[Warning: SPG]
Ezio's POV
Ang cute ng bagong kasal!! Nakakatuwa!
Teka nga lang, puntahan ko lang si Tahirah.
Tumayo na ako para hanapin si Tahirah at agad naman ako hinarangan ng isa sa mga kaibigan ni Tyrus.
"At sino may sabing aalis ka na?" Tanong niya.
"Pupuntahan ko lang yung asawa ko."
"Andito lang si Tahirah oh!" Sambit niya habang tinuturo si Tahirah sa tabi ni Ate Esther.
"Salamat..."
"Anakin!"
"Sige, salamat Anakin." Sambit ko bago lapitan si Tahirah.
"Ezio! Right on time!" Sambit ni Ate Esther bago tumayo at naglakad papunta kay Kuya Luthor.
"Ayos ka lang?" Tanong ko.
"Makapitik sila ah!" Natatawang sambit ni Tahirah.
"Eh batok nga yung akin eh!" Natatawang sambit ko.
Maya maya, kumain na kaming lahat para kasama ang newlyweds at napatingin na lang ako sa mga kasama ko.
"Ezio, pasensya na pala sa malupet naming introduction ah! Hindi agad kami nagpakilala." Sambit ni Demyx na ikinatuwa ko.
"Anakin Sky Adolfo. You might know me as the leader of this Spartans." Pagpakilala ni Kuya Anakin.
"Demyx Ignacio, yung pinaka pogi na member dito!"
"Levi Zacharias Sy, boy genius and CEO of this company."
"Lincoln Ferrer! Call me Link!"
"I'm Riku. Riku Guevarra."
"Pamilyar ka.." Sambit ng babaeng katabi ni Demyx?
"Ikaw pala yung kasama ni Damian na inawat kina Harper at Allyssa nung nagsabunutan kami ah."
"Ahh!! Oo nga! Anong name mo??"
"Tiffany!"
"May kasama ka eh! Sino nga ulit yun?"
"Ako yun Ezio. Brooklyn Sanchez nga pala."
"Siya pala yung asawa kong mahilig mambara." Sambit ni Kuya Levi.
"Eh etong mokong na to, ang hilig mang inis!" Sambit ni Ate Brooklyn.
Ang cute nila!! Kahit mag asawa na sila, hindi ko pa rin pigilan na kiligin sakanila.
"Ang cute nila no?" Bulong ni Tahirah saakin.
"Sino? Si Kuya Levi at Ate Brooklyn? Sobra talaga."
Kylie's POV
Habang kumakain, pinapakinggan ko na lang yung pinag uusapan nila.
"Ezio, since ikaw naman yung pinaka speed dito? Kumusta yung feeling na sagarin mo ng siling labuyo mo yung sinigang ni Tahirah?" Ayan nanaman si Demyx!
"Anong pinagsasabi mo Demyx?" Tanong ni Ezio.
Nako, Ezio! Wag mo nang alamin!
"Malalaman mo rin yan pagdating ng oras."
"Guys! Siya nga pala. Si Fiona, kasama ko sa work." Sambit ni Brooklyn.
"Tsaka si Shrek. Joke! Erwin, kapatid ko." Sambit din ni Levi.
"So ikaw pala si Naomi..." Sambit ni Brooklyn.
"Attitude ka ghorl? Joke! Nice to meet you Ate Brooklyn! Naomi Gonzales! Tsaka si Parker nga pala, boyfriend ko."
YOU ARE READING
Love or Pleasure
FanfictionThe Agents and Spartans are back! New challenges, new people and so many more! Macha-challeng ba sila sa pag ibig nila? Could it be really love? (WARNING: SPG Contents on some chapters. Kung ayaw niyong basahin, don't force yourself. Be mindful, dah...