January 7, 2015

164 3 0
                                    

Oy C,

    Hindi ko alam kung bakit parang may nagfforce sa'kin magsulat dito. Dapat kasi huminto na'ko sa point na nabasa mo e. Pero hindi e -- parang may something na gusto pa kong sabihin sa'yo. Hahaha, na ang panget mo? Joke. Baka magalit ka nanaman sa'kin tulad kanina tas walk-out-an mo ako o di naman kaya i-kwento mo sa girlfriend mo na taga-ibang school na baliw na baliw ako sa'yo to the point na gumawa ako ng isang non-fiction work sa wattpad na tungkol sa'yo.

    To be honest, nung nabasa mo 'to nung kalagitnaan ng school vacation, hindi ko alam ang irereact ng butsi ko. Oo, totoo. Ang hirap. Tingin ko kahit sinong matinong babae naman e. Like seriously, anong irereact mo kung malaman ng DATI MONG GUSTO na gumawa ka ng wattpad work na sulat sakanya? Buti nalang talaga walang pasok nun kundi baka naghalupasay na ako sa harapan mo at nalibre pa kita para lang patunayan na hindi ikaw si C at hindi ako si A. Na fiction lang talaga 'tong gawa ko and nothing more, na naisip ko lang 'yung characters sa isip ko. Kasi alam ko naman na walang importansya 'to sa'yo e. Alam ko naman na ako at ang ginagawa ko ay hindi naman mahalaga sa'yo. Kasi nga diba sinabi ko na sa'yo na isa kang nana na tinubuan ng pigsa este ng kasinungalingan at paasa.

     Isang typical day nung nagffb ako nun C, nagulat ako nang may tinag sa'kin si M. Parang picture siya na pinrintscreen. Tinitigan ko maigi nun 'yung picture tsaka ko narealize na itong wattpad work ko pala 'yun. 'Yung wattpad work ko na punong-puno ng kakornihan at collaboration ng kabaduyan. Mas lalong lumaki ang mata ko sa caption niya na "Naiintindihan na kita." or something like that. Syempre in return, kinalmahan ko lang ang comment ko at sige deny. Pero di mo ba alam na halos maiyak na'ko nang kumalat 'tong letters? Kasi alam ko namang kahit interested ang mga tao sa paligid, para sa'yo, wala lang 'to. Lalapit ka lang naman kasi sa'kin pag may kailangan ka.

Or so I thought.

     Medyo nag-iba ka nung pasukan. Hindi katulad ng last year, hindi ka na ganun ka-feeler. Lumalapit ka na sa'kin tapos kung hindi makikipag-apir, mang-aasar. Nililipat mo pa nga 'yung bench bath ko sa ibang upuan e. Tapos nagugulat nalang ako kapag lalapit ka tas tatanungin kung sino si C.

"Sino ba kasi talaga si C?" tanda kong tanong mo.

       Nakakainis ka, alam mo 'yun? Mahirap kaya umacting sa harapan mo. Kasing hirap ng paglilinis ng tae nung aso namin. Huhuhu. Nung mga panahong 'yun, medyo bumilis 'yung pulso ko. Pero dahil nga feeling matalino ako, pinakalma ko ang sarili ko sabay ngiti sa'yo in a sarcastic way at nagsalita,

"Oh? Nabasa mo 'yung work ko? Ang galing ko talaga magsulat." 

Medyo natawa ka deep inside pero sumagot parin, "Sino nga kasi si C?"

"Wala. Fiction lang 'yun. Wag kang magpapaniwala sa mga kalokohan ko." agad kong sagot at tumalikod sa'yo nang kinakabahan.

             C, hindi mo alam kung gaano ako sobrang kinakabahan tuwing tinatanong mo 'yung mga bagay-bagay tungkol sa non-fiction work ko sa wattpad. Ewan ko ba, pero parang napakabig deal sa'kin nun. kahit nga marami nang nakabasa nito from school at patuloy na inaasar ako, pinupush ko parin 'to na parang shunga lang e. Kahit nga medyo nagshshift na 'yung feelings ko, nagsusulat parin ako tungkol sa'yo. Gawain lang ng baliw, hindi ba? Oh sige, isugod mo na'ko sa Mandaluyong kinabukasan para masaya. Para wala nang mangunglit sa'yo. Para wala nang umaasa sa mga motibo mo. Para wala nang threat sa relationtrip este relationship niyo. Para wala nang magulo. Pasensya na ha.

               By the way, nagulat ako nang sabihin sa'kin this year ng kaibigan ko na parang pumifade away na talaga ang feelings ko para sa'yo. 'Yung tipong nakakatingin na ako sa'yo nang diretso with no desire este atrraction pala. Hahaha. Nakakausap narin kita nang diretso nang walang halong kilig. Good thing, right? Ang problema ko nalang e 'yung utak kong magulo. Hahaha, dapat ihinto na niya ang pagsusulat para wala nang maki-echos sa sulat ko e. Siguro C, natutuwa ka para sa'kin. Siguro masaya ka para sa'kin ngayon. Natutuwa ka ba at nagffade away na ang feelings ko? Naman! baka magpahanda ka pa sa inyo diyan e. 

                  Alam ko naman kasi na ayaw mo sa mga taong umaasa. Gusto mo, 'yung ikaw mismo ang magkakagusto to that certain kind of girl tapos tsaka nalang siya magkakagusto. Napakaconservative mo naman to the highest level. Ang swerte ng girlfriend mo sa'yo kasi siya 'yung first mo. Sana magstay strong kayo kahit anong mangyari. C, pwede ko pa bang ituloy 'to? Baka magalit siya pag nalaman niya e? Hahaha, sagot agad -- sa personal ha? Do me a favor by this. Thank you C.

Epal lang,

A

Para sa PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon