Chapter 2

145 4 1
                                    

*Princess P.O.V*

*riiiiiiiing*

Nagising ako sa ingay ng alarm clock.Bastos lang.Naligo,nagbihis at nag-ayos na ako ng gamit bago bumaba para kumain ng breakfast. After ko magbreakfast,tinawag ko na si manong para ihatid ako sa school .

Ng makarating na ako sa school ay dumeretso na ako sa room at nadatnan ang mga bestfriends ko dito.

Btw,I'm Princess Egamino.4th year highschool student at 16 na.Maganda,matalino at matangkad pero medyo clumsy at isali mo na rin na tanga.

"Hi Cess!"Alyanna Tuazon o Yanna.Ang inlove at medyo seryoso pero grabe kung makagawa ng kalokohan kaya partners in crime sila ni Jessica pag dating sa ganong bagay.

"Hello!"Sagot ko.

"Oh,why are you sad and like pinagbagsakan ng heaven and lupa?"O.A that's her nickname and her full name is Olive Andrea Malinao.The conyo,chismosa and ang pinaka O.A sa grupo but may nanliligaw diyan,ayaw pang sagutin eh.Mahal na nga niya pero nagpapakipot pa. Arte nga eh minsan nga nakita niya ang suitor niya na maykayakap na ibang babae bigla ba namang namula sa galit at umusok ang ilong kaya ayun sinugod niya kaya lang pinsan pala yun ng suitor niya kaya hiyang hiya at sorry ng sorry sa babae.

"Uy,Cess! Anong nangyari sayo? Tinatanong ka ni OA."Jessica Gonzales ang babaeng martyr dahil kahit na laging nasasaktan sa love ay go parin ng go.

"May nakita kasi akong lalakeng lampa kahapon at nawala lang naman ang first kiss ko"Walang gana kong sabi sa kanila.

"Nawala lang naman pala yung first kiss.Oh,edi mabuti!Kwento dali!Gwapo ba ang boy?Hot ba?" Tumitili yan habang nagsasalita.

"Huh? Kaibigan ba talaga kita?Nawala na nga yung first kiss ko yan pa ang pinagsasabi mo? Hindi ka man lang naawa sakin dahil nawala na yon?"

"Anong maawa?Dapat bang kaawaan yon? It's normal.We're teenagers Cess dapat masaya ka din dahil nahalikan ka narin sa lips" Samantha Pacinabao o Sam.

"Mabuti nga yun eh.Akala ko kasi magmamadre ka na.Atleast sa lips ha! Eh diba nga yung dati eh sa cheeks lang? Hahaha."Singit ni Yanna.

"Yes,Tama si Yanna.After ilang months simula nung nag break kayo ni Carl--"Hindi na natapos ni Riane ang sasabihin niya dahil bigla siyang binatukan ni Jilliana. Si Riane Casas ang medyo mabait sa grupo at ang pinaka kuripot .

"Okay lang naka move on na ako. Medyo Matagal na rin yun eh.Past is past.Kaya ngayon studies ko muna ang priorities ko" Sabi ko. Hindi ako makapaniwala na nakasalita ako ng deretso kasi naluluha na talaga ako dahil naalala ko naman yung sakit.

"Woah!MOVE ON.Big word!Sa tingin mo maloloko mo kami?Alam na alam namin na hindi ka pa nakakamove on at alam rin namin na alam mo 'yan.We can see it through your eyes,Cess."sabi ni Aira o Shaira Howell.Mabait,hindi palaimik at pag nagsalita ay words of wisdom ang parating lumalabas.

Hindi na ako umimik dahil alam kong tama rin siya. At dahil na rin dumating na ang teacher.

Lutang na lutang ako sa klase pati na rin sa pag uwi.Nakauwi na kami sa aming mga bahay at pagdating ko sa bahay ay umiyak nanaman ako dahil sakanya. Ang sakit talaga.Kailan kaya mauubos ang luhang 'to?Ilang months na simula nung iwan niya ako pero ba't masakit parin?

Affinity AnamnesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon