January 15, 2015

109 4 1
                                    

Hi C,

I've got 15 minutes to finish this letter. Shocks, napapa-english na'ko. Nakakapressure e. Chineck ko pa kasi 'yung fb account ko bago 'tong wattpad. Nakakalerki. By the way, parang nagiging habbit na sa'kin ang pagsusulat ko sa'yo. As weeks pass by, it becomes more and more of a routine for me. Ugh, english again. I suck, seriously. Actually, tumakas lang talaga ako sa pag-uupdate nito kasi magkagalit kami ng may-ari ng laptop na pinaggagamitan ko sa pag-update ng letters ko sa'yo. Kaya sana hindi maputol 'tong update na 'to pag nahuli niya ako -- ang dakilang tatay ko.

Bakasyon ngayon. Siguro, nasa computer shop ka at naglalaro ng League Of Legends? O di kaya magkakasama kayo ng tropa mo habang gumagala? O baka naman nagdidate kayo ng girlpren mo ngayon? Basta alam ko, sa mga ganitong bakasyon, hindi ka nag-aaral. Kahit alam mong test na sa pasukan, wala kang care. Ikaw kasi 'yung tipong sanay sa rush. Pag may assignment, tuwing recess, pagpasok mo sa umaga o lunch mo ginagawa ang school requirements. Hindi ko nga maintindihan 'yung mga tulad mo e. Ako kasi 'yung tipo ng tao na ginagawa na ang lahat lahat sa bahay para pagdating sa school, petiks na. Walang nang poproblemahin pa.

Shaks.

Nagbalik tuloy 'yung mga ala-ala ko sa mga panahong baliw na baliw ako sa'yo. Yuckness overload talaga. Pag nagsisipag ka sa paggawa ng school works, pasimple akong susulyap sa'yo tapos bubulong sa katabi ko na ang gwapo mo pag nag-aaral. Totoo naman kasi e. Oh, wag kang ma-flatter diyan. Ilibing kita sa bakuran namin e. Feeling.

To be honest, tinititigan pa nga kita minsan pag magppray na. Nakikita kasi kitang nakapikit na tila totoo ka sa mga panalangin mo. Kaya nga nafifeel ko na may parte ka na sobrang genuine. Na kahit paasa ka o napapaasazoned mo ko, tao ka parin. Na nasasaktan ka rin sa mga pambabara at panlalait ko. Na somehow, may mga problema ka rin at hindi lang ako. Na hindi ka talaga manhid.

Oh, magtatime na'ko C. Pasensya na kung 350 plus words lang ang naiproduce ko sa loob ng fifteen minutes. Hindi ko sinasadya. Tsaka di naman ako mamamatay kung onti lang 'yung update ko. Hindi ko ikamamatay kung mawala ka bigla. Bakit? Oxygen ka ba?

Nagiging harsh ng sobra,

A

Para sa PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon