Chapter 18

57 2 0
                                    

*Princess' POV*

Tuesday na ngayon. Free time na namin kaya naman nakasubsob lang ako sa desk ko dahil iniisip ko pa rin ang nangyari nung isang gabi.

Kasi naman eh. Kainis si Tin. Pakipot masyado. Pag si Fedrick naka move-on na talaga baka iiyak yan. Pero baka naka move-on na nga talaga si Tin or kailangan niya lang ng time para makapag-isip.

Ganito kasi yon. Fail talaga ang nangyari nung isang gabi. So ito ang nangyari.

*Flashback*

Nandito na kami sa place kung saan una nagkita ang dalawang iyon.
Surprise ni Fedrick dahil manliligaw siya ulit.

Tanginang babae 'yon. Kaya pala hindi nakakasama sa amin sa mga lakad namin dati kasi may date pala. Pero nung nag break sila eh araw-araw ng gustong maglakwatsa kasama kami.

"Guys, nandito na si Tin. Ready na kayo." Sabi ni Yanna. Isa pa itong bruhang to eh. Sila na pala ni Harold. Di niya talaga sinabi sa amin. Crush ko pa naman si Harold. Pero, crush lang naman! Wala akong balak agawin sakanya si Harold. Hahaha!

Dumating na si Tin at nagsimula ng kumanta si Fedrick. Binigay na namin ang mga roses na hawak namin. Napatingin ako kay Fedrick at Tin. May chemistry talaga sila. Napabuntong hininga nalang ako at napabulong sa sarili ko.

"Sana may gagawa rin sakin niyan." Bulong ko.

"Pinaparinggan mo ba ako, Cess?" Sabi ng tao sa likod ko. Si Marcus. Tumalikod ko siya at nakita ko siyang nakangisi. Walanghiya!

"Ang kapal mo naman, Marcus! Tumahimik ka nga!" Pabulong kong sigaw kasi baka marinig kami.

"Huwag kang mag alala. Malapit na." Bulong ni Marcus malapit sa tenga ko sabay yakap niya mula sa likod ko. Back hug yata tawag.

"Ano ba, Marcus! Bitaw!" Kunwaring naiinis na sigaw ko. Pero ang totoo, kilig na kilig na ako dito. Hihihi.

Nagsimula ng magsalita si Fedrick kaya napatingin kaming lahat sa gitna kung saan sila naka pwestong dalawa. Kilig na kilig ako hanggang sa...

"I'm sorry. I can't. " Sabi ni Tin at tumakbo na paalis sa venue. Susundan ko sana siya ng pigilan ako ni Marcus at sinabing bigyan ko daw muna ng time si Tin kaya't wala na akong nagawa kundi ang tignan si Tin paalis.

*End of Flashback*

After nun. Umalis na kami kasama si Fedrick na malungkot. Hindi nga namin siya nakakausap eh. Pero wala kaming magagawa kasi yun yung desisyon ni Tin eh. Malay natin naka move-on na talaga siya. Kaya hayaan nalang.

"Pang ilang buntong hininga mo na yan? Ang baho na eh." Bumalik ako sa katinuan ng marinig ko ang boses ni Marcus sa gilid ko.

"Alam mo? Bastos ka talaga eh. Ano bang pake mo? Tss." Masungit kong sabi. Badtrip ako eh. Antok ako kasi iniisip ko ang nangyari nung isang gabi kay Tin pati na rin si Marcus. Hay.

"You're spacing out again, Cess." Bumalik ako ulit sa katinuan ng magsalita ulit siya na ngayon ay nasa harapan ko na.

"Iniisip mo ba yung nangyari nung isang gabi? Hayaan mo na iyon dahil desisyon iyon ni Tin." Sabi niya.

"Alam ko pero paano kun--" Naputol ako ng magsalita ulit siya.

"Shhh. Malapit na birthday mo, right?" Tanong niya habang nakangiti.

"Oo. Mga 4 days from now." Malungkot na sabi ko sa kanya.

"Oh? Bakit malungkot ka nanaman?" Tanong niya na parang nag-aalala.

"Kasi naalala ko naman siya." Sabi ko.

"Sinong siya? Si--" Naguguluhang tanong niya.

"No! Hindi siya. Marami ka pang hindi alam saakin, Marcus. Maybe lalayuan mo pa ako pag nalaman mo." Malungkot kong sabi.

Hinawakan niya ang chin ko at itinaas ito upang magkatinginan na kami.

"Hey. May sasabihin ako sa'yo kaya makinig ka. Kahit anong mangyari o kahit ano pa ang malaman ko tungkol sayo, hindi ako aalis sa tabi mo." Seryosong sabi niya.

Sana nga Marcus hindi ka aalis sa tabi ko. Sana.

*Third Person's POV*

"Sweety, are you ready?" Tanong ng mama niya.

"Yes mom." Sabi niya ng malungkot.

"Are you sure? I mean, sa saturday pa naman tayo aalis. You know, we could canc--" Pinutol ko ang sinasabi ni Dad.

"Dad, don't stress yourself out. It's fine. I mean it's all in the past now. Don't worry, past is past. Besides, bata kami nung nangyari 'yon." I said with a smile to assure them... OR maybe not.

"Okay, sweetheart. Whatever you say." My mom said.

"Just promise us that wala kang gagawing masama." My dad said.

"That would be childish, Dad. Of course I will not do anything stupid." I said smiling or maybe smirking.

Affinity AnamnesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon