Pang-apat na sulat

284 6 0
                                    


Pang-apat na sulat 10/31/14

Para sa'yo C,

Hi, hello. Kumusta ka na?

Hindi ko alam kung ano ang nagtutulak sa'kin na sumulat nang sumulat sa'yo. Siguro kasi sembreak na at namiss kita. Hahaha, oy ikaw ha. Namiss mo raw ako sabi nung isa nating classmate e.

Oo nga, namiss mo'ko pero kapag nandiyan ako, parang wala lang naman sa'yo 'yung existence ko. Parang wala narin naman 'yung pinagsamahan natin sa loob ng tatlong buwan. Para lang akong masamang hangin na galing sa kuya ko pag nagkikita tayo.

Kasi pagkatapos ng tatlong buwan na 'yun, nagbago ka. Porket naglipatan na ng upuan, di mo na ako papansinin gaya ng dati? Seriously C, namimiss na kita. Sobra. Oo, malands na kung malands pero namimiss ko 'yung mga panahong minamasahe ko 'yung kamay mo. Haha. Napakaimmature natin ano?

At hindi lang tayo seatmates ah, partners pa tayo sa Math.

Ang grades natin, nakadepende sa isa't-isa. Namimiss ko 'yung pagcheer ko sa'yo dati nung ikaw na ang sasagot para sa recitation natin, C. Tanda mo pa ba nun nung hindi mo alam 'yung sagot at solution tapos sinenyasan kita na tumingin sa board. Then ang resulta, nakatama ka! Tuwang-tuwa ako -- hindi tayo pala para sa isa't-isa nun. Halos magtatalon na nga ako sa saya e. I mean, oo. Matalino ako kaya usually, ako ang sumasagot sa mga problem solving na binibigay ni sir pero ikaw ang madalas nakakakuha ng shortcut techniques para masolve 'yung mga problems na isa sa mga dahilan kung bakit tumaas ang grades natin sa recitation nun.

Ang galing mo C. Proud ako sa'yo.

Actually, matalino ka naman e. Umiiral lang ang katamaran mo all the time. Grabe kaya nung partners tayo sa Math. Sabi nila, powerhouse raw tayo. Sobrang nakakatuwa ka este 'yung mga araw na ang close close pa natin. 'Yung tipong, minsan shine-share-an kita ng mga hinanaing ko sa buhay gaya ng 'Uy, alam mo nakakainis si ganito kasi ang epal niya ngayon sa crush ko'. Kahit mga simpleng daldal ko lang, pinapakinggan mo. At nakakatouch 'yun ha. Kasi I was more of a speaker, not a listener. I liked to express myself kasi 'yun 'yung pinagkait sa'kin dati. Limited lang ang pag-eexpress ng sarili ko sa bahay.

C, namimiss na kita. Sana bumalik ka na sa dating ikaw. Para nakong ewan na nagsusulat ng drafts dito sa wattpad dahil sa'yo oh.

Nagmamaganda,

A

Para sa PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon