Continuation...
*Cj's POV*
Ugh! Kaya ayaw kong uminom eh naligo, nagbihis, kumain at bumalik uli ako sa pagtulog.
*Princess' POV*
Ang nangyari kagabi ay hindi ko inaasahan. Yung magtatapat siya? Shet! Akala ko hanggang pangarap lang eh. I love Cj so much hindi ko yata kakayanin kapag iiwan niya ako.
--Monday--
Ba't antagal ni Cj? Hay. Male-late na ako eh. Napatingin ako sa relo ko at 30 minutes nalang ay magti-time na. 20 minutes pa naman ang biyahe papuntang school.
"Iha, hindi ka pa ba aalis? Wala pa ba yung susundo sayo? Baka ma-late ka na niyan." Napatingin ako kay manang. Hay, Cj asan ka na ba?
"Manang, 5 minutes nalang po baka nalate lang siya ng gising" Sagot ko. SANA nga nalate lang siya ng gising.
After five minutes ay wala parin si Cj kaya naisipan ko nalang magpahatid kay manong.
--School--
Nasa classroom na ako at mabuti nalang ay hindi ako nalate. Strict pa naman ang teacher namin sa first period. Nag discuss na nga ang teacher namin at sa wakas recess na.
"Cess, sabay tayo mag recess" Sabi ni Cj
"Sige." Walang gana kong sagot. Eh kasi naman ba't di niya ako sinundo? Kasi nung hindi pa kami, super close kami.
"Cess, sabay ka samin?" Sabi ni Jill.
"Uhm, sasabay na ako kay Cj eh." Sabi ko kay Jill.
"ah ganun ba sige"sabi nila at umalis na
Halika na Cess." Sabi niya. Ano daw? Halikan na? Shet! Ano ba!
"H-huh?" Sagot ko.
"Anong huh? Ah! Ano ka ba? Hahaha! Kung ano-ano iniisip mo eh!" Sabi niya sabay akbay saakin habang tumatawa pa. Gago pala to eh!
Lumipas ang mga araw ay mas naging sweet si Cj saakin. Hindi ko na siya tinanong kung bakit di niya ako nasundo kasi baka pag awayan namin.
"Cess, birthday ko na bukas sama ka ha? 6:00 PM sa bahay isama mo narin ang mga barkada mo." Sabi ni Cj saakin.
"Okay, sige." Sagot ko naman.
"Sige!Byeeeee!" Sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.
"Cess kayo na ba? Bakit ka niya hinalikan sa cheeks?" Sabi ni Aira.
Tumango lamang ako bilang sagot at nanlaki ang mga mata nila.
"Tsk. Mag-ingat ka. Magtira ka ng pagmamahal sa sarili mo baka saktan ka lang niyan." Sabi ni Sam.
"Alam ko naman yun." Sabi ko.
"Oo. Dapat isipin mo din ang sarili mo." Sabi naman ni Aira.
"Wag dapat magmadali. Pag-isipang mabuti." Sabi naman ni Riane.
"I hope you don't get hurt. But its okay to get hurt, its normal lang." Sabi ni Yanna.
" She believed. Sa two words na 'yun nandoon ang He lied. S(HE) BE(LIE)VE(D). Gets? Kaya mag ingat." Sabi naman ni Jess.
"When you get hurt, everything happens for a reason naman. Maybe, something better will come. Pag di ka naman nasaktan, it means, the best came na." Sabi ni Olive. Wow! Ang bruhang to akalain mo may words of wisdom rin?
BINABASA MO ANG
Affinity Anamnesis
Novela Juvenil"Enjoy your life, for everyday you encounter is a blank page that you need to write upon. Time will come when we finally stop writing, and come to the point where we reread all that we have written" -JD