Chapter 13

71 5 0
                                    

*Princess' POV*

Ugh! Naiinis ako kay Marcus! Naiinis ako kasi akala ko kung ano na tapos sorry lang pala?! Naiinis ako kasi paasa siya! Naiinis ako kasi umasa ako! Oo, umasa ako. Sino ba naman di aasa diba? May pa roses pa yung tarantadong 'yon! Leche siya!

"Oh, problema mo?" Tanong ni Yanna habang may laman pa ang bibig niya. Bastos talaga 'tong isang 'to.

"Don't talk when your mouth is full" Sabi ni Aira.

"Yuck Yanna! You're so kadiri talaga!" Sabi ni Olive. Teka sila na ba ni Sky? Sander June Flakes o Sky for short. Pinsan at kabarkada ni Marcus THE GREAT PAASA. Oh baka ako ang umasa? Lol. Binara ko pa sarili ko. Hahaha.

"Nahiya ako sa'yo! Grabe!" Sigaw ni Yanna.

"Teka, tumahimik ka muna Yanna. Olive, Kayo ba ba ni Sky?" Tanong ko kay Olive.

"Yes! Hihihi" Sabi niya naman. Malandi talaga 'to o baka bitter lang ako? Ay leche! Bakit kasi may paasa eh. HUGOT mga brad!

"Kaya naman pala grabe maglandian." Sabi ko with a smirk on my face.

"Inggit ka lang! Kasi akala mo-- Ouch!"Di na natuloy ni Olive ang sasabihin niya ng sipain ko siya sa ilalalim ng mesa.

"Okay ka lang ba, Cess? Ang tamlay mo yata?" Sabi ni Riane. Buti pa 'to, concern.

"Okay lan--" Di ko naman naituloy ko ang sasabihin ko ng sumingit si Olive.

"Matamlay ba 'yan? Hahahahaha! Kung sipain niya ako parang hindi babae eh!" Sabi ni Olive. Ang ingay talaga nito. Kaya hinayaan nalang namin siya kasi naki tsmismisan naman kaagad siya kay Tin.Weird talaga ni Olive.

"Tungkol ba ito sa nangyari nung isang araw?" Tanong naman Mia.

"Ewan ko. Hindi kasi sana ako umasa eh." Malungkot na sabi ko. Naiiyak talaga ako. Kasi naman kahit ang angas ko nasaktan din ako kasi umasa ako. Oo, umasa ako kasi nahulog na ako kay Marcus. Mukhang mahal ko na nga eh.

"Hoy Sky! Practice daw after lunch sabi ni Coach! Wag kang late ha! Excused tayo sa afternoon classes." Sabi ni Marcus ng dumaan siya dito sa table namin. Nandito kasi si Sky eh kasama si Olive.

"Oy! Teka, sabay na ako!" Sigaw ni Sky.

"Tsk. Bilis!" Naiinip na sabi ni Marcus. Ano bang nangyayari sakanya?

"Crackers! Una na ako ha? Kita nalang tayo mamaya!" Sabi ni Sky kay Olive sabay halik sa noo. Tangina! Dito pa talaga ha! Bitter ako! Leche. At ang malanding kaibigan naman namin ay agad na nagblush! Aba aba!

"What the fck? Crackers? Seriously?" Sabi ni Yanna sabay irap. Yung iba naman sa barkada eh mukhang pinipigilan lang ang tawa.

"Whatever!" Sagot niya naman. Eh halata namang hindi pa siya nakaka get over sa sweet moment nila ni Sky niya.

Tapos, eto pa ha! Wala talaga ako pinansin man lang ni Marcus! Kahit tingin wala talaga! WALA!

Tinignan nila ako nung umalis na sila Marcus. Yung tingin nila na parang naaawa sila saakin. Pero ayaw ko talaga na ganyan yung tingin nila saakin. They make me feel weak and I don't like them to think that way.

"Alis muna ako. Pupunta pa pala ako sa library." Sabi ko para maka alis na dito.

Papunta na ako sa library ng makasalubong ko si Cj.

"Cess, can we talk now?" Tanong niya.

"Sure. Sa library nalang siguro? Hihiram kasi ako ng libro eh." Sabi ko.

"Okay. Let's go." Sabi niya at sabay na kaming pumunta doon. Hinayaan ko nalang yung awkward feeling. At ng makarating na kami sa library ay doon kami pumunta sa pinakadulo.

"So, ano nang pag-uusapan natin?" Sabi ko while smiling para kunwari cool lang. Chill lang, Cess. Huwag pahalata na kinakabahan.

"Gusto ko lang pag-usapan natin yung nangyari dati." Sabi niya. At mas naging awkward pa pero whatever. I really want to know.

"So, you wanna talk about the PAST? That's why it's called past, Cj. Past, kasi tapos na. Nangyari na. Decisions were made. Chances were wasted. It's done. We're done. Wala ng dapat pag-usapan" Sabi ko and gave him my sweetest smile.

"Cess, you need to hear me out. You didn't even gave me time to explain! Now, I'm trying to explain. But you won't fcking let me!" Sabi niya at medyo lumakas yung pagkasabi niya nun. Mabuti nalang nasa dulo kami.

"Really? You don't have to explain. Alam ko naman eh. Saan pumunta yung trust ko? Nawala diba? Kasi ginagago mo ako! Akala mo naman kasi madali lang? Hindi CJ! Hindi! Mahirap!" Sabi ko. Syempre kahit gustong-gusto ko na mag explain siya pata maintindihan ko na at may closure, dapat medyo pakipot pa. Hahahaha! Joke! Dapat seryoso.

"Can you please just shut your mouth and listen? Okay, I'm sorry for being harsh pero pwede? Just please let me explain." Sabi niya saakin. Natahimik naman ako.

"Okay."

Affinity AnamnesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon