Jan. 4, 2015

221 4 0
                                    

Hi C,

   Hindi ko alam kung sadyang epekto lang 'to ng dancing lights na napanuod ko sa Ayala nung Pasko, kung masyado bagong naapektuhan ng pork siomai na kinain namin nung birthday ng kapatid ko o ano. Akalain mo 'yon, pagkatapos ng pangingialam nila at pagkarindi ko, pinagpapatuloy ko parin ang pagsusulat ng sulat para sa'yo. Sorry kung di man naging consistent. naPUK kasi 'yung cellphone ko kaya wala nakong magamit pang-update dito sa wattpad. Teka, bakit ko ba 'to chinichika sa'yo, wala ka naman talagang pakialam sa'kin diba? Para sa'yo, isa lang akong hamak na hangin. Hahaha, san ko daw nakuha yon? Hahaha

   Sa totoo lang, dapat sa birthday mo ngayong 2015 ko 'to ibibigay. Mahal na kasi ang mga polo shirt ngayon kaya ito sana pangbirthday gift. Hahaha. kaso nasira nila 'yung plano ko e, pano ba 'yan? Naalala ko tuloy 'yung mga panahong sobrang crush kita. Yung tipong sa mga simpleng bagay na ginagawa mo, sa'kin mabibigat na meaning na. Siguro kasi nung mga panahong yon, mahalaga ka talaga sa'kin nang sobra.

   'Yung katulad nung hiniram mo nun 'yung English book ko kasi magrereport kayo at nawawala 'yung iyo. Ang ireponsable mo kasi e, badtrip. Enjoy na enjoy pa ko nun manuod sa'yo habang nagrereport. Natutuwa ako kasi kahit papaaano nagsstrive hard ka para maachieve ang high grades. Kaso pagkatapos mo, tinanong ko kung nasaan na yung libro ko. Bigla kang nagfreak-out. Luminga-linga ka sa paligid sabay tumawa.

"Hoy, nasaan kasi 'yung libro ko? Nawala mo 'no?"

     Binalingan mo ako ng ngiti sa mga labi at umiling. Patuloy kang nag-ikot sa classroom. Nawala mo nga. Nalaman ko base sa pag-arte mo. Parang may kumirot na something sa may dibdib ko. So talagang wala lang akong halaga sa'yo? Halatang-halata na oh. Nakakainis ka. Mangiyak-ngiyak kitang tinitingnan nun. Inasar naman ako nung seatmate ko na ang babaw ko daw. Iniiyakan ko daw 'yung libro ko. Kesyo napaghahalataan daw na nerd at bookworm. Pero peste lang, hindi yung libro yung iniiyakan ko. Pwede naman kasi mapalitan 'yun ano.

     Ang masakit kasi dun eh yung katotohanan na ipinamukha mo sa'kin -- na wala talaga akong importansya sa'yo. Gamit ko nga di mo napahalagahan, ako pa kaya? Ang sakit. Ang hapdi sa pakiramdam na ewan. Puro ka sabi ng pambobola sa'kin nun para gumaan ang pakiramdam ko pero hanggang sa magrecess na, wa-epek parin. Alam ko namang hanggang kasingungalingan at paasa ka lang, diba?

"Oh ito na, nahanap ko na."

     Nakita ng isang classmate natin kalaunan 'yung libro pero di parin talaga sapat yun nang iabot mo. Bakit? Alam mo ba kung san niya yun natagpuan? Sa lapag. Sa sahig kung san naapak-apakan na. Napakaewan mo. Paano mo naafford na saktan ako? Grabehan lang. Easy-han mo lang, nakakasakit na e. Ang sarap mo nun murahin kaso naisip ko na wag nalang, baka masuspend pa ko, mahirap na. Baka masira pa 'yung dignidad ko plus mabura pa ang chance ng pagkakaroon ng clean record sa chaplain slash guidance office.

    Buti ka pa nga e, parang ang laya-laya mo. Parang nagagawa mo lahat ng gusto mong gawin. Parang ang saya. Samantalang ako, di ko 'yun nagagawa for some reasons. Siguro -- siguro lang ha, baka 'yun yung bagay na nagustuhan ko sa'yo. Kasi nagagawa mo yung mga bagay na hindi ko pwedeng gawin. Pag tinatamad ka, nakakatulog ka sa klase. Pag di mo trip, di mo sinasagutan yung assignment or quiz. Ako kasi, nabubuhay sa expectations. Bawat kilos at galaw ko, maraming nakatingin. Di ako pwedeng magkamali. Di ko pwedeng ibagsak nalang basta-basta ang quizzes or seatwork, di ako pwedeng magsabi nalang ng bad words or kaechusan. Pero ikaw, isa ka sa mga taong hinahangaan ko -- kasi nagagawa mo kung ano yung gusto mo at kung anong nakakapagpasaya sa'yo.

   By the way, kumusta na kayo ng girlpren mo? Yung taga-ibang school? Balita ko, staying strong kayo ha? Yiee, kaya mo yan tropa. Walang titibag. Nandito lang ako para sainyo -- pati ang sulat ko. hahaha. Sige, matutulog na ako.

Natatawa,

A

Para sa PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon