January 6, 2015

172 5 0
                                    

Hi C,

  Nakakain ka ba nung panis na hotdog na binibenta sa canteen? Eh naamoy mo ba ‘yung kili-kili ng classmate natin na itago natin sa pangalang – ugh, wag na nga. No dropnames allowed, may mga kaklase nga pala tayong nakakabasa nito up until now. Pati sa ibang section, kumakalat narin ‘to. Hindi ko nga alam kung bakit may nagkakainteres sa patapong sulat ko sa’yo e. Akalain mo ‘yun, basura na nga, binabasa pa nila? Ang blessed ko talaga. Anyway, let’s go back to the questions. Naamoy mo ba ‘yung singit nung asong kalye na pagala-gala sa may kanto malapit sainyo? Nasipsip mo ba ang kanal na dinadaanan mo lagi pauwi galing school?

    Kung hindi, patuloy ako mangangamot ng ulo ngayon kahit wala akong kuto. Kung oo, gets ko na. Gets ko na kung bakit napaka-mean mo sa’kin nung mga kapanahunan ng December. Sa mga panahong. Hindi mo pa nababasa ang pesteng sulat na ‘to. ‘Yung mga panahong pume-fade away na ang feelings ko para sa’yo. Nuks, fade away talaga? Ang korni ko lang talaga.

    Eh bakit ba kasi ang mean mean mo sa’kin. ‘Yung tipong iniiwasan mo ako nung December? Sure akong di ka nahihiya, walanghiya ka kaya tsaka alam kong sanay ka na sa mga asar ng mga kaklase natin. Duh! Mahilig ka kaya mang-asar kaya obviously, prone ka na sa mga ganun. Pero simula nung may kumalat na nililigawan ka na sa kabilang cheap na school este school lang pala, nagsimula ka nang maging mean. Kahit wala naman sa intensiyon ‘yung paglapit ko sa’yo, nilalagyan mo ng meaning. Ang sensitive ha. Feeling mo naman. I’m trying my best kaya to delete, remove, destroy my feelings from you. Kasi nga diba, tuwing mag-aapir tayo habang nagkakasalubong sa daan, magkasabay natin sasabihin ang mga katagang,

“Tropa lang, walang talo-talo.”

    Noong un among sinabi ‘yan sa mga classmate nating nang-aasar, of course, nasaktan ako. Kahit sino naming babaeng umaasa, masasaktan. Ano ‘yun? Manhid lang? Walang pakiramdam? Pero sabi nga ni Hannah Mae este nila, mas magandang maging MANHID kesa maging ASSUMERA. Tama naman, at least sa huli, di ka masasaktan. Saya lang.

    Lumipas ang mga araw at nasanay narin naman ako sa katangang ‘yan. Baka nga mas namemorize ko pa ‘yan kesa vision at mission ng school natin e. Halos araw-araw ba naman kasi. Ang hindi ko lang naman talaga ma-take eh ‘yung pagkasensitive at over-acting mo. Take for example, makikiupo lang sana ako nun sa tabi mo kasi wala kong maupuan nung manunuod ng music video para sa values, inilayo mo agad ‘yung upuan sabay sabing, bawal ako. Aba’t feeling mo naman intensiyon kong tumabi sa’yo? Kapal ng face ha. Ilang epidermis meron ka? ‘Yung totoo? Walang lokohan? Tss. At syempre, dahil nga daw brutal ako sabi ng nanay ko, nilakihan kita ng mga mata at sinabing “Problema mo? Alisin mo ‘yan.” In a cold tone para matakot ka at agad-agad mo naming inalis ang kamay sa upuan tsaka ako nagsitting pretty. Wala ako nung pakialam kahit may mga nakakita sa katarayan ko sa’yo. Gusto ko lang, matuto ka ng leksyon mo.

    By the way, alam mo na naman hindi ba? Na kapag nagkacrush ako, kumakalat agad? I’m sure alam mo ‘yan C. Iba na kasi talaga pag madadaldal ang mga bestfriends at close friends mo. ‘Yung tipong onting chika mo, kalat na kalat na sa buong grade level in just 2 days. Maraming nagsasabi na hindi raw ganun ang true friend pero ewan ba, hindi ko sila kayang iwan. Feel ko na I’m so attached sa kanila. Ikaw kasi, masikreto ka e. Hindi ka ‘yung outspoken gaya ko. Oo, madaldal ka pero ‘yung mga sikreto mo, tinatago mo lang sa sarili mo  kaya sa super closest friend mo na hindi talaga magdadaldal.

    So anong konek? Syempre, dahil medyo natauhan na’ko na isa ka lang nana na tinubuan ng kasinungalingan at paasa, nagkacrush ako sa iba. Kumalat naman agad. Simula nun, nawala ang asaran tungkol sa’tin. Alam mo ‘yung tipong tropa tropa nalang talaga. Ay wait, tropa nga tayo sa term na declared lang pero hindi na tayo ganong nagpapansinan. Hindi ko alam kaso parang namimiss ko na ata ‘yung maliit na C na naging seatmate ko? Feel ko kasi na parang long lost brother ko ‘yun e.

Patuloy na stucked sa past,

A

    

Para sa PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon