian.
"Nakwento na po ba ni Carlo ang tungkol sa pagdalo ko? Pasensya na po kung ngayon lang ako dumating, ngayon lang po kasi ako ulit nakapag desisyon. Kahapon ko pa tinatawagan si Carlo pero di po siya sumasagot." Pagpapaliwanag ni Agnes.
BINABASA MO ANG
Nang Maging Babae ang Bading
FantasyMinsan mo na rin bang pinangarap maging babae? Kung mabibigyan ka ng pagkakataon upang maging isang ganap na babae sa loob ng pitong araw, ano-ano ang mga bagay na gagawin mo upang sulitin ang pagkakataon?