Para kay C,

Wala lang. Pakiramdam ko bored ka na pag kausap mo'ko. Usually, siniseen mo lang ako o iniignore. Pero C, alam mo, may epekto 'yun sa'kin e.

Kasi feeling ko pati yung pagiging tropa, unti-unting naglalaho. So ano? Hanggang friends nalang? Then next year, strangers na ang turingan? Matanong ko lang ha, kahit papaano ba may importansya ako sa'yo? Kahit papaano ba, naiisip mo rin kung may problema ako or whatsoever? Kasi ako concerned din ako sa'yo. Ang unfair mo naman.

"Lol. Kahit sino naman maiinlove sa'yo."

Tanda ko pa nung sinend mo 'yan sa'kin sa chat. Nakaprintscreen parin nga sa'kin 'yan ngayon e. Naeencourage kasi ako at tumataas ang self-esteem ko pag nababasa ko 'yun. Pero kung kahit sino maiinlove sa'kin, bakit ikaw ni crush, walang naramdaman sa'kin? Ugh.

Ang unpredictable mo talaga C. Hindi kita mabasa. Di ko man lang malaman kung totoo ba yung excuses mo na offline ka lang kaya naiignore mo 'yung messages ko.

Excuse me? Kahit ako naman binubuksan ko parin 'yung messages ng kahit sino kapag nag-online ako sa sitwasyong ganon. Ang sabihin mo, wala ka lang talagang pake.

"Sabay tayong tatanda?" Sabi mo sa chat.

"Feeler mo."

"Alam ko namang crush mo'ko eh."

Sinend mo 'yan sa'kin recently. So hanggang ngayon, iniisip mo na may feelings ako? Nakakasuya ka. Siguro tingin mo, kaya kita pinipm para mas maging close at magkapoints ako sa'yo? Ganon?

Well C, just to let you know, I'll never send you a message again ... unless it's you who sends a message first. Matuto ka namang magfirst move sa tropa mo kahit minsan lang.

I'm so tired of this.

A

Para sa PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon