Chapter 19

52 3 2
                                    

*Princess' POV*

Katatapos lang ng klase namin at bukas saturday na. Magce-celebrate rin ako ng birthday ko bukas. I miss my mom and dad. Hindi ko na kasi sila nakakasama sa birthday celebrations ko eh. Busy kasi sila, as always. What a life.

Malapit na kami sa bahay at mula dito ay nakikita ko na may nakaparadang sasakyan sa harap ng gate namin.

Nang naka park na ang driver ko ay deretso akong pumasok sa bahay at medyo nagtaka ng may mga maletang naka lagay sa sala namin.

"Manang, sino po ba ang dumating?" Tanong ko kay manang na naglilinis dito sa sala.

"Dumating na po sina mommy at daddy mo kasama si--" Naputol ang sasabihin ni manang ng makita namin si mommy na pababa mula sa hagdan.

Lumapit ako kay Mommy at humalik sa kanyang pisngi. "Mom, akala ko po nakalimutan niyo na--" Naputol ako ng nagsalita agad si mommy.

"Talk to you later. May meeting pa kami ng Daddy mo. Baka ma-late pa kami." Sabi ni Mom.

"Ah ganon po ba? Sige po. Akyat na ako sa kwarto ko, Mom. Bye."

Sanay na ako kay Mommy. Ganyan naman sila lagi. Wala silang oras saakin pero dahil pagod ako ay hinayaan ko nalang at natulog nalang ako.

🎶 All that I did was walk over
Start off by shaking your hands
That's how it went
I had a smile on my face and I sat up straight
Oh, yeah, yeah
I wanted to know you
I wanted to show you 🎶

Nagising ako dahil sa ingay ng cellphone ko. Kinuha ko ito sa may side table at sinagot ito.

"Hello?" Inaantok na pambungad ko.

"Hi babe." Sagot naman nito.

"Marcus?" Tanong ko.

"Yeah." Sagot niya.

"Bakit ka tumawag? 12AM pa lang ah." Tanong ko.

"Gusto lang kita i-greet. HAPPY BIRTHDAY, BABE!" Masigla niyang sabi. Napangiti naman agad ako.

"Sana di ka na nag abala pa. Pwede mo naman ako batiin mamaya. Magkikita naman tayo mamaya ah." Sabi ko.

"Hindi, kasi ano eh, baka hindi kita ma-greet mamaya. Hehehe. At baka di tayo magkikita mamaya." Sagot niya.

"Ah sige. Inaantok pa ako eh. Bukas nalang ah? I mean, mamaya. Sige, bye!" Sabi ko.

"BABE WAAIIIIT LAN--" Pinutol ko na kaagad ang tawag. Sorry, Marcus. Nalito ako ng konti eh.

2:17AM. Gising na gising pa rin ako. Iniisip ko kasi kung bakit hindi makakapunta si Marcus. Ano ba 'yan. Alam ko, hindi na 'to normal. Sino ba naman ang tangang magpupuyat kakaisip sa isang bagay tungkol sa isang KAIBIGAN lang diba? Lame right? Mahalaga na kasi si Marcus saakin. Idk, parang bigla nalang siya naging mahalaga sa akin.

Ano nga ba talaga ang halaga ko sa'yo, Marcus? Totoo ba ang bawat salita at bawat galaw mo? Hays. Ang hirap naman nito. Mamaya, pinaglalaruan niya lang ako eh. Malay natin, diba?
---------------------------

"Manang, saan po sila mommy?" Tanong ko kay manang pagkapasok ko ng kusina.

"Umalis. May emergency meeting raw. Happy birthday pala, Iha." Mabuti pa si manang naalala ang birthday ko. Eh, yung mga magulang ko asan? Wala!Mas inuna pa ang meeting. Nakalimutan na nga siguro nila.

"Thank you, Manang. Alis na po ako."

"Saan ka pupunta? Di ka ba kakain?" Tanong ni Manang.

"Kakain po kami nina Tin sa labas eh." Sabi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Affinity AnamnesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon