Oy C,

Wala na dapat akong balak ituloy 'to kasi feeling ko, wala nanaman akong nararamdaman para sa'yo pero some wattpad user just encouraged me to do so at this moment.

Ang dami nang mga araw ang lumipas, tropa. Ang dami nang nagbago nung nawala 'yung mga classes. Nakamove on ka na sa girlpren mo. Hindi ka na umaasang babalikan ka niya at eto ako, nagfafangirl sa twitter.

Pero ang pinakahindi ko ineexpect ay 'yung nagiging open ka na sa'kin this summer. Mas nagiging komportable ka nang magshare sa'kin ng mga past mo.

"Eh paano pag sinabi niyang nasanay lang siya na mangseen? Anong ibig sabihin nun?" Tanong ko sa'yo sa chat.

Sumagot ka naman, "Hmmmmmp baka walang meaning sa kanya yon"

Sa chat lang tayo ngayon nagiging close. Alam natin na tropa talaga tayo diba? You even promised to treat me that chocolate bomb you showed me sa birthday ko. Habang tumatagal, natututunan ko nang maging mabait sa'yo. Mas natututunan ko nang intindihin ka at nakakaoverwhelm pala pag ganun. Kadalasan, nagpapaadvice ako sa'yo about sa crushes, life at kapeymusan. Mas may alam ka kasi dun kaysa sa'kin.

"HAHAHAHAHA sorry na C. Ang hirap lang kasi pag feeling mo walang pake sayo yung tao." Sabi ko pa.

"Crush mo lang naman ehh, hahaha okay lang yan."

See? Ikaw din ngayon ang nagtuturo sa'kin na huwag seryosohin masyado ang crush life kasi masestress lang ako. Unti-unti kong natutunan na I should set my focus on some other things. Thanks to you.

"Tas hindi ko talaga kaya, ni chat ko siya, pero friends nalang, ayun ginawa kong way yon para maka move on, hahaha parang ang saya saya ko pag nakikita ko pangalan niya sa inbox ko nun" kwento mo.

Napapangiti ako pag ang hahaba ng kwento mo sa chatbox. Natutuwa kasi ako na pareho na tayong sanay sa isa't-isa. 'Yung wala nang hiyaan, inis, false hopes. Ganun. 'Yung bagong simula. 'Yung kuntento na tayong confidant ang isa't-isa sa mga bagay-bagay sa buhay. Mas magaan pala sa pakiramdam no, C?

Kinwento pa nga kita minsan sa bestfriend ko last month, "Oo bes, nakakachat ko na 'yun lagi. Ang kulit nga e. Nakakastress."

"Ayieee. Baka bumabalik na feelings mo kay C. Crush mo na ulit no?"

"Asa." sambit ko sa cellphone ko na sinundan ng tawa. Natatawa na lang ako kapag naiisip 'yung mga kabaliwan ko sa'yo noon. Ang immature ko talaga.

"Sus. Kinikilig ka nanaman."

"Hindi ah. Tingin ko mas kuntento na ako sa kung anong meron kami ngayon. Hindi na'ko umaasa pa."

And it's true C. I'm happy on how things work between the two of us. Friends. This way, I see who the real C is. 'Yung concerned, maraming experience and full of humility. In this way, I'm seeing the good side of you more and more as days go by. Hopefully then, we'll be classmates next school year.

Thank you for the memories. I will surely cherish this in my very best way. Salamat C.

May gusto na ba kong iba? Wala na. Sumuko na'ko sa crush kong wala nang ginawa kundi i-seen ako. Magugustuhan pa ba kita some time in the future? Maybe. Babalik pa ba ang feelings ko? We'll see to it. Hindi natin mapapangunahan si God. Kakalimutan kita? No way. Ittreat kita? Yes, after 30 years C. Asa ka naman. Haha joke. Yes, sa incoming school year. Is this the end? Maybe no. Kahit college na'ko, magsusulat parin ako ng mga bagay tungkol sa'yo because you're that worth it.

Sincerely,
A

Para sa PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon