🌼 SAMARAH POV 🌼
2 weeks na akong nandito sa probinsya umuwi na rin kasi ako matapos kung dumalaw kay riley nung araw ding umalis na ako kila kurt
Sa 2 weeks ay wala akong kahit sinu na kina usap sa bahay, tangging nandito lang sa kwarto at hindi lumalabas dinadalhan lang ako ng pagkain ni ate kim si mama naman ay isang beses lang pumasok sa kwarto ko dahil hindi nitong kayang makitang nahihirapan ako
Pero ngayon ok na ako, bukas narin ang balik ko sa new york napagpasyahan ko kasing dun nalang magsimula muli, at masasabi kung wala narin talaga akong paki-alam kila kurt galit nalang ang natitira para sa kanila ,bat pa ba ako magpapakatanga sa kanya, maraming lalaki sa mundo at malay mo hindi naman talaga siya ang lalaki para sa akin
Habang busy ako sa pag-iisip ng nangyari sa akin sa loob ng 2 weeks busy din ako sa pag-aayos ng mga dadalhin kung gamit
" anak! " sumisigaw na tawag ni mama saakin
"ma bakit ba kayo sumisigaw? " wala kung emosyong saad ng makapasok na ito sa kwarto
" anak tumawag ang mama ni kurt, sabi niya ay bumalik ka daw sa maynila dahil dinala si zach sa hospital dahil nagkaroon ito ng pulmonya "
" bakit naman ako babalik ma? Problema na nila yun, binigay ko na nga ang mga bata sa kanila diba para hindi na ako magkaroon pa nang kahit anung koneksyon sa pamilya nila" wala kung ganun sagot
" anak naman! Kailangan ka ng apo ko"
" ma! Diba sabi ko ayaw ko nang pag-usapan pa natin sila, tinaboy nila ako diba? Mas gusto nila si autumn bilang mommy nila o bakit hindi sya ang tawagan nila, at wag ako dahil busy ako " sagot ko dito
" pero anak "
" mama naman!!!! " sigaw ko napayuko nalang si mama dahil sa pagsigaw ko dito
" im sorry ma, please naman po wag niyo na ipilit pa saakin yan ma ,gusto ko na makapagsimula ayaw ko nang makita sila ma " paghingi ko nang patawad dito
" im sorry anak" maikli nitong sagot at umalis na alam kung nasaktan ko ito sa pagsigaw ko kasi never in my life na nasigawan ko siya at ngayon lang nangyari yun.
Winaksi ko nalang sa isip ko ang nangyaring pagsigaw ko kay mama at pinagpatuloy nalamang ang ginagawa ko
Ring! Ring! Tunog nang phone ko kinuha ko naman ito at sinagot ang tawag ng makita kung number ni zerenity ang lumabas
Nagpalit ako ng bagong sim para wala narin akong contact kay kurt
" besh, napatawag ka?" tanung ko dito
" wala besh excited lang ako makita ka bukas , ang akala ko talaga ay matagal pa tayo magkikita muli pero mukhang maaga ka nagising sa kahibangan mo sa ex-husband mo " sagot nito
" wag na natin pag-usapan yung katangahan ko dati"
" ok besh kung yan ang gusto mo, nga pala sinabihan ako ni blake na sasama din sya sa pagsundo sayo bukas pagkarating mo dito sa new york "
" ok yun, miss na ko rin yun eh" sagot ko
" ayie mukhang may chance na si blake ah" tukso nito
" anu ka ba" saway ko dito
" oh sige na besh ah kitakits bukas, bye love you mag lalunch na ako " paalam nito
" sige besh, matutulog narin ako " sagot ko at pinatay na ang tawag
At inilagay ko muna sa gilid ng kama ang mga dadalhin ko bukas bago humiga sa kama
Ilang minuto pa ay tuluyan akong tinangay nang anktok
BINABASA MO ANG
I'm Sorry I Broke My Promise (COMPLETED)
Romancethis is a story of samarah flaire Cyr she's married for almost 6years naging Masaya naman ang buhay may asawa at bilang ina sa kanyang kambal ngunit isang araw nagbago ang lahat