Panglimang sulat

234 4 0
                                    


Panglimang sulat 11/2/14

Para kay C,

Sorry kung hindi ko napaninindigan ang pagsusulat ng araw-araw dito. Oy, tao rin naman ako noh! Nagiging busy rin. Tsaka, ano naman sa'yo ngayon? As if may pake ka sa mga pinagsusulat ko dito. Alam ko naman na mas gugustuhin mo pang magdota nalang kaysa basahin ang pagkahaba-habang sulat ko dito sa wattpad.

Wala naman akong halaga sa'yo, hindi ba?

Para sa'yo, isa lang akong hamak na classmate. Isang hamak na babaeng naging seatmate mo at hanggang ngayon ay inaasar sa'yo. Sorry sa pagdadrama dito ha? Pambawi ko narin 'to sa birthday mo na wala akong gift at contribution man lang para sa cake na binigay ng buong section natin sa'yo.

Asan na nga ba ako? Ah oo, dun sa nagbago ka na. Ah, tanda ko kasi nun nung lumipat ka na ng upuan, 'yung malayong-malayo sa'kin. Badtrip naman kasi 'yung president nating pagong eno? Bakit ba kasi siya ang namimili ng seat plan? Sana sa simula't-simula pa lang, di na tayo pinagtabi para everybody happy!

"Pumili ka A. Sinong gusto mong makatabi, si C ulit o si J?"

'Yan ang tanong ng president natin sa akin one time nung nagpaplano siya ng seating arrangement. Kilala mo ba si J? Hahaha. Diba 'yun 'yung kinakantyaw sa'kin ng mga kaklase natin nung first quarter kasi past crush namin ang isa't-isa? Epal lang ano? Parang di nako nasanay sa mga kaklase natin.

'Yung totoo? Hindi ko alam kung sinong pipiliin ko. Kung kay J kasi, awkward. Kung sa'yo, awkward din.Bakit? Kasi feeling ko nun, nagkakacrush ako sa'yo at gusto ko, hanggang dun lang 'yun. Hanggang sa paghanga lang. Nothing more. I'd like to stay focused still sa studies ko, of course.

"Ibahin naman natin 'yung arrangement ng seats. Lagi nalang si C at si A ang magkatabi e. Maiba naman."

Hindi ko alam pero medyo na-hurt ako diyan sa sinabi ni sir. Parang may bumubulong sa isip ko na paulit-ulit na 'Aw, di mo na siya makakatabi? Lungkot naman. Hurthurt' At dahil hindi ko naman priority ang pagkakacrush sa'yo, isinantabi ko nalang. Hayaan na lang.

Lumipas ang mga araw at hindi parin ako sanay sa seating arrangement. Medyo snob nga ko sa mga naging katabi ko e. Nakakapagtampo lang kasi. Nalipat ka lang ng upuan, parang nalayo ka na sa'kin este sa tropa, C. Lumalapit ka lang sa may amin pag nanghihiram ka ng ballpen o nanghihingi ng pagkain. At dahil katulad mo rin ako na isang dakilang buraot, hindi mo ako nalalapitan na noon. Oo, alam ko. Ano nga namang mahihingi mo sa'kin kung ako mismo, nanghihingi? Talino mo pre.

Hindi ko alam sa brains ko pero dumating ang himala sa'kin noong isang araw nun. Hindi na ako nanghingi at bumili ako sa canteen ng pillows for recess. At ikaw naman, lapit agad! Akala mo, bibigyan kita nun. Imbis na bigyan ka, inilayo ko ang Pillows sabay sabing,

"Pagkatapos mong hindi mamansin, may gana ka pang manghingi sa'kin? Kapal!"

Tumawa ka lang nun at nagtampo. Sinabi mo sa'kin na nagbago na ako. Gusto kong matawa sa sinabi mo. As in 'yung hagalpak. 'Yung evil laugh ng mga mangkukulam, gusto kong gawin. AKO? NAGBAGO? Bakit? Sino ba ang nagbago ng kaibigan? Sino ba ang nagbago ng kakwentuhan? Kanino ka na ba nakikipagbunong braso at nagpapamasahe ng kamay? Diba kay ANO na? Kay ANO? Ugh, kilala mo na 'yun, C. I don't need to elaborate her more further. Malalandian lang ako. Oh please.

But still, you can't escape the fact that you've changed ... for the worse.

Still payat and maganda,

A

Para sa PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon