Gabi na at abala akong nag-aayos ng aking sarili. Nagsuot ako ng fitted croptop na labas ang aking dibdib, sinadya kong ilabas ang aking cleavage upang mas maakit sa akin si kuya Adrian. Nagsuot din ako ng maikling shorts at nagpabango. Iniintay ko lamang ang pagpatak ng alas sais upang makapaghanda na ako ng aming dinner. Gagabihin ngayon si kuya Adrian dahil sa kanilang activity sa paaralan. Nang matapos mag ayos ay agad na akong tumungo sa kusina upang maghanda ng aming makakakain. Nag-init lang ako ng ulam sa oven at nagsaing.
Saktong pag bell ng oven ay sabay ko ding nadinig ang pag bukas ni kuya Adrian ng aming gate. Agad siyang pumasok at nadatnan niya akong naghahanda ng dinner.
"Tamang tama kuya Adrian, nakahanda na ang makakain natin." Nakangiti kong sabi habang inilalabas sa oven ang pagkain.
Napatingin sa akin si kuya Adrian at agad na napa-iwas ng tingin na tila ba parang nabigla siya sa aking suot.
"Salamat Rose, sensya ka na ginabi ako ng uwi. Napaka busy kasi ng schedule namin eh." Sagot niya habang hindi makatingin ng diretso sa aking mata.
"Naku okay lang kuya, kakarating ko lang rin galing trabaho."
* * * * * *
Naging tahimik ang aming pagsasalo. Ramdam ko na sobrang naiilang si kuya Adrian dahil sa aking suot dahil bukod sa labas ang aking cleavage ay napaka-ikli rin ng aking shorts. Pilit niyang nilalabanan ang kaniyang pagkalalake sa pamamagitan ng hindi pagkibo at pagtingin sa akin. Naiintindihan ko naman ang kanyang nararamdaman sapagkat sinong lalake nga naman ba ang hindi makakatiis sa napaka sexy kong katawan.
"Okay ka lang ba kuya Adrian? Tahimik mo ngayon." Tila nanunukso kong tanong.
Mabilisan lang niya akong tiningnan sa mukha bago sumagot. "Oo okay lang, medyo napagod lang." Matipid niyang sagot sabay yuko sa kanyang plato.
Magdamag kong pinipigil ang aking tawa sa mga oras na iyon, tila ba mas gusto ko pa siyang tuksuhin at akitin. Gusto kong subukin pa ang kanyang pagkakalalake at ang kanyang pananampalataya.
* * * * * * * * * * *
Alas otso na ng gabi at abala kong sinisira ang door knob ng pintuan sa kwarto ni mama. Balak ko kasi papasukin si kuya Adrian sa kwarto at i-lock kaming dalawa sa loob upang di na siya makalabas. Pinagbaliktad ko ang door knob, sa labas ang pindutan ng lock at sa loob ang knob lock. Matapos pag baliktarin ay kinabit ko na ito gamit ang screwdriver.
Lumabas na ako ng kwarto upang katukin si kuya Adrian sa kanyang silid.
"Kuya Adrian?" Sabay katok ko.
Agad naman niya akong pinagbuksan.
"Rose?" Bungad niya sa pinto. Nakasuot siya ng fitted na T-shirt at boxers.
"Kuya Adrian may ginagawa ka ba ngayon?"
"Hmm.. nagbabasa lang ako ng libro para sa activity namin bukas. Bakit po?" Tugon niya sabay sandal niya ng kanyang siko sa pader.
"Kuya Adrian, makikisuyo sana akong magpatanggal ng bumbilya sa kwarto, napundi po kasi yung ilaw ko sa lamp, gusto ko sana palitan yun nga lang hindi ko abot". Paliwanag ko.
"Oh sige, walang problema". Sagot niya sabay labas ng pinto.
Sabay kaming lumakad patungong kwarto, at agad kong ni-lock ang pinto nang makapasok kami sa loob.
BINABASA MO ANG
Nang Maging Babae ang Bading
FantasíaMinsan mo na rin bang pinangarap maging babae? Kung mabibigyan ka ng pagkakataon upang maging isang ganap na babae sa loob ng pitong araw, ano-ano ang mga bagay na gagawin mo upang sulitin ang pagkakataon?