Chapter 23

654 7 14
                                    

Luthor's POV

"Love! Paabot nga ng pizza cutter!" Utos ni Esther na ikinasunod ko lang.

"Love, do you think na magiging maayos yung gawa kong pizza? Kinakabahan ako sa isang customer natin eh." Sambit niya na ikinakunot ng noo ko.

"Bakit naman love?? Mag e-enjoy naman yung mga customer mo sa pizza na gawa mo ah."

"Hindi kasi. May kwinento kasi saakin si Tiffany na lalaking gumawa ng skandalo sa restaurant na pinatayo niya, and the thing is, nandito siya sa Ricaforte's Pizzeria." Sambit niya na ikinakunot ng noo ko.

"Sino ba yun?"

"William Ibarra daw yung pangalan niya." Sambit niya na ikinalaki ng mata ko.

I know that jerk! I once encountered him nung kaibigan ko pa yung mga psychopath boys. And up until now, alalang alala ko pa yung sama ng ugali niya.

"Esther, pag magbabayad na siya para sa order niya, ako na kukuha."

"Bakit Luthor??"

"Trust me. You don't want to talk to that jerk." Sambit ko na ikinatango niya lang.

"Ate! Magbabayad na po ako!" Sigaw ni William.

"Let me handle this."

"Sure ka Luthor?"

"Akong bahala." Sabi ko bago umalis.

Pagdating ko, kitang kita sa mga mata ni William na nagulat nang makita ako.

"Luthor! Pare! Kumusta?!" Sambit niya na natutuwa. Halatang halata pa rin sa hitsura niya. Plastic.

"Siya nga pala. Eto yung bayad ko." Sambit niya bago ibigay yung bayad saakin.

"Kulang bayad mo." Walang emosyon na sambit ko.

"Bro... alam mo naman na gipit ako ngayon eh. Pagbigyan mo na ako."

"Heh. Gipit?" Di makapaniwalang sambit ko bago ko kunin yung wallet niya at binuhos lahat ng pera niya na puro 1000 pesos.

"Eh ano to??"

"Ano bang trip mo Luthor?! Ninanakawan mo ba ako ng pera?!" Inis na sambit niya, habang ako ay nagtitimpi.

"Wala ka pa ring pinagbago no? Balak mo pa talagang manira ng kahit anong restaurant no? Sa dami daming restaurant na pwede mong puntahan, sa restaurant ng girlfriend ko pa?" Mahinhin na sagot ko.

"You know what? Ang hilig mo pa ring umepal no? Sa bagay, matagal ka nang epal sa buhay ko. Tsaka gusto mo naman ng pera hindi ba?" Tanong niya.

"Ang gusto ko lang is baguhin mo yung pag uugali mo na hindi ka nagbabayad ng mga order mo." Inis na sambit ko na ikinatuwa niya lang.

"Babayaran ko na. Keep the change!" Sambit niya bago ako suntukin sa mukha na ikinatumba ko lang.

"HOY!" Sigaw ng guard habang hinihila palabas si William.

"Hindi pa tayo tapos Luthor!" Sigaw niya bago umalis.

"Luthor! Ayos ka lang?!" Pagdating ni Esther na nag aalala at yinakap lang ako ng mahigpit.

"May masakit ba sayo?? May sugat ka ba or ano?? Luthor, alam mo naman na ayokong mapahamak ka hindi ba?!" Mangiyak iyak na sambit niya na ikina-ngiti ko lang.

"Love, okay lang ako. Ano ka ba?? I've been through worst than this." Natatawang sambit ko na ikinainis niya lang.

"Kainis ka Luthor! Alam mo ba na hindi ako mapakali nung sinuntok ka ng William na yan?! Kasi naman, Luthor eh!" Mangiyak iyak na sambit niya.

"Wag ka nang umiyak Love. Ayos lang ako okay? Tara na, bumalik na tayo sa pagtrabaho." Sambit ko bago kami bumalik sa kitchen.

Naomi's POV

Nagpra practice ako ng choreography ko para bumuo ng sayaw. And it's confirmed nga, buntis na si Kylie nung tumawag siya saakin.

Well, wala na kaming magagawa. Tutal, ginusto naman nila ni Tyrus yung nangyari eh.

May nag doorbell sa bahay ko, and alam ko naman na yung maharot kong boyfriend na si Parker Arroyo yung naghihintay doon.

Pagbukas ko, nagulat na lang ako nang makita siyang pawis na pawis.

"Nag jogging ka?" Pagbiro ko.

"Hirap tsumempo ng jeep!"

"Ayan kasi! Nag jeep pa! Bakit hindi ka na lang nag Grab?!"

"Alam mo naman na nag iipon ako diba bhie?" Sambit niya na ikinairap ko lang.

"Bhie naman eh! Sorry kung nagpakahirap akong pumunta sa kusina habang yung isa diyan, pumunta pa sa living room.

"Gutom ka na ba?"

"Hindi pa eh. Pagod lang." Sambit niya na ikinairap ko lang.

"Siya nga pala, have you heard na babalik na sa dance studio si Heather?" Sambit niya na ikinalaki ng mata ko.

"Heather Vidallon?! Argh! I hate that b***h!" Inis na sambit ko.

"True! Sobrang landi pa naman nung hinayupak na yan!"

"Biruin mo! Lahat ng dance partner niya, sinisiraan ng walang dahilan?! Pasalamat na lang nag leave yang bwisit na yan nung dumating si Tyrus at Kylie eh!" Sambit ko na naiinis.

"Ayun pa! Heather Vidallon! Sobrang sarap sunugin ng mukha! Akala mo kagandahan?!" Pag sang ayon ni Parker.

JUSKO! KINAKABAHAN AKO PARA KAY TYRUS!

"S**t!" Sigaw ko.

"Bakit bhie?!" Tanong niya.

"Diba buntis si Kylie ngayon?! At hindi siya pwedeng sumayaw?!"

"Oo."

"Mahilig pa naman si Heather sa mga magagaling sumayaw! And kinakabahan ako for Tyrus dahil may pinaplano siyang siraan yung mga magagaling na dancer by spreading fake news!" Sambit ko na ikinalaki ng mata niya.

"Which means?!"

"Nanganganib yung relationship ni Kylie at Tyrus!" Sabay sabay naming sambit.

"Jusko! Kailangan nating sabihan si Tyrus at Kylie tungkol kay Heather."

"Agree! Tawagan na natin sila ASAP!" Sambit ko na ikinasunod niya lang.

Levi's POV

Madaming papeles pa rin as always. Kaso, naiinip ako dito.

"Hi Mr. CEO." Sambit ng pamilyar na boses na ikinalaki ng mata ko.

"Allyssa?! Anong ginagawa mo dito?!"

"Nothing much. Maglilinis lang." Sambit niya bago i-mop yung floor.

"Nakakamiss naman maging ganito no? Yung tayong dalawa lang."

"Allyssa, tigil tigilan mo ako! Stress ako dito at ayoko ng gulo." Inis na sambit ko na ikina-ngiti niya lang.

"Gusto mong mawalan ng stress?" Tanong niya bago bitawan yung mop.

Pumunta siya sa pintuan at linock niya ito habang dahan dahan siyang lumalapit saakin.

Tatayo na dapat ako, pero pinigilan niya ako at kumandong na lang ito saakin at nginitian niya lang ako.

"Levi, kahit ngayon lang. Please."

Maya maya pa, unting unti niyang linapitan yung mukha niya sa mukha ko na parang maghahalikan na kami.

"No!" Singhal ko bago ko siyang itulak palayo saakin.

"Hindi na gagana yung pagiging manipulative mo Allyssa! Masaya na ako kay Brooklyn, kaya tigil tigilan mo ako. Baka matanggalan pa kita ng trabaho." Pagbanta ko bago umalis sa office ko.

What's with her?! Alam niya naman na kasal na kami ni Brooklyn tas gagawa pa siya ng kalokohan?!

Love or PleasureWhere stories live. Discover now