Oy C,

Hindi ka ba nasistress ngayong February? Like duh! Tambak kaya tayo ng assignments at projects tapos idagdag mo pa 'yung sandamukal na practices para sa Junior and Senior Promenade or JS Prom natin. Ako nga, halos magkandaugaga na kakaisip kung kailan 'to ipapasa and eklabu eklabu pero alam mo 'yun, tuwing nakikita kita sa mga sitwasyong stressed ako, naaasar ako. 

Kasi 'yung itsura mo lagi? Kalmadong-kalmado.

'Yung tipong pag tumitingin ako sa'yo, parang walang problema. Parang walang stress. Ganun. Kaya bilib ako sa'yo e. Hindi mo kasi pinoproblema ang mga bagay na hindi naman dapat problemahin. In other words, you just liked to take things easily. Chill ka lang, kaya nagiging inspirasyon kita sa bawat aspeto ng buhay. Nakakainggit. Haaay. Pero alam mo? May nabalitaan ako sa'yo these past few weeks.

Naghiwalay na raw kayo ng girlfriend mo.

Sobrang broken ka these weeks. Kung kailan buwan ng pesteng pag-ibig, tsaka ka pa nabroken. Kung kailan dapat inspired na inspired ka na, tsaka ka pa nawarak slash nasira. Paano ba naman kasi? Biglang nawala 'yung feelings niya sa'yo at ayaw na niyang piliting ibalik pa. Eh anong nangyari sa'yo? Nganga. Basag. Sira. Lunok bubog ka nalang, pakamatay na this. 

Sobrang lutang ka a day after nagbreak kayo. Para ka nga nung kaawa-awang tuta na iniwan na mommy dog mo e. 'Yung itsura mo pa nun, parang maiiyak na sabog. Hindi ka masyadong makapagfocus din sa lessons kasi syempre, heartbroken. Tapos eto naman ako, walang magawa. Aba't tropa mo lang naman ako. Mas marami kang kaclose sa classroom at sila ang nilalapitan mo. May magagawa pa ba ako dun? WALA.

But somehow, may part na ikinatuwa naman ako dun sa nangyari. 'Yung 'yung fact na nagbago ka. Unlike before, namamansin ka na. Hindi ka na masyadong nahihiya sa'kin. Pinagtitripan mo na ako nang bongga kahit ano pang asar sa'tin ng buong classroom. Wala kang pakialam kasi alam mong tropa tayo. Tanda mo ba nung Filipino time?

Tapos na kasi ako gumawa ng summary ng kabanata 1-15 ng Noli Me Tangere kaya nag-aasta supervisor ako nun sa room. Nangki-criticize pa nga ako ng gawa ng iba e. Simpleng lait lang. Hahaha. Nakaupo na ako nun sa tabi ng isang classmate natin para mang-asar nang i-offer mo 'yung mga kamay mo para makipag-apir.

"Apir." sabi mo sabay abot ng kamay.

"Tropa 'yan e." tinugon ko naman ang kamay mo.

Then sakto, nagdikit 'yung mga kamay natin sabay tumawa ka. "Ay bastos." Nasambit ko nang di oras.

Paano ba naman? Dinikitan mo pala ng glue 'yung mga kamay mo para mantrip ng iba! Agad kong ipinahid ang glue sa uniform mo pero mukhang wala ka lang paki. Sabagay, hindi naman kasi ikaw ang naglalaba ng uniporme mo. May yaya kayo ata e. Rich kid much.

"Kadiri ka. Akala ko ba tropa tayo?" sabi ko.

Ngumiti ka, "Boring ang tropa kung walang trip."

"Gusto mo masungalngal nang di oras?" tinapat ko nang pabiro 'yung sign pen sa mukha mo.

Halos magtilian na 'yung mga kaklase natin sa paligid. Kesyo ang sweet daw namin at di na nila ma-take. Marami ding sumusumbat sa'yo na ako nalang kasi dapat ang pinili mo. Kesyo di raw kita sasaktan at iiwan. Yuck. Ang korni nila. Nakakainis lang. Broken na nga 'yung tao, sinusumbatan pa. Ang masaklap pa, nadamay ako. Tsk. Pero C, sana hindi ka na magbago ah? Sana ganyan ka parin kahit magkaroon ka pa ng isang libong girlprens. Sana tropa parin tayo to infinity and beyond.

Kahit tropa lang. Kahit hindi na bestfriend. Sana man lang.

Kasi feeling ko, balang araw, malilimutan mo na ako. Pakiramdam ko, after 20 something years, mawawala narin ang lahat nang 'to sa ala-ala mo. Eh importante pa naman sa'kin ikaw kaya nga I'm keeping track of all our bittersweetspontaneousyuckypaasa moments. Sige, matutulog na'ko. Baka kung ano pang maisiwalat ko dito. 

Goodnight.

Galing kay,

A

Ps. Salamat sa pagboto sa'kin sa Supreme Student Government! Hahahahahahaha 

Para sa PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon