Chapter 14

42 2 2
                                    

*Princess' POV*

"May balak ba kayong ubusin ang laman ng ref ko,Yanna at Jess? Ang takaw niyo pero bakit ang papayat niyo?" Sabi ko sa kanilang dalawa.

"Tinawag kasi kami ng ref. Nang akit ba naman! Hay nako!" Sabi ni Yanna.

"Oo nga! At baka mabulok lang 'to dito." Sabi pa ni Jess.

"Ewan ko sainyo! Di ba kayo pinapakain sainyo?" Tanong ko.

"Pinapakain naman. Hihihi" Sabay pa nilang sabi.

"Bahala na nga kayo diyan!" Sigaw ko sa kanila.

Andito ang barkada sa bahay. Saturday kasi bukas walang pasok kaya naisipan nilang mag sleepover nalang dito.

"Cess pwede mag tanong?" Tanong ni Riane.

"Oo naman. Bakit naman hindi?" Sagot ko naman.

"What happened between you and Cj? Uhm, hindi ka kasi nakapagkwento. Kung ayaw mo sagutin okay lang naman." Tanong ni Riane.

"Basta. Complicated eh." Sagot ko.

"Cessssss! Sige na! Kwento mo na!" Sigaw nilang lahat. Ang ingay naman nila.

"Okay,okay. Sasabihin ko na." Sabi ko at lumapit pa sila saakin. Pati yung kumakain andito na rin.

*Flashback*
March 10, 20**

Malapit ng matapos ang klase at mag fo-fourth year na kami next school year at sana classmate parin kami ni Cj. Si Carl Joseph Villanueva ang pinaka gwapo, hot at mabait.

Carl

"Hey! Cess, busy ka?"

"Ah, Oo eh. K-kasi may pupuntahan kami nila sam. B-bakit?" Nauutal kong tanong.

"Ah, ganun ba? Gusto sana kita isama dun sa party eh."

"Sorry talaga ha? Hindi talaga ako pwede ngayon eh." Sagot ko.

"Okay. Next week pwede ka ba? Birthday ko kasi eh." Tanong niya.

"Oo naman." Sagot ko.

"Ah, sige next week ha? Bye!" Sabi niya.

"B-bye." Sabi ko.

Ang totoo wala naman talaga kaming pupuntahan eh. Tambay lang ako dito sa bahay. Nahihiya kasi ako kay Cj at sa mga kaibigan niya. Anti-social pa naman ako.

*Cj's POV*

Andito kami ng barkada sa may garden nag iinuman birthday kasi ni Justin.

"Pare, laro tayo." Sabi ni Mike na mukhang lasing na at ang pinaka close ko sa barkada. Zeus Michael Domingo. Ang happy go lucky sa barkada

"Ano namang laro 'yan?" Tanong ko.

"Bato bato pick. Ang talo ay iinom ng isang bote ng beer straight. Hanggang lima lang ha" Sagot niya. Sinakyan ko nalang siya halata kasi na lasing na. Pati rin naman ako.

"Game!" Sabi ko sa kanya. At naglato na kami.

*After 1 hour*

Nauna ng umuwi ang barkada ko at si Mike nalang naiwan dito.

"Pare, uwi na *hik* ako"

"Sige,pare."

Natapos na ang party at andito ako ngayon sa kwarto umiinom at nagpapakalasing ng bigla kong maala si Cess. Tama si Cess kailangan ko siyang puntahan may sasabihin ako sa kanya. Kaya agad akong naghilamos at nagbihis para hindi ako mukhang lasing. Agad akong nagdrive papunta sa kanila

"Cess!" Sigaw ko sa may gate nila wala akong pakialam kung magising ang mga kapitbahay nila basta masabi ko lang sakanya.

"Cj? Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah." Sabi niya.

Ang ganda niya talaga.

"Cess, makinig ka. Wala akong pakialam kung anong oras na ang importante ay masabi ko ito sayo. Matagal ko na itong tinatago. Isang beses ko lang sasabihin ito kaya makinig ka" Sabi ko naman at nakitang kong umayos siyang tumayo at lumapit saakin upang marinig niya ang sasabihin ko.

"Ah, okay. Ano 'yun?" Tanong niya.

"Cess, mahal kita. Gusto kita okay?Will you be my girlfriend?" Deretso kong sagot. Medyo nahihilo pa ako kasi lasing talaga ako ng sobra.

Nakita ko na parang nagulat siya

"A-ano?" Nauutal niyang tanong.

"Tsk. Sabi ng isang beses ko lang sasabihin eh. Pero dahil mahal kita ay uulitin ko. Cess, mahal kita will you be my girlfriend?"

"Yes!" Pagkasabi niya nun ay niyakap ko agad siya.

"Thank you, Cess." Atsaka hinalikan ko siya sa noo at cheeks at nagpaalam.

"Magkita nalang tayo sa monday susunduin kita" Sigaw ko.

"Sige. I- I love you" Nauutal niyang sabi.

"Bye! I love you too." Sigaw ko habang papalayo sakanya.

Affinity AnamnesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon