*Tin's POV*
Dapat happy ako ngayon kasi it's my birthday! Nandito ako sa classroom hinihintay ko sila at sa wakas, dumating na din sila.
"Hi Tin! Bakit parang ang saya mo ngayon?" Tanong ni Yanna. Teka! Nakalimutan niya ba?
"August 30 kasi ngayon." Masiglang sabi ko kay Yanna na narinig naman ng iba.
"Oh? Ano bang meron sa August 30?" Napasimangot ako sa tanong ni Jess.
"What?! Are you fcking serious? Ugh! Bahala na nga kayo diyan!" Pasigaw kong sabi. Ugh! Kasi naman eh importante itong araw na ito sakin kaya dapat good vibes.
Lumipas ang oras at uwian na hindi parin nila maalala kung anong meron ngayon.
"Saan kayo?" Tanong ko sa kanila kasi lalabas na sila ng pintuan.
"Uhm. Uuwi na kasi tumawag si mommy eh may pupuntahan kami." Sabi ni Jess at Jill. Kaya ibinalin ko ang tingin ko kay Yanna.
"May emergency sa bahay." Bored na sabi ni Yanna.
"Hindi ba kayo sasama sakin? Let's celebrate! My treat!" Sigaw ko habang nakangiti.
"Sorry, we can't be with you. Invite mo nalang yung boys kasi maybe free sila. Importante lang talaga eh. Btw, celebrate? Anong bang mero--" Hindi na natuloy ang sasabihin ni Aira ng sumigaw si Mia.
"Aira ano ba?! Halika na!" Naiinip na sabi ni Sam. Ano bang nangyayari? They don't really remember my birthday?
"Sorry ha. Bukas nalang." Nagmamadaling sabi ni Aira.
No choice ako kaya aayain ko nalang boys tutal andito pa naman sila eh ng makalapit ako sa kanila may narinig ako na ikinasira lalo ng araw ko.
"--yung liligawan ko." Sabi niya.
Naka move on na nga siya. Good for him. And because I'm tired, umuwi nalang ako.
Pagpasok ko ng bahay ay dumeretso na ako sa kwarto ko.
"Happy Birthday to me!" I smiled sadly. What a nice way to end this day. Tss.
*Marcus' POV*
Andito kami sa classroom. Kakatapos lang ng klase at naisipan muna naming tumambay.
June..July..August..teka ano na nga ngayon?
"Bro ano ngayon?"
"Monday?" Sabi ni Charlie o Charlie Jansenn Cruz ang pinakamakulit sa barkada dati siyang barkada nila Cj. Umalis siya doon kasi may nangyari. Kawawa naman kasi siya kaya pinulot nalang namin. Hahaha.
"Hindi! Yung ano, yung..." Tangina nakalimutan ko yung tawag.
"Yung ano? " Naguguluhang tanong ni Fedrick saakin.
"Yung ano? Buwan? Araw? Oras? Ano ba?" Tanong rin ni Sky.
"Buwan! Tama! Yun nga!" Sigaw ko.
"Tangina! Ang bobo mo na! Wala ka bang kalendaryo?" Bored na sabi ni Harold o Harold Jay Ferrer ang medyo moody sa barkada kahit moody yan ay may nakatitiis sa ugali niyan.
"Aish. Ano nga?" Tanong ko ulit.
"August 30. Monday, 4:38 pm. Oh? Okay na? Tsk. Alis ka na nga istorbo ka eh" Inis na sabi Vince o Vince Edward Tingson. Tsk. Hindi talaga maistorbo tung isang to pag nagbabasa.
August 30 na pala. Malapit na birthday ni Cess.
"Bro tulungan niyo ulit ako ah?" Sabi ko.
"Sa?" Tanong nila.
"Liligawan ko na for real si Cess sa birthday niya" Sabi ko.
"Ehem! Ikaw manliligaw? Bago yun ha!" Pambabara ni Sky. Gago talaga.
"Oo nga." Sabi ko sabay kamot sa ulo.
"Punta na raw tayo doon baka naiinip na yung liligawan ko." Sabi ni Fedrick.
"Tanga ka ba? Papaning maiinip yun eh andito pa yun sa room. Teka." Sabi ni Sky at hinanap siya.
"Ay! Umuwi na pala." Sabi niya.
"Tara na nga. Andun na raw ang girls sa bahay ni Tin." Sabi ni Harold.
"Asus! Gusto mo lang makita si Yanna." Pang-aasar ni Sky at ang gagong Harold naman eh may pa ngiti ngiti pa.
Kaya nagmadali na kaming umalis sa room at pumunta na sa pupuntahan. Hahaha.
BINABASA MO ANG
Affinity Anamnesis
Teen Fiction"Enjoy your life, for everyday you encounter is a blank page that you need to write upon. Time will come when we finally stop writing, and come to the point where we reread all that we have written" -JD