*Princess' POV*
Andito ako ngayon sa room ko. After ng klase ko ay umuwi agad ako para maabutan ko pa sila mommy but sabi ni manang kaninang umaga pa sila umalis.
*Tok**Tok*
"Pasok" Sabi ko.
"Iha, may naghahanap sa'yo. Yung mga babae mong kaibigan. Nasa baba sila."Sabi ni manang.
"Pakisabi nalang po na pagod ako at ayaw ko ng istorbo"Utos ko. I just don't feel like talking when I'm in a bad mood. Ganito talaga ako. Tsk.
"Sige, iha."Sabi ni manang at sinarado na ang pintuan. Kaya agad akong nagtabon ng kumot.
Matutulog na sana ako ng naramdaman ko na bumukas ang pintuan.
"Manang sabi ko po na ayaw ko ng istorbo." Sabi ko.
"I'm sorry to disappoint you our dearest friend but we're not manang. Do we look like some bunch of freakin' old people?" Sabi ni Olive. Alam na alam ko na siya 'to. Sa tono pa lamang ng pananalita ay alam na alam ko na.
Ugh. Ano bang ginagawa nila dito. I'm friggin' tired. Agad kong tinanggal ang kumot na nakatabon sakin at tinignan sila isa isa.
"Ano?"Inis na tanong ko.
"Anong nangyari sa'yo?" Tanong ni Aira.
"Wala."Tamad kong sagot.
"Hoy babae! Anong wala? Mula sa school, nahahalata na namin na malungkot ka. Tapos sasabihin mong wala? Ano ba talagang problema mo?" Halos pasigaw na tanong ni Yanna.
"Wala nga." Pagsusungit ko.
"Isa pang wala ha! Makakatikim ka na sa akin!" Sabat naman ni Yanna.
"Whatever. I don't even care. Umuwi na nga kayo. Can't you see? I'm trying to sleep here. So, if you just came here just to ask that question, the door is widely open you may now go" Masungit kong sabi.
"Aba't---"
"Tama na Yanna!"Sigaw ni Aira.
"Guys, we have to go. Mom is calling na eh. Hindi kasi kami nakapagpaalam. Let's go, Jess. " Sabi ni Jill. Hindi ko pa ba nasabi na magkapatid sila? If wala, then oo magkapatid sila sa ina.Namatay ang tatay ni Jill nung 1 year old palang siya dahil sa isang aksidente and Jill's mom fell inlove with the father of Jess so yun nga naging magkapatid sila kasi nabuo si Jess. They're okay naman with each other.1 year lang naman ang gap nila eh. Kaya sinabay nalang silang pinag aral. If you don't get it. Re-read nalang.
"Yes. You better go na nga. Mga sinungaling." Pero siyempre binulong ko lang yung huli kong sinabi.
"Ewan ko sa'yo Cess. Maka alis na rin nga. It seem like you're not in the mood. Atsaka, walang patutunguhan ang convo na 'to."Sabi ni Yanna at sa wakas ay umalis na rin.
Psh. Kunwaring concern hindi naman. Mga 15 minutes pa ang lumipas bago umalis yung iba.
*Next day*
* Tin's POV*
I can't understand kung bakit nagbago si Cess. Sa pagkakaalam ko wala naman kaming nagawa na masama. We went to her house pa nga to know what's wrong pero puro wala lang yung sagot niya at pinapaalis niya pa kami. Nakahingi narin pala kami ng sorry kay Marcus at sabi niya it's fine lang naman daw.
Hay. Andaming problema ng barkada. Kung sa tingin niyo ay si Cess lang ang may problema, nagkakamali kayo. May problema din ako.MALAKING MALAKING PROBLEMA. Capslock para intense.
Isa pa yang Fedrick na yan. Ugh. Naiinis ako kasi andito siya. Naiinis ako kasi ang gwapo at hot niya(Yuck, di ako sure sa pinagsasabi ko). Naiinis ako kasi masakit parin. Yes, may past kami.Hindi alam ng barkada. Hindi naman kasi siya nag aaral dito dati kaya hindi nila kilala.Naiinis ako kasi hindi pa ako naka move-on. Pero hindi nga ba? Kasi sometimes nga daw you're just thinking that you like that person pa even if hindi na because you only miss the memories lang daw not the person. Baka nasanay ka lang kaya iniisip mo na you still like him. Yuck! Corny! Wtf! I only like hot boys lang kaya.
"Oy Tin! Okay ka lang?" Tanong ni Sam.
"Yeah. Iniisip ko lang bakit ganun si Fedr-- este Cess" Sabi ko sabay tingin sa table ni Fedr--este Cess na kumakain mag isa. Tanga mo Tin! Edi mahalata na nila siya ang iniisip mo. Pero si Cess naman talaga diba? Tss. Kadiri kaya kung si Fedrick! Like wtf! Hahahahaha!
"May dapat ba kaming malaman Tin?" Tanong ni Jess.
"Uhm, w-wala." Nauutal kong sabi. Wait what?! Bakit ako nauutal? Tss.
"Akala ko ba walang taguan ng sikreto? Una si Cess susunod ka ba?Sino naman ang susunod? Akala ko ba barkada tayo?" Maarteng sabi ni Yanna.
"That's why its called a secret, Yanna. Hindi dapat malaman ng iba. There are things na mas better if hidden" Sabi ni Aira.
Hidden ba kamo? Eh grabe nga sila makatanong eh. Leche talaga! Ganon ba ako ka halata pagdating SAKANYA? Pero wait. Ano ba 'to kadiri pinagsasabi ko. Pero mabuti rin naman kasi tumahimik na din si Yanna.
BINABASA MO ANG
Affinity Anamnesis
Teen Fiction"Enjoy your life, for everyday you encounter is a blank page that you need to write upon. Time will come when we finally stop writing, and come to the point where we reread all that we have written" -JD