Chapter 4

1 1 0
                                    

Axel

“Axel! Gising na!”

“Axel! Anong oras na, hindi ka ba papasok?!”

“Axel!” nagising ang diwa ko sa paulit-ulit na sigaw ni mama.  Hindi ko parin minumulat yung mata ko. Inaantok pa ako.

“Tanghali na, Ibubuhos ko sayo yung ihi kapag di kapa tumayo diyan! Axel!” banta na sakin ni mama. Yuck, ihi amps.

“Wait lang!” sigaw ko rito. Bumangon naman ako sa pagkakahiga. Ugh, umagang-umaga ganito gumising sa’kin.

Nag-away na naman siguro sila kaya ako ang pagbubuntungan ng inis ni mama. Dumiretso ako sa banyo pagkatayo. To do my morning routine.

After I take a bath, sinuot ko na ang uniform ko at bumaba na.

“Akala ko hindi ka na gigising eh” salubong ni Mama sa akin habang hawak ang isang sandok. Amoy ko rin ang sinangag na niluluto niya. Lumapit ako sa tabi niya at kumuha ng tasa at kutsara, nagtimpla ako ng kape na mapait talaga.

Ang kape ko ay mas lasa ang pait kesa sa tamis. Kase konti lang ang asukal tapos madaming kape talaga.

Matapos ibuhos ang mainit na tubig sa tasa. Naupo naman ako sa harap ng hapag. Napansin ko naman ang isang lalaki. Nandito pala si Kuya Reynald.

Napabisita tong basagulero kong pinsan rito. Naglagay ng dalawang plato si Mama na may lamang sinangag, hotdog at longganisa.

Kumain na ako dahil malapit na mag alas-siete. OA kase si Mama, sabi niya tanghali na e, magaalas-siete palang pala.

Natapos na akong kumain at magkape kaya pumunta ako sa sala para kunin ang bag ko at nagmano kay Mama.

“Ma, baon ko?” sabay lahad ng palad ko sa kanya. Inabutan naman niya ako ng 50 pesos.

“Pasok na ako Ma”

“Sabay na kayo ng pinsan mo” ah oo nga pala nandito pa pala siya. Tumango ako kay Mama at naunang lumabas ng bahay.

Sumabay naman sa paglalakad si pinsan ng makalabas rin siya sa bahay. Agad akong nakarating sa school si pinsan naman ay sumakay ng jeep kanina papasok siya sa UDM. college student rin siya at same year as my sister.

Pumasok na ako at dumiretso sa ground. Nakapila na pala sila kaya mabilis akong naglakad para makapila na rin.

Nakatitig lang ako sa white board habang nagtuturo si Sir. Wala akong maintindihan ni isa. Tapos sa likod ko naman ay may nagbubulungan. Sina Duquesa at ang Gf niyang may jowa ring babae.

Medyo naiingit ako na naiinis, kase naglalampungan sila sa likod ko.

Ang lesson ngayon ay tungkol sa Continental Drift at yung isa hindi ko alam. Hindi naman sa hindi ako nakikinig, pero kase ang boring eh.

Puma-ngalumbaba nalang ako at nakatingin parin sa white board para hindi ako mahuli ni Sir na hindi nakikinig sa kanya.

Its either ako ang tatawagin–kung magtatanong man siya–o ‘yung iba kong kaklase ang tatawagin niya.

Sa tangkad kong ito at medyo may taba ay kapansin-pansin talaga ako. Hindi naman ako panget, Duh! I'm cute.

Ring!

Buti nalang at tumunog na ang bell, hindi ko na kaya itong science subject na ito. Magkasamang Math at English, anytime dudugo ilong ko sa sakit sa ulo kung papaano ito maintindihan.

Sumunod ang Esp subject. Esp na naman, ayoko rin itong subject na ito eh.

Pumunta kaming main building sa room 207, second floor. Huli akong pumasok sa room dahil tamad na tamad na ako.

“Soriano ikaw na ang magdasal” sabi ni Sir at tumayo naman si Adrianne. Tumayo rin kami at nagsimula ng magdasal.

Ayoko lang talaga ng nagdadasal.

Nagpa-seat work lang si Sir. Dahil pagod daw siya sa seminar at wala daw siyang gana mag-turo ngayon.

Out of 20, naka 13 lang ako. Wala naman sakin yun, puro hula naman yun eh. Kaya nang maipasa ang mga papel namin ay binigyan na kami ni Sir ng oras para mag-cellphone, pero dapat ay tahimik lang dahil masakit ang ulo niya.

Ako naman ay naglaro lang ng CN Match sa phone ko. At naka earphone pa ako para hindi ko marinig ang boses ni Reign at ng iba pa.

In DenialWhere stories live. Discover now