January 13, 2015

150 3 1
                                    

Hi C,

     Kumusta ka na? Kayo ng girlfriend mo? Bakit parang wala nakong nababalitaan chika sa inyo? Ohmygee, sana naman di kayo naghiwala agad-agad. OA ba? Sorry ha, kasi parang ang panget pag first girlfriend mo tapos naglalaro lang kayo. Panget ang RELATIONTRIP. I'm telling you. Di mo man sabihin sa'kin, pero alam kong pinapahalagahan mo 'yung moments ng buhay mo -- lalo na 'yung mga firsts. Kaya nga kahit ang dami mo nang ka-MU or should I say kalandian sa iba't-ibang schools, ayaw mo pa nun mag-girlfriend.

    Hahaha, nabalik tuloy 'yung mga ala-ala ko sa'yo nung elementary ka pa. 'Yung mga panahong mukha ka pang bunot. Pano ba naman kasi, nag-full bangs. Ang korni lang. Tapos ang itim-itim mo pa nun, mas maitim pa sa ngayon. 'Yung ilong mo pa, sobrang pango. Di pa nun bagay sa'yo. Pero ang ipinagtataka ko lang, bakit sobrang nagkagusto ako sa'yo dati? Ang sabog lang. Don't worry C, hindi ko na aalalahanin 'yung elementary slash totoy days mo. Baka mahiya ka pa sa sarili mo. Gwapong-gwapo ka pa naman sa sarili. Ahem ahem.

    Mabalik tayo. Seriously? Anong nangyari sa inyo? Parang nung mga November at December, trending kayo ha? Tapos lahat pa ng picture niya sa facebook nila-like mo at nagko-comment ka pa ng "Apaka-qt". Hindi mo nga alam nung mga panahong 'yun na naging sobrang hater ako ng girlpren mo e. Tanda ko pa 'yung moment na kinikwentuhan ko 'yung mga teachers tungkol sa'yo e. Oo, secret keepers ko 'yung mga teachers. Pag free time nila, dadaldalin ko sila. No wonder na isang teacher din ang unang nakaalam na may gusto ako sa'yo noon. Patuloy ko pa nga ding naaalala 'yung post mo na tinag mo pa 'yung girlfriend mo e. Nung mga panahong 'yun, MU palang kayo.

Forever na kami.

    Lagi mo 'yang pinagdidikdikan. 'Yung klase natin sa TLE, nagiging debate at isa ka na sa mga rason kung bakit. Paano ba naman? Halos araw-araw niyong pinagtatalunan kung may forever ba o wala. Syempre, yung mga bitter, sasabihin wala tapos 'yung mga healthy 'yung lovelife na katulad mo, ipagtatanggol na meron. Dahil nga sa'yo, naging hater na'ko ng forever. Sinabi ko pa nga sa teacher natin sa computer noon na irereport ko 'yung mga post mo na may halong kalandian sa principal natin para ma-guidance office ka nang matauhan ka na. O di kaya nagpaplano pa ko minsan kung paano susunugin 'yung school ng girlpren mo. O diba? Hater much ang trip ng lola mo.

     Hay nako. Ano ba naman 'to C. Dahil sa pagsusulat ko sa'yo, ang dami kong naaalala. Siguro hindi pa sapat ang sulat na 'to para i-express kung gaano ako nabaliw sa'yo noon. Pero noon lang yun. As I've said, nag-improve na'ko ngayon. Ewan ko nga sa kaibigan ko e, di siya naniniwalang nakamove-on na'ko sa'yo. Sabi niya, pinipilit ko lang 'yung sarili ko. Sabi niya, natural lang daw kasi talaga sa'tin ang push and pull. Kapag iiwas daw kasi ako, tsaka ka lalapit. Tapos pag umiwas ka, ako naman ang lalapit slash maghahabol. Nakakabaliw naman 'tong cycle na 'to. Pero ano ba, papanindigan ko ang move on process.

     Naaalala ko pa 'yung isa kong kilig moment sa'yo e. Na-ospital nga ako noong mga November ata 'yun diba? Tss, dahil may virus ako sa may digestive system. Mga three days akong di nakapasok nun tapos may kulang akong tests and requirements. Pinilit kong mag-online nun kahit isa lang ang gamit kong kamay. Alam mo na, dextrose. Mahirap igalaw ang kamay pag may ganun kasi baka dumugo. Hindi ko nga alam nun kung bakit desididong-desidido akong mag-online. Siguro kasi, para malaman kung may care or concern ka sa'kin or what.

     I waited for almost an hour. Maraming nangamusta at thank you sa kanila. Hahaha. Nakita ko naman sa chat list ang pangalan mo na ang ibig sabihin ay online ka. Eto naman ako, nag-eemo kasi ni isang private message, wala. Di ka man lang nag-effort gaya ng classmates natin na ipinagpray pa ako. Dapat malulungkot na ako nun kasi inihampas mo na naman sa'kin ang kalunos-lunos na katotohanang, wala akong halaga sa'yo. magla-log-out na sana ako nang may sumulpot na chatbox galing sa'yo.

"Oy, anong nangyari sa'yo?"

     To be honest, gusto ko nang kumawala sa hospital bed at magwala. Ang gaan sa pakiramdam. Super kilig vibes. Ang saya. Cloud-nine effect. Para akong nanalo nun sa lotto but of course, hindi pwedeng ipahalata kapag nagbabantay sa'yo ang tatay mo habang naka-confine ka sa hospital. 

"Wala. Ililibing na'ko." sagot ko sa'yo.

       Medyo natagalan ka ng mga reply nung mga oras na 'yun at in the end, natigil narin ang usapan natin nang i-seenzone mo ako. Napakasakit. Haha, pero syempre, masaya ako. At least, kahit papaano, nafeel ko ang concern ng taong gusto ko. Dumating 'yung araw nang pumasok na'ko sa school. Gumaling na ako, at last. Nagulat ako one time nang lapitan mo ako sabay sabing,

"Tae, kinabahan ako nung sinabi mong ililibing ka na."

     Parang gustong sumabog ng puso ko nung mga panahong 'yun. Of course, tinitreasure ko ang mga moments na ikaw ang kusang lumalapit sa'kin at hindi 'yung pinilit ka lang ng tropa mo.

Kumunot ang noo ko sa sinabi mo sabay sumagot, "Oh bakit?"

    Malapit na akong mapangiti nun kasi ang ini-expect kong sasabihin mo na kasi di mo afford na mawala ako. Kesyo ayaw mo akong mawala. O kung ano pa mang kacheesyhan. Pero nakalimutan ko nga palang iremind ang sarili ko na huwag akong aasa, masasaktan lang kasi ako sa huli. Nakalimutan ko na expectations when they're not meeting the reality leads to disappointment. Natural kang sumagot sa tanong ko,

"Syempre. Natakot kami ni Ron nung nabasa 'yun. Ikaw ba naman may kachat na patay."

     Hinampas nalang kita nun at pinaalis sa harapan ko. Kunwari, naasar ako pero deep inside nasasaktan. Ganoon naman lagi ako e, masaya outside pero nasasaktan inside. Totoo nga 'yung sinasabi nilang kung sino pa ang mga taong nakikita mong masaya, sila talaga 'yung tunay na nasasaktan. Hindi mo alam kung ano ang napagdaanan ng acting skills ko ng araw na 'yon, C. Ang hirap kaya na magkunwaring masaya.

Napaplastikan sa sarili,

A

Para sa PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon