Chapter 30

636 3 18
                                    

Brooklyn's POV

"Ang kulit naman ni Naomi!" Inis na sambit ni Fiona.

"Bakit? Tsaka sino si Naomi?" Tanong ko.

"Yung kapatid kong dancer na napakahilig mambara!" Sambit niya na ikinatuwa ko lang.

"Lost sister mo ata si Naomi. Tutal, parehas naman kayong mahilig mambara!" Pag asar ng mokong na asawa ko na ikinainis ko lang.

"So what kung lost sister ko siya?!  May problema ka?!"

"May sinabi ba akong may problema ako?"

"May sinabi ba akong mamilosopo ka?!"

"Oh ayan nanaman kayo! Away mag asawa nanaman!" Pag asar ni Shrek.

"Hayaan mo na Shrek. In the end marupok din tong asawa ko. Nakita mo na nga kung paano siya kumandong saakin eh."

"Hindi na ako kakandong sayo ah!" Sigaw ko na ikinatuwa niya lang.

"Kung magagawa mo."

"Siya nga pala. Ano ba yung sinasabi ni Naomi sayo?" Tanong ni Shrek.

"Gusto niyang pumunta sa kasal ni Tyrus at Kylie after nilang tapusin yung rehearsals nila. Eh hindi ko nga alam kung kailan yung kasal na yan eh!" Sambit niya na ikinalaki ng mata ko.

"Tyrus Jordan Baltazar! Pati Kylie Angela Arellano! Kakilala namin yan! No worries, kung gusto niya pumunta, sasama kayo." Sambit ni Levi.

"Seryoso ka Levi??"

"Akong bahala. Baka nakalimutan mo, CEO ako sa kumpanyang ito." Pagyabang niya.

"Whoo! Lakas ng hangin!"

"May naririnig ata kayong marupok dito. Sure akong magandang babae siya. Malakas mambara, mahilig mamilosopo..."

"Bwisit ka Levi!" Sigaw ko na ikinatuwa nilang lahat.

"Hayys, grabe kayong mag asawa! Ang lakas ng chemistry niyo!" Sambit ni Fiona.

"Eh kayo ni Shrek?! Ano, hanggang tinginan na lang kayo diyan?!" Pag asar ko.

"Siya nga pala Brooklyn, nagpa check up ka na ba sa doctor?" Tanong ni Fiona.

"Bakit??" Tanong ko.

"Narinig kasi kita nagsuka nung past few days eh." Sambit niya na ikinalaki ng mata ko.

"Brooklyn?? Totoo ba yan??" Tanong ni Levi na may pag aalala.

"Uhmm..."

"Brooklyn, I want to know. Seryoso tong pinagsasabi ni Fiona." Seryosong sambit niya.

"Oo Levi... nagsuka ako nung ilang araw pa."

"Tara." Sambit ni Levi habang hinihila ako.

"Saan tayo pupunta??"

"Ipapa check up kita Brooklyn." Sagot niya na ikinabuntong hininga ko lang.

Link's POV

Inaayusan ako ng buhok ni Isabel habang naghihintay ako ng oras para magpatawa.

"Isabel!!!" Sigaw ni Ino na ikinalingon niya lang.

"Oh my gosh!! Ino!!! I miss you beh!!!" Sigaw ni Isabel kasabay ng pagyakap niya kay Ino.

"Musta girl?! Kailan ka pa nakabalik sa Pilipinas?"

"A week ago. Pero na miss kita Isabel!"

"Si Asami?? Kumusta na siya?"

"Ayun, nagpaiwan muna siya sa Japan. Tutal, dream place niya naman yan eh." Sagot ni Ino na ikinatango niya lang.

"Ang taray ah! Nagpa blondie pa!"

"Wala lang. Trip ko lang magpakulay."

"Enjoy your girl talk while I talk to Ate Aaliyah." Sambit ko bago ko sila hayaan na magkwentunan.

Tinatawagan ko si Ate Aaliyah sa phone ko at buti na lang sinagot niya yung tawag.

"Hi Link! Why'd you call??"

"Hi Ate! Wala lang, namiss lang kitang kausapin." Sambit ko.

"Aww! I miss you too Link! You know what, nakikita kita kay Aarah when you're still a baby. Girl nga lang." Sabi ni Ate Aaliyah.

"Kumusta si Baby Aarah?"

"She's okay. Natutulog. Inaalagaan ni Daddy."

"You're lucky na Daddy siya ni Baby Aarah. Even though na manyak si Kuya Nash, he's one loving Daddy."

"He sure is. Link, wag kang maingay ah." Sambit ni Ate na ikinakunot ng noo ko.

"Ano yun Ate?"

"Gusto ko na magka 2nd baby." Bulong niya na ikinatuwa ko lang.

"That makes sense. Para magkaroon ng kapatid si Aarah."

"Yeah. O siya siya, matutulog muna si Mommy. Hoping na makita mo si Baby Aarah soon. I love you Link!"

"I love you too Ate Aaliyah! Good night!" Sambit ko bago i-end yung call.

"May baby na si Ate Aaliyah?!" Di makapaniwalang sambit ni Ino.

"Yep. Aarah Ferrer Ignacio."

"Wait nga lang! Kuha lang ako tubig." Sambit ni Ino bago maglakad palayo saamin.

Bigla ko na lang napansin na may lalaking naka hoodie at aksidente niyang nabangga si Ino.

Wait a minute! Pinsan to ni Natalie ah!

Aww damn!! The looks on her face is just funny!!

Maya maya, umalis na si Ino at lumapit agad saakin yung pinsan ni Natalie saamin.

"Hi! You must be Lincoln, right?" Paglapit niya saakin.

"Call me Link."

"Naveen."

"I'm Isabel." Pagpakilala niya kay Naveen.

"Hi Isabel. It's nice to meet you." Sambit niya bago sila mag shake hands.

"Pogi mo Naveen." Sambit ni Isabel na ikinairap ko lang.

"Hehe. Thanks. You're pretty." What's with him?! Is he interested with Isabel?!

"No wonder why na in love si Link sayo." Sambit niya na ikina-ngiti ko lang ng patago.

"Naveen naman eh."

"Isabel!" Paglapit ni Ino saamin.

"Can I talk to Link for a moment?" Pagpaalam niya.

"Sige lang!" Sambit ni Isabel na ikinabuntong hininga ko lang.

Tumayo na ako at sumunod na ako kay Ino na mukhang may sasabihin saakin.

"Uhmm. Link, I---"

"Wanted to tell me something right? Go ahead!" Sambit ko na ikinabuntong hininga niya lang.

"Before ako umalis para kumuha ng tubig nabangga ko yung lalaking kausap ni Isabel." Pagkwento niya na ikina-ngiti ko lang.

"Naveen?"

"Yan yung name niya?"

"Yup, but that's not all, pinsan yan ni Natalie." Sambit ko na ikinalaki ng mata niya.

"Hmmm. I can see in your eyes that you like him!" Pag asar ko.

"Shh! Wag ka nga maingay! Baka marinig pa tayo eh!"

"Ooohhh!!! Mama!! Ino's in love again!" Pag asar ko ulit.

"Oo na! Na love at first sight ako kay Naveen! Kaso nahihiya ako kung paano ko siya kakausapin!" Pagkwento niya na ikina-ngiti ko lang.

"You know what Ino, we'll try to talk to Natalie about this. I mean, I don't know if he's single or taken. You'll be lucky pag single pa siya." Sambit ko na ikina-ngiti niya lang.

"No worries, I got your back Ino!"

"Link! In five minutes magsta start na program mo!" Sigaw ng bartender na ikina-ngiti ko lang.

"Go Link!"

"Thanks! I hope you'll enjoy the show." Sambit ko bago umalis.

Love or PleasureWhere stories live. Discover now