Chapter 66

396 7 33
                                    

Levi's POV

One month later

Nagmamaneho ako pauwi kasama yung honey ko galing sa grocery para bumili ng mga gamit ni Baby Falco.

"Honey... sumisipa si Falco." Sambit ni Brooklyn.

"Falco, anak... excited ka na ba lumabas? Behave ka muna ha. Alam ko naman na healthy ka paglabas mo eh." Sambit ko habang hinahawakan yung tiyan ni Brooklyn.

"Mukhang excited nga siya honey." Sambit niya na ikina-ngiti ko.

"Tsaka... gusto ko next time buoin natin si Annie." Sambit niya na ikinalaki ng mata ko.

"Bakit? Nagawa naman nating ibuo si Falco ah."

"Hinay hinay ka lang honey. Wag naman nating madaliin si Annie. Tsaka focus muna tayo kay Falco na malapit nang lumabas."

"May sinabi ba akong buoin natin pagkalabas ni Falco?!" Singhal niya bago umirap.

"Tsaka honey, lumabas na nga si Josiah kina Ate Giselle eh. Gusto rin ni Ate ng baby girl soon, kaya ganun din ako." Sambit niya.

"Sige sige. Pag medyo malaki laki na si Falco, tsaka na natin buoin si Annie." Pagsangayon ko na ikina-ngiti niya.

"I love you honey!" Pagyakap saakin ni Brooklyn patagilid.

"I love you more than ever my lovely honey." Sambit ko bago ko siya halikan sa pisnge.

Pagkauwi namin, inalalayan ko muna si Brooklyn papasok sa bahay at pinaupo ko siya sa sofa.

"Honey, diyan ka lang muna ha. Kukunin ko lang yung mga groceries natin, tsaka ihahanda ko na yung warm bath mo." Sambit ko bago lumabas ng bahay.

Kinuha ko na lahat ng mga binili ko sa kotse at linapag ko muna lahat sa kitchen bago ako dumiretso sa banyo.

Binuksan ko yung gripo at lumabas na yung tubig papunta sa bathtub at linagyan ko na ng sabon para maging bubble bath.

Nung natapos ko na yung bubble bath, agad agad ako bumaba para alalayan si Brooklyn papunta sa banyo.

"Tara na honey. Alalayan na kita." Sambit ko bago niya hawakan yung kamay ko.

Tumayo na si Brooklyn at dahan dahan siyang naglakad papunta sa hagdan habang hinahawakan ko yung mga braso't kamay niya.

"Aray..."

"Brooklyn?? Ayos ka lang??" Tanong ko na nag aalala.

"Oo honey... ayos lang ako."

"Sure ka?"

"Aray..."

"Honey... masakit ba tiyan mo?? Honey, nag aalala ako sayo? Sabihin mo saakin please?." Tanong ko na nag aalala.

"Honey... ang sakit ng tiyan ko." Sambit niya na ikinalaki ng mata ko.

S**t! Manganganak na si Brooklyn! Nakita ko bigla yung katas ng dugo sa binti niya kaya agad agad ko siya kinarga papunta sa kotse at inandar ko yung kotse.

"Levi!! Ang sakit!!" Mangiyak iyak na sambit niya.

"Brooklyn, kumapit ka ha!"

"Bilisan mo manganganak na ako! Papetiks petiks ka pa diyan!" Sigaw niya bago ko andarin yung kotse.

"Honey!! Ang sakit na talaga!!"

"Honey kayanin mo yan ha! Magiging okay lang si Falco! Kumapit ka lang honey!"

"PAULIT ULIT NA LANG SINASABI MO BILISAN MO BWISET!!! AHHH!!!" Sigaw niya sa sakit.

Ilang minuto na ang nakalipas, nakarating na kami sa ospital at agad agad ako bumaba para kargahin si Brooklyn.

"Nurse!! Manganganak na po yung asawa ko!!" Sigaw ko.

"Yung rocking bed! Bilis!" Utos ng nurse sa isa pang nurse bago ito tumakbo.

Dumating na yung rocking bed ng ilang segundo at pinahiga ko na si Brooklyn sa kama.

"Honey!!" Mangiyak iyak na sambit ni Brooklyn.

"Doc! Make sure magiging okay yung asawa ko pati yung anak ko ha? Gawin niyo po lahat ng makakaya niyo!" Sambit ko habang sumusunod ako kay Brooklyn papunta sa emergency room.

"Sir hanggang dito lang po kayo." Pag awat ng nurse saakin.

"Anong hanggang dito?! Papasukin niyo yung asawa ko!"

"Ma'am---"

"PAPASUKIN NIYO ASAWA KO!! POTEK!"

Ewan ko ba kung maawa o matatawa ako sa sinabi ni Brooklyn, dahil grabe! Ang demanding niya kahit manganganak na siya.

"Sir pasok po kayo." Utos ng nurse na ikinasunod ko.

Agad agad ako pumasok sa emergency room at hinawakan ko lang yung kamay ni Brooklyn ng maigi para pay umire siya, mahahawakan niya yung kamay ko pag nasasaktan siya.

"Ma'am, spread your legs po." Utos ng doktor na ikinasunod niya.

"Hooh!! Ang sakit!!"

"Ma'am, pag sinabi ko ire, umire ka ha?" Sambit ng doktor.

"1, 2, 3, push!" Utos ng doktor.

Pero hindi pa rin ito umire.

"Ma'am push na po. 1, 2, 3, push!"

"Hooh!"

"Honey, umire ka." Sambit ko.

"Wala namang sinabing umire ako! Paano ako iire kung push yung sinasabi niya?!" Pambara ni Brooklyn.

Ewan ko ba, kanina pa ako nagpipigil ng tawa ngayon!

"Okay po. Pag sinabi kong ire, umire ka ah."

"Bilis na!! Ang sakit na kanina pa!" Sigaw ni Brooklyn.

"1, 2, 3, ire!"

"HNGGGGHHH!!!"

"Very good po ma'am. 1, 2, 3 ire!"

"HNGGGGHHH!!!!"

"Ma'am, go lang po! Ire!"

"AHHH!!! ANG SAKIT!!!"

"Ma'am, konti na lang po! Nakikita ko na yung ulo ng anak niyo! 1, 2, 3, ire!"

"AHHHH!!!"

"Uwaa!! Uwaa!!"

Falco! Lumabas na si Falco! Hooh! Naiiyak ako!

Lininis muna ng mga nurse si Falco bago nila ito binigay kay Brooklyn na naiiyak pa rin hanggang ngayon.

"Eto na po yung anak niyo." Sambit ng doktor bago ibigay si Falco kay Brooklyn.

"Honey... si Falco." Sambit niya na ikina-ngiti ko.

"Hey Falco. Excited ka na talaga lumabas ano? Although nasaktan si mommy, sobrang saya namin na andidito ka." Sambit ko bago ko linagay yung daliri ko sa maliit niyang kamay.

"Honey... ang hirap pala manganak. Pero sulit yung sakit." Sambit niya na ikina-ngiti ko.

"Pero bwisit ka!"

"Bakit honey?" Tanong ko na natatawa.

"Pa petiks petiks ka pa kanina, tas nagpipigil ka ng tawa nung sigaw ako ng sigaw!" Sambit niya bago niya ako iwasan ng tingin.

"Paano ba naman kasi Brooklyn? Grabe ka kaya sumigaw sa mga nurse. Demanding lang?" Tanong ko na natatawa.

"Uwaa!! Uwaa!!"

"Tignan mo! Nagising pa si Falco dahil sayo!"

"Pa dedehin mo."

"Anong pinagsasabi mo Levi?! Bastos ka na?! Nagiging Demyx ka na rin?!" Pambara niya.

"May gatas kasi yung dibdib mo! Pakainin mo si Falco, gutom na yung bata eh."

"Ewan ko sayo!"

"Honey, nagugutom na si Falco, may gatas kasi sa dibdib mo."

"Eto na! Jusko!" Sambit ni Brooklyn bago kunin yung kumot para pakainin si Falco.

Halo halo emosyon ko ngayon sa totoo lang. Pero masaya ako na lumabas na si Falco ng healthy.

Love or PleasureWhere stories live. Discover now