Tiffany's POV
Nagising na ako at potek! Sobrang sakit na ng katawan ko!
Paano ba naman kasi, sobrang wild ni Demyx nung nakipag s*x kami! Well, wala na akong magagawa, ginusto naman namin yan eh.
"Mahal." Pagtawag ni Demyx na ikinalingon ko lang.
"Ayos ka lang? May masakit ba sayo?" Tanong niya na may pag alala.
"Sa tingin mo ba walang masakit saakin?!" Tanong ko bago umirap sakanya.
"Tiffany, mawawala rin yung sakit pag nagpahinga ka muna ng onti. Humiga ka muna para hindi sumakit yung katawan mo." Utos niya na ikinasunod ko lang.
Pagkahiga ko, agad naman akong yinakap ni Demyx kahit nakahubad pa kami.
"Demyx matanong ko lang."
"Ano yun mahal?"
"Demyx, curious lang ako. Bakit ka ba manyak? Pinalaki ba kayo ni Kuya Nash para mang manyak ng babae?" Tanong ko na may pagtataka.
Maya maya, napabuntong hininga si Demyx at humarap ito saakin.
"Bago kami maging manyak kami ni Kuya, hindi naging maganda yung pinagsamahan ng pamilya namin." Sambit niya na ikinalaki ng mata ko.
"Demyx..."
"Bata pa lang ako, iniwan kami ng tatay ko dahil sa pagiging playboy. Imaginin mo nun, sarili kong ama, playboy?!" Inis na sambit niya kaya napahawak ako sa balikat niya.
"Sorry Demyx."
"Bata pa lang ako nun, nakita namin si dad na umuwi na may ibang babae. Akala ko kasi kaibigan niya lang yun, pero nagulat na lang ako nang makita ko silang naghahalikan sa harapan ko. Kaya eto ako, nainis nung nalaman yung buong katotohanan na linoloko niya yung nanay ko. Sinabi ko ito kay Kuya Nash, pero hindi na siya nakapagpigil na maglabas ng galit sakanya. Good thing pinagtanggol niya ako at hindi niya sinabi sakanya na ako ang nagsabi sakanya. Kaya in the end, linulublob ni Dad si Kuya Nash sa malaking balde." Pagkwento niya.
Jusko! Naawa ako kay Demyx pati kay Kuya Nash!
"Nung nalaman ni mama yung nangyari, akala ko kakampihan niya kami. Pero hindi, pinagtanggol pa niya yung g***ng nagloko sakanya. Mas kinakampihan niya pa yung Dad naming manloloko. Kaya nung naglayas na si Dad, binintang kami ni mama dahil sa paglayas niya. Ayun, rineal talk namin ni Kuya. Tutal, mas alam pa namin ni Kuya yung mga responsibilidad namin sa buhay kaysa sa magulang naming toxic." Sambit niya habang nagpipigil ng pag iyak.
"Kaya kami na lang ni Kuya Nash yung magkasama hanggang pagtanda. Pinag usapan namin ng maayos yung mga pagkakamali na nagawa ni Dad pagdating sa pagkakaroon ng pamilya. Pinangako namin sa isa't isa na pag magmamahal kami ng babae, siya lang ang dapat mananatili sa puso't isipan namin." Dagdag niya.
Hindi ko na napigilan yung sarili ko na halikan siya sa labi at yakapin ito ng mahigpit.
"Kaya nung naging tayo na Tiffany, tinupad ko talaga yung pangako ko na ikaw lang yung dapat manatili sa puso't isipan ko. Ikaw lang yung babaeng gustong gusto kong manyakin araw araw dahil alam ko sa sarili ko na mahal kita." Sambit niya na ikina-ngiti ko lang.
"Thank you for letting me know your story Demyx." Sambit ko bago kami kumalas.
"Ang laki pa rin." Sambit niya na ikinakunot ng noo ko.
"Huh?"
"Ang laki talaga Tiffany." Sambit niya na nakangiti.
Tumingin ako sa baba at nagulat na lang ako nang makita niya ulit yung boobs ko at agad ko ito tinakpan ng kumot.
YOU ARE READING
Love or Pleasure
Fiksi PenggemarThe Agents and Spartans are back! New challenges, new people and so many more! Macha-challeng ba sila sa pag ibig nila? Could it be really love? (WARNING: SPG Contents on some chapters. Kung ayaw niyong basahin, don't force yourself. Be mindful, dah...