January 18, 2015

118 2 0
                                    

Paalala: Ang mga mababasa sa ibaba ay puro kabbiter-an. Kung naniniwala kayo sa forever, better not read this one.

Para sa korning letter C,

Nakakaimbyerna ka. Nakakainis, nakakairita. Actually, you don’t even deserve these pieces of my kaeklabuhan. You don’t deserve all my efforts of typing all of these letters. You don’t deserve those trashy feelings I felt and lastly, you don’t deserve me. But anyway, who am I to say that I do not deserve you? Unlike you, isa lang akong NOBODY sa school at kung hindi lang naman ako nasa honor list, wala akong magiging kaibigan. Pero ikaw? Kahit wala ka namang maipagmamalaki, ang daming nagmamahal sa’yo. Oh well, exclude me.

Ugh, nagiging bitter ba ako masyado? Sabi nila, sign daw ‘yun na hindi ka pa nakakapagmove-on eh. But who cares? Alam ko sa sarili ko na nakapagmove-on na’ko mainly because I feel nothing for you anymore. By the way, just don’t mind my ka-english-an today. Dala siguro ‘to ng preaching kaninang umaga.

And speaking of preaching, nagchurch ka ba kanina o sinugod mo na naman ang pinakamalapit na computer shop sa inyo? Knowing you, alam kong you would choose the latter choice. Syempre, mas nag-eenjoy ka dun eh.

We’re different. As in, sobrang magkaiba tayo in all aspects of our lives.

 

Bookish ako, puro computer ka. Grade conscious ako, hayahay ka sa school. Complicated ang personality ko. ‘Yung tipong kahit na maliit na problema, iniiyakan ko gabi-gabi. Ikaw naman, chill lang. You take things lightly. Chubby ako, payat ka. Sabi nga nila, based daw ang lovestory natin sa law of Physics. Opposites attract.

Ang masasabi ko lang? Yuck. Pure Yuck. Like, ayoko na kaya sa’yo. Sa totoo lang, pinipilit pa nga ako ng teachers natin na magkagusto ulit sa’yo kasi mukhang lumalapit-lapit ka na daw ulit sa’kin pero eto naman ako, todo reject. Rejection. Kesyo ang sama-sama ko daw kasi sobrang nirereject kita but what more can I do? Bakit kita tatanggapin ulit na manghimasok sa buhay ko eh nireject mo na nga ako simula’t-simula pa lang? Ang galing mo nga e. Dapat sumasali ka sa mga talent shows. Talent mo na kasi ‘yung pagpapaasa sa mga tao habang nirereject mo sila paunti-unti.

Like seriously, kung ayaw mo sa tao, diretsuhin mo. Hindi ‘yung nagpapakita ka ng mga NAKAKADIRING motibo para hindi siya masaktan. Kung ako sa’yo, dapat diniretso o prangka mo nalang ako e. Ugh, nakakainis ka! Naaalala ko nanaman ‘yung pagkabaliw ko sa’yo nun dahil sa mga pekeng motibo mo.

“Oy E, punta lang ako sa CR ha. Hintayin mo ako. Sabay tayong umuwi. Babatukan kita ‘pag iniwan mo’ko.” Paalam ko pa nun kay E, which is ‘yung bestest friend ko na girl.

Huminga siya nang malalim bago sumagot, “Oo na, hindi pa ba ako nasanay sa’yo? Eh taong CR ka e. Hindi naman iihi, tititigan lang talaga ‘yung sarili sa salamin.”

Alam mo nung mga panahong ‘yun? Hindi ko naman talagang intensyong pumunta sa CR. Gusto ko lang naman tingnan ka na umalis sa school na kasama ang mga barkada mo. Korni ko lang diba? Nakakatakot lang talaga ako pag nagkagusto sa isang tao, halos maging stalker na. Anyway, saktong papunta ako sa CR ng makita kitang malapit sa may hagdanan. Pasimple naman akong sumusulyap at humahagikhik sa sarili ko. Hay, tuwing naiimagine ko ‘yung sarili ko, nalalandian ako. Tss.

Okay na sana e. Kuntento na ako sa pagsulyap sa’yo nang mahuli mo ako. Nagtama ang mga mata natin ng ilang segundo. Agad-agad akong pumasok sa CR nun. Hoy, ang hirap kaya magpigil ng ngiti nun. Sapakin kita diyan eh. After 5 minutes, lumabas narin ako sa CR. Syempre, nakapagwala na ako nun. Alam mo kasi C, pag kinikilig ang mga babae at wala ang bestfriend niya sa tabi niya, gagawa at gagawa ‘yan ng paraan para i-express ang kilig niya inside.

Akala ko, nakaalis ka na nun kaso sakto nang paglakad ko palabas ng CR, may narinig akong tinig, “A!”

 

Tila nagslow-motion ang paligid ko. Para ngang may background song ang mga pangyayari kasi feel na feel ko eh. Ang overacting lang talaga.

Lumingon ako sa’yo, “Oh?” sagot ko na hindi nagpapahalatang kinikilig.

“Wala.” At ngumiti ka sa’kin upang magpaalam.

Hindi mo alam ang epekto ng simpleng eksenang ‘yun. Hindi mo kasi alam ang epekto mo sa’kin noon. Hindi mo alam na ang maliliit na bagay na nagagawa mo para sa’kin, sobrang naappreciate ko nang todo. Kasi alam mo C, hindi mo ako pinahalagahan noon pa lang, Alam ko naman kasi na sanay ka nang nandito lang ako lagi para sa’yo kaya grabe ka nalang makatake-for-granted. Hindi mo alam C. Wala kang kaalam-alam. Badtrip ka.

Nagngingitngit sa galit,

A

Para sa PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon