*Princess' POV*
Bati na kami ng mga bestfriend ko. Teka nag away ba kami? Huh? ewan basta ayos na kami at naiintindihan naman nila ako kahit di nila alam kung anong nangyari sakin last week. Ang bilis no? Bff kami eh TRUE FRIENDS.
"Hoy Tin!" Sigaw ko sa kanya.
"Ay Fedrick! Ano ba Cess ba't ka ng gugulat diyan?" Inis na tanong ni Tin
"Uhm. Wala naman. At bakit parang inis na inis ka ha? Dahil naputol ang pag de-daydream mo?Kanino nga ulit yun? Fedrick?" Pang-iinis ko sa kanya.
"Oh talaga? Kadiri! Saksak mo sa baga mo! Bahala ka na nga!" Sigaw niya sabay walk-out.
"Pffffft! Hahahahahahahahaha" Tawa ko.
"Oh, anong nangyari sa'yo? Tawa ka ata ng tawa diyan? At anong ngayari doon?" Sabi ni Riane sabay turo niya kay Tin na palabas na ng room
"Hahahaha. Wala naman. Anong meron sa kanila ni Fedrick?" Tanong ko. Eh, chismosa ako eh.
"Ewan ko dun sa babaeng 'yon.Ayaw aminin eh. Pero feel ko may something." Sabi niya.
"Ikaw naman Cess. Anong meron sainyo ni Marcus?" Tanong ni Sam. Ano nga ba kami ni Marcus?Hindi ko na rin alam eh. Kasi minsan parang di kumpleto ang araw ko kung wala siya at kahit parati niya akong inaasar at binabadtrip ay masaya ako basta nandiyan siya. Basta ganyan yung feeling. Isang buwan palang kaming magkakilala pero kumportable na ako sakanya. Pero ayokong mag assume na its something serious, maybe naguguluhan lang ako.
"Wala? Magkaibigan lang naman kami." Sagot ko nalang.
"Ah, ganyan pala pag friends ha? Friend pala pag tawag sa'yo 'babe'? Friend pala tawag pag hinahalikan sa cheeks? Friend pala tawag pag sweet? Kulang nalang maghalikan kayo eh."Sabi naman ni Sam.
Magsasalita pa sana ako ng magsalita ulit siya. Ay bastos.
"Uy teka! Nag kiss na pala kayo diba? Ano cess? Friends pa ba tawag mo dun?" Sabi niya
"Wtf? Hindi naman 'yon sinadya. Pinaalala mo pa eh! Tss." Masungit kong sabi.
"Uy! Kinikilig! Hahahahaha!" Asar nila. Andito na pala si Tin, nang-aasar na.
Magkukulitan pa sana kami ng dumating si...
"C-Cj" Nauutal kong sabi. Ba't siya nandito? Di dapat ako nauutal eh. Dapat okay na. Dapat talaga.
"Diane, can we talk? Privately." Seryosong saad niya. Diniinan niya pa ang pagkakasabi ng 'privately' ha. Tsk. Sipain ko mukha niya eh. Tiningnan ko ang mga kaibigan ko pero ningitian lang nila ako at umalis na.
Pumunta muna kami ni Cj sa garden para nakapag-usap na.
"So, anong pag-uusapan natin?" Tanong ko. Hindi ko pinahalata na nakakabahan ako sa presence niya. Ayokong makita niya na medyo gusto ko pa siya.
"Gusto ko lang sanang--" Hindi na naituloy ni Cj ang sasabihin niya ng tumunog ang phone ko.
"Sorry. Wait lang sasagutin ko lang 'to" Sabi ko. Tumango naman siya kaya sinagot ko na nga.
"Hello?" Sabi ko.
"Classroom, now!" Ma-otoridad niyang sabi. Sabay baba ng tawag.
"Cj, sorry ha. I really have to go. Importante lang." Sabi ko.
"Pero hindi pa tayo nakapag-usap" Sabi niya.
"Sorry talaga. We can talk next time naman. Importante lang talaga. Sige bye" Sabi ko and I smiled at him. Wow, ang lakas ko yata ngayon ha.
"Ah, sige next time nalang. Bye!"
Umalis na ako at pumunta na ng classroom. At may nakita akong hindi ko inasahan.
Third person POV
"Ang tanga mo naman tol. Bakit hindi mo kinuha yung number?"Sabi ng lalaki sa kaibigan niya.
" Malay mo baka yun parin ang number niya. Kilala ko yun hindi yun nagpapalit ng number" Sabi naman niya.
" Malay lang 'yan 'tol. Hindi sigurado. Atsaka sa pagkakaalam ko nagbago na siya. Yan ang usap usapan dito" Sabi naman ng kaibigan niya.
"Psh. Wala namang masama if I try bro" Sabi niya naman.
"Ewan ko sa'yo tol. Do you expect pa ba na babalik 'yon sa'yo? Ang gago mo brad. Papaasahin mo, Iiwan mo, sasaktan mo and then babalikan mo naman.Do you expect na babalik pa siya sa'yo? Teka, naging kayo nga ba?" Sabi ng kaibigan niya na nagpatahimik sakanya.
BINABASA MO ANG
Affinity Anamnesis
Novela Juvenil"Enjoy your life, for everyday you encounter is a blank page that you need to write upon. Time will come when we finally stop writing, and come to the point where we reread all that we have written" -JD