Alas sais na ng umaga at naghahanda na ako para pumasok sa paaralan. Muli nang umalis sina ate Cynthia at mama kaninang madaling araw, tulog palang ako nang sila ay lumuwas patungong probinsya. Tanging kami nalang dalawa ni kuya Adrian ang natira sa bahay, samantalang iniintay ko naman ang tawag ni Agnes upang mahanda ko na ang kwarto namin ni ate na pansamantala niyang tutuluyan.
Abala akong nagmemake-up nang biglang nag ring ang aking phone.
*Agnes is calling
"Hello Agnes." Agad kong sagot sa telepono.
"Carlo.." Sagot ni Agnes.
"So ano? Musta ka na? Halika na dito sa bahay at excited na ako." Nasasabik kong sabi.
"Uhmm.. Carlo. Pasensya na pero kaya ako napatawag para sabihin sayo na.. pansamantala ko muna kasing tinurn down yung job offer jan sa QC, nagkaroon kasi bigla ng emergency dito sa bahay... eh di ko na makukwento sayo kung bakit at ano yon, masyado kasing private eh. Sana maintindihan mo" Pagpapaliwanag ni Agnes, habang parang naiiyak ang boses.
"Ah ganun ba?" Nalulungkot kong tugon.
"Naku.. nakakalungkot namang marinig ang balitang yan. O sha.. kung ano man yang problema na yan, wag ka mag-alala at malalampasan niyo rin yan. Pagdadasal kita Agnes." Dugtong ko"Naku Carlo, pasensya na talaga. Minamalas lang talaga ako ngayong araw. Di ko na rin alam ang gagawin ko." Sagot ni Agnes habang napapaiyak.
"Di bale pag kailangan mo ng tulong ko, sabihan mo lang ako. Handang-handa ako para tulungan ka. Kahit ano pang problema yan. Ayaw mo man sabihin kung anong pinagdadaanan mo ngayon, pero wag ka lang mahiyang lumapit sakin pag kailangan mo ng tulong" Tugon ko.
"Naku maraming maraming salamat Carlo, at pasensya na talaga." Sagot ni Agnes.
"Wag ka na umiyak. Magiging okay rin ang lahat." Pagtataha ko.
"O sige Carlo, baba ko muna yung telepono. Salamat sa oras." Tugon niya.
"Sige, ingat ka Agnes."
Nalungkot ako sa kanyang mga ikinuwento. Mahigit isang taon na rin kaming di nagkikita ni Agnes kaya talagang nalungkot ako sa ipinarating niyang balita.
Iyon na rin sana ang pagkakataon upang makapag bonding ulit kami, ngunit naudlot naman.
Unti lang talaga ang aking mga kaibigan, ngunit lahat naman sila ay totoo, isa na doon sina Agnes at Kevin, na kahit kailan ay di ako tinalikuran sa tuwing nangangailangan ako ng suporta at pagmamahal mula sa kaibigan.* * * * * * * * * * *
<Sa school>Pansamantala muna akong tumambay sa canteen upang magpalipas oras. Breaktime namin ngayon at mahigit isang oras pa ang nalalabi. Mag-isa lang ako dahil umabsent si Kevin sa hindi ko alam na dahilan.
Ganito lagi ang aking sitwasyon sa tuwing absent si Kevin, nag-iisa lang at walang ibang kasama, tanging si Kevin lang ang aking kasa-kasama sa school at wala ng iba.Maingay ang buong canteen, puno ng mga magbabakarda na nagtatawanan ang bawat mesa, samantalang ako naman ay tahimik lang na nagcecellphone habang humihigop ng mainit na kape.
"Excuse me, pwede maki-upo." Tanong ng isang babae habang hawak ang tray, may kasama siyang isang kaibigan na gaya niya ay may hawak 'ring tray.
"Oh sige sure." Tumatango kong sabi.
"Thank you." Sabay upo ng dalawang babae sa aking tabi at agad na nagchikahan.
Lumipas ang ilang minuto at habang mainit na nag-uusap ang magkaibigan sa aking tabi ay biglang may pumukaw sa aking atensyon mula sa kanilang pinag-uusapan.
BINABASA MO ANG
Nang Maging Babae ang Bading
FantasíaMinsan mo na rin bang pinangarap maging babae? Kung mabibigyan ka ng pagkakataon upang maging isang ganap na babae sa loob ng pitong araw, ano-ano ang mga bagay na gagawin mo upang sulitin ang pagkakataon?