Chapter 9

74 4 3
                                    

*Marcus' POV*

Hey! I'm Marcus Alexander Anderson. Pinaka hot at gwapo. Naririnig ko 'yan sa mga tao sa school at syempre naniniwala ako.

Andito ako sa classroom hinihintay si Cess na dumating.

Di nagtagal ay dumating narin siya pero ba't ang lungkot niya?

"Hey babe. What's wrong?" Tanong ko.

"Please,Marcus.Huwag ngayon" Sagot niya. Wow. Akala ko talaga tatawa siya o sasapakin man lang ako.

"Nagtatanong lang naman ako ah. Sorry!"Sabi ko sakanya at bumalik na sa upuan.

Hmm. Ano kayang problema ni babe. Dumating na ang teacher at parang lutang si Princess.

"Ms. Egamino"Tawag ng teacher kay babe.

"Babe, tawag ka ni Miss." Tawag ko sakanya. Pero di siya gumalaw man lang.

"Uy babe." Tawag ko ulit.

"Huh?" Nagtataka niyang tanong. Shet! Akala ko talaga magagalit na siya eh kanina ko pa siya tinatawag na babe eh. Gusto niya na siguro na babe ko siya. Hahahahaha ka kilig naman. Pero tangina ang bakla ko! Syempre, joke lang 'yon.

"Tawag ka ni Miss." Sabi ko. Agad siyang tumayo at sinagot ang tanong ni Miss. Woah! Ang talino pala ni babe. Grabe na nga yung kunwari kong pag isip isip para lang di matawag kasi ang hirap ng question tapos siya mukha ngang di nakikinig tapos nasagot pa. Hanep!

Natapos na ang klase. Uwian na at nanibago ako kay babe kasi ang tahimik niya ngayon. Wala na yung babe ko na masayahin yung pinapatulan ang mga trip ko.

Ano kaya ang nangyari?

"Babe,okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya pagkaalis ng teacher. Agad siyang napahinto sa pag aayos ng kanyang gamit at tumingin sakin.

"Okay lang ako Marcus. Sige bye." Sabi niya at agad na umalis ng classroom.

"Ano nanaman ba ang ginawa mo kay Cess, Marcus? Pati rin kami hindi niya kinakausap eh." Tanong ng kaibigan ni Cess. Yanna ata ang pangalan nito.

"Wala" Tipid kong sagot.

"Wala?Anong wala? Imposibleng hindi ikaw ang dahilan kung bakit nagkaganon siya ngayon. Ikaw lang nagpapabadtrip dun eh. Mukha mo pa lang nga bad mood agad yun"Tanong rin nung isa pang kaibigan ni Cess na si Tin ang pangalan.Yung may gusto kay Fedrick yata. Di ko sure ha.

Yung Fedrick na sinabihan ko na mukhang unggoy. Totoo naman kasi sa aming magbabarkada ako yung pinaka gwapo sa lahat at sila ay mga mukhang unggoy.

"Oo nga. Pwede ba Marcus tigilan mo na si Cess kasi hindi maganda ang mga ginagawa mo sa kanya." Sabi ng isa pa niyang kaibigan na si Riane.

"Oh bakit ako?Baka kayo ang may nagawa sakanya dahil wala akong ginawa sa kanya ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit ganon siya at pwede ba hindi lang naman ako parati ang dahilan. Kaya huwag kayong mang bintang na ako ang dahilan kung bakit badmood siya ngayon." Sabi ko at lumabas na rin ng room. Masakit rin yung sinasabi nila sakin na ako ang dahilan kung bakit badmood siya eh. Alam kong inaasar o pinagtr-tripan ko si Cess pero hindi sobra sobra na umabot sa punto na maging ganon siya.

Umalis na lang ako agad kasi baka may masabi pa akong masama sa kanila at maging amazona pa yung kabarkada ni babe.

*Tin's POV*

"Patay mukhang nagalit si Marcus." Sabi ni Yanna.

"Hala! Oo nga." Sabi ko. Malay ko bang magagalit 'yun! Dahil ba sinabihan kong badtrip agad si Cess pag nakita yung pangit niyang mukha? Tsss. Ang babaw ha!

"Sumobra siguro tayo" Sabi rin ni Riane.

"Tsk. Yan kasi. Sabi sa inyo na walang ginagawa si Marcus ngayon kay Cess eh." Sabi ni Sam.

"Kanina ko pa napapansin si Cess na tahimik at parang malungkot"sabi ni Jess.

"Hala! Baka may problema lang si Cess kaya badmood siya ngayon" Sabi ni Jill.

"Kailangan nating mag sorry kay Marcus pero puntahan muna natin si Cess sa bahay nila" Sabi ko at tumango nalang sila.

-----
Next update will be this saturday or on monday. Thanks for reading! Vote❤️

Affinity AnamnesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon