*Princess' POV*
"Cess, halika na. Hugas na tayo ng kamay sa labas baka kumalat pa ang paint at mapunas ko pa sa damit ko"Tin o Christine Angela ang bitter pagdating sa love pero hindi sa mga hot at gwapo.
"Una na kayo may tatapusin pa ako eh"Ako.
"Okay.Mauuna nalang din kaming uuwi nandyan na ang mga sundo namin"Jill o Jilliana Golbeque mabait pero grabe kung magalit.
"Okay.Bye!See you bukas"Sabi ko.
"Bye"Jill.
Konti nalang ang mga taong naiwan sa room kasama ang class mayor dahil nauna na ang barkada ko.
Ipinasa ko na ang artwork na pinagawa samin at lumabas para maghugas na.Dumating ako sa hugasan at nilagay ko muna ang cellphone ko sa gilid.Baka kasi tumawag si manong para sunduin na ako.
Maraming elementary pupils ang naglalaro malapit sa hugasan naghahabulan sila at parang may tumawag sakin.At ng tumalikod ako ay nagulat nalang ako ng may dumampi sa labi ko. Wtf! First kiss ko!
"Bwisit ka namang lalaki ka oh.Bakit ka ba ng hahalik ha?!Ugh!Inaano ba kita ha?!"Sigaw ko sa lalaking 'to. Nakangiti siya pero halata sa mukha niya ang pagkabigla.Pero di ko masabi na pangit siya. Eh, gwapo naman talaga. Teka, ano ba 'tong pinagsasabi ko?!
"Miss,sorry talaga!Natulak lang kasi ako ng kabarkada ko.Hindi ko sinasadya.Pasensya na."Nakangiti 'tong gwapong nilalang habang sinasabi niya 'yon.
"Ugh! Wag na wag kang magpapakita saakin. Masasapak ko talaga yang pagmumukha mo!" Sigaw ko sabay walk out.
Hindi pa ako nakakalayo eh narinig kong namang sumigaw siya "Nagsorry na nga eh! Sungit!"Tatalikod sana ako at sisigawan siya pabalik pero natapilok ako. Lord,higupin na sana ako ng lupa ngayon! Please lang. Napahiya ako ng sobra. Ang angas ko pa naman kanina.
Ng dahil 'doon, nakita ko na ang saya ng gago! Panay ang tawa ng walanghiya!Dahil napahiya nga ako,bumalik na lang ako sa room at inayos ang gamit ko.Tatawag na sana ako sa driver ko pero hindi ko mahagilap kung saang parte ng mundo ko nalagay ang phone ko. Tiningnan ko sa bulsa ko at pati na rin sa bag ko pero wala talaga.
"Saan ko ba nilagay yun?"Naalala ko pala nilagay ko yun sa sa gilid ng gripo.Kinuha ko ang gamit ko at mabilis na tumakbo doon at ang saya ko ng nakita ko na walang kumuha nito.Lumabas na ako sa school at nakita ko si manong na nag hihintay.
"Manong, kanina ka pa po ba?"
"Hindi naman po masyado Maam.Pinapasabi pala ng mommy niyo na may pupuntahan sila ng daddy mo"
"Okay.Halika na po manong pagod na ako maraming nangyaring kamalasan ngayong araw."
"Mukha nga po,Maam."Manong.
Iniinsulto ba ako nga gurang na to? Pero dahil mabait ako eh hindi ko na pinansin si manong.Matagal na rin namin siyang driver kaya't sanay na ako sa mga biro niya.
Habang nagbabyahe kami eh hindi ko matigilan ang pag-iisip sa walanghiyang nagnakaw sa first kiss ko. Aish. Tama na nga to,nababadtrip lang ako eh.
Ng makarating na kami sa bahay ay kumain agad ako,nagbihis at natulog na rin.
BINABASA MO ANG
Affinity Anamnesis
Teen Fiction"Enjoy your life, for everyday you encounter is a blank page that you need to write upon. Time will come when we finally stop writing, and come to the point where we reread all that we have written" -JD