Chapter 57

427 6 27
                                    

Brooklyn's POV

"Here's your coffee sir!" Sambit ko bago ko ibigay yung kape ko sa kapwa officer ko.

"Thank you po Ma'am." Sambit niya na ikina-ngiti ko.

Naglakad na ako kung saan saan nang may sumulpot na mokong sa harapan ko.

"Anong nginingiti mo diyan?!" Taas kilay na tanong ko sakanya.

"Ang sungit mo nanaman honey. Smile ka lang." Sambit niya habang linalagay niya yung daliri niya sa labi ko.

"Umayos ka nga! Ang aga aga, nambobola ka nanaman!" Inis na sambit ko bago ko siya irapan.

"Honey... excited na akong lumabas si Baby Falco."

"Annie nga ito ang kulet! Kahit magpustahan pa tayo kung anong gender ng anak natin, gagawin ko."

"Sige ba! Madali akong kausap! Pag si Falco yan, honey na ang endearment natin ah!"

"O sige ba! Pag si Annie yan, wag na wag mo kong aasarin ha?! Pati yang honey na tinatawag mo saakin, titigilan mo!"

"Hoy!! Ang aga aga, bardagulan nanaman kayo diyan!" Pagsulpot ni Fiona na nakayakap kay Shrek.

"Ang cheesy ha! Ang sakit niyo sa mata!"

"Gusto mo bang gawin yan saakin honey? Kahit anong gawin mo honey, tutal hindi mo ako matiis eh."

"CHE!" Singhal ko.

Lunch break na namin, at medyo nakaramdam ako ng sakit sa may tiyan ko.

"Ayos ka lang Brooklyn?" Tanong ni Levi.

"Yeah, ayos lang ako. Medyo sumakit tiyan ko."

"Alam mo naman na buntis ka, pero pag may nararamdaman kang sakit sabihin mo agad saakin. Ayoko namang malagay sa panganib ang baby natin." Pagpaalala niya habang hinihimas yung tiyan ko.

"Siya nga pala, asaan si Ezio at Tahirah?" Tanong ni Shrek.

"Nag leave muna sila, 6 months pregnant na kasi si Tahirah with her baby girl and I don't think kakayanin niyang magtrabaho for now. Tsaka within a few months, half day lang tayo sa office. Pero don't worry, wala namang magbabago sa sweldo niyo. It will remain the same pa rin." Sambit ni Levi.

"Ang bait mo talaga Sir Levi! No wonder why andaming namamangha sayo sa pagiging CEO mo in this company. Responable, mabait, too many to mention!" Sambit ni Fiona.

"Shrek... penge true love's kiss." Pagpaalam niya kay Shrek habang nagpapa cute.

"Ikaw naman Princess Fiona, naibigay ko na nga yan eh."

"Ehh!! Please??"

"Fiona naman... sapat na nga saakin yung true love's kiss natin." Sambit ni Shrek na ikinabusangot ni Fiona.

"Shrek naman oh!" Mangiyak iyak na sambit niya.

"Ayan! Pinaiyak mo kasing mokong ka!" Pag asar ni Levi.

"Hayys... eto na eto na. Bigay ko na true love's kiss ko sayo." Sambit niya na ikinatuwa ni Fiona.

"Talaga?!"

"Oo nga."

"Ikaw mag kiss saakin!" Utos ni Fiona.

Maya maya, napayakap na lang ito kay Fiona at unting unti niyang linapit yung mukha niya kay Fiona at agad naman niya ito hinalikan.

"Nabitin ako!" Pagreklamo ni Fiona bago niya ulit halikan si Shrek.

Hayys, ang cheesy talaga ni Fiona pagdating sa ogre niya.

Well, at least hindi ito nang aasar, di tulad ng isa diyan!

"Naiingit ka?" Pag asar ni mokong.

"Ano bang problema mo Levi?! Sa tuwing may ginagawa si Shrek at Fiona, tatanungin mo ako kung naiingit ako?! Hindi no!" Inis na sambit ko.

"Tsaka bakit naman ako maiingit kung andito na yung taong magpapasaya saakin sa habang buhay?! Bakit ako maiingit kung ikaw mismo ang linalaman ng puso't isipan ko?! Wala talaga ako dapat ikina iingit dahil ikaw na yun Levi! Masaya ako sa pang aasar mo kahit iritang irita ako! Marupok ako, oo! Dahil hanggang ngayon, hindi pa rin kita matiis Levi Zacharias Sy! Diretsahan na ha! Mahal kita honey! Kahit saang sulok man tayo ng mundo kayang kaya kong ipagmalaki na ikaw ang asawa ko!"

Natameme na lang kami ni Levi sa sinabi ko at napatingin na lang kami sa isa't isa.

"So-sorry... nabigla lang ako." Sambit ko bago ako napayuko.

"Hindi mo na kailangang mag sorry honey." Sambit ni Levi bago ako umangat.

"Huh??"

"Honey, hindi mo alam kung gaano ako kasaya nung sinabi mo yan. Kaya ako na magsasabi neto. Brooklyn Sanchez - Sy, sa bawat pambara mo saakin, bumubuo na ang araw ko. Kahit nga magalit ka saakin ng paulit ulit, alam ko naman na hindi mo pa rin ako matitiis. Buo na nga araw ko sa tuwing naiinis ka sa mga pang aasar ko eh. You don't have to worry about it, kasi I know how much I trust you. Which made me love you so much honey." Sambit niya na ikinatuwa ng mga ogre.

Well, I guess tama talaga si mokong. Pero grabe siya ha! It really made me very flattered!

Napayakap na lang ako sakanya ng mahigpit habang yinayakap ako pabalik.

"Let's cut the deal... hindi ko talaga kaya na makipag pustahan sayo, knowing na hindi talaga kita matiis... honey." Sambit ko na ikina-ngiti niya.

"Madali talaga akong kausap honey, so you don't need to worry about it. Just letting you know that I love you so much." Sambit niya bago kami kumalas sa pagyakap.

"I love you too honey." Sagot ko sakanya bago ko siya halikan sa labi.

Napatugon na lang si Levi sa bawat halik na binibigay ko sakanya at hinigpitan ko ang pagyakap ko sakanya para madama ko ang bawat halik na binibigay namin sa isa't isa.

"Yan ang true love's kiss!" Sigaw ni Fiona.

Well, true love's kiss kung true love's kiss, pero seryoso talaga ako sa mga sinabi ko.

Love or PleasureWhere stories live. Discover now