Hi C,

Ang dami na din palang nagbago ngayong panibagong school year no? Ang last school year na magkakasama tayo. Pero diba? Mas pinili kong lumayo sa inyo.

"Hi tropa!" tuwing dadaan ako at magkakasalubong tayo, di mo nalilimutan ang um-apir saken which by the way, brightens my day.

"Oy kumusta! Miss ko na kayo."

Di na tayo magkaklase. Nalipat kasi ako sa kabilang section e. Pero sa nakikita ko, di ka na masaya ngayon sa section mo gaya nung sa section natin dati.

"Eto malungkot. Iniwan mo na kasi kami e."

Namiss kita C. Namiss ko din kayo. Pero alam mo yung pinakanamimiss ko? Yung pagsasabi mo saken ng mga sikreto mo nung summer. Ngayon kasi, heartbroken ka ulit sa chixx mo pero di mo naman shinishare saken. Saklap diba?

Ang mas masaklap pa, di na tayo nagpepersonal message sa isa't-isa bagkus nag-uusap nalang tayo sa group chat ng old section natin madalas. Kung di pa kita ichachat, di mo pa ko maaalala. Ba't naman ganon tropa? Kalimutan na ba?

Pinagtagpo pero hindi itinadhana.

Siguro nga nasasanay ko na yung sarili ko na wala ka na sa buhay ko. Siguro nga, dumaan ka lang sa buhay ko para turuan ako ng leksyon. Siguro nga, di ka dumaan sa buhay ko para magtagal.

Kasi di naman natupad lahat ng pinag-usapan natin e. Yung promise kong libre sa pasukan? Nakalimutan na naten. Yung chocolate bomb sa birthday ko? Di naman natupad yun e. Nung birthday ko nga, dinaanan mo lang ako.

Ang saya diba? I hope this is not where this ends. Sana mabalik yung dating closeness.

Yun lang, bye. Pakasaya ka.

A

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Para sa PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon